[ 8 ] The Reunion

Magsimula sa umpisa
                                    

"Mukhang nagkakasundo kayong dalawa ah?"

"Hay nako, Steven! Tigil-tigilan mo ako. Alam kong may laman ‘yang mga sinasabi mo. Wala akong balak na magkaroon ng boyfriend ngayon."

"Sabi ko lang nagkakasundo tapos boyfriend kaagad? Napaghahalataan ka, KL. Hahaha!"

"Ewan ko sa’yo! Tumigil ka na nga!"

"Aminin mo nga, may gusto ka sa pinsan ko ano?"

Nang makita ni KL si Aine ay naisip niya na gawin yun na dahilan para makaiwas sa tanong ni Steven.

"Aine, nandyan ka na pala," pag-iiba ni KL sa usapan.

"Pasensya na kung natagalan ako ah? Tara na."

Naunang lumabas sa bahay si Aine pero hindi kaagad na sumunod sa kanya si Steven. Gusto kasi ni Steven na malaman ang isasagot ni KL.

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko."

"Wala akong gusto kay Dwayne."

Nang mapansin ni Aine na walang sumunod sa kanya sa labas ay pumasok siya ulit sa bahay.

"Oi, chicks! Tara na! Late na tayo!" sigaw ni Aine.

"Nagagalit na si boss. Siya na nga ‘yung nagpatagal satin, siya pa galit. Tara na."

"Under ka talaga kahit kailan! Hahaha!" pang-aasar ni KL.

"Sadyang pinagbibigyan ko lang siya."

"Wala kang maloloko dyan. Noong una pa lang, ganyan na kayo."

Sinundan na nila si Aine at saka sila umalis sa bahay at pumunta sa venue. Doon, nakita nila ang mga kaklase nila noon na halos lahat ay mga nagtatrabaho na.

"Hi, guys!" masayang bati ni Jichelle.

Nang mapansin ni KL na tinitignan siya ni Spencer ay nginitian niya na lang ito. Naninibago si Spencer sa itsura ni KL dahil nagsusuot na siya ng mga sexy na damit at naglalagay ng makeup kumpara noon na kahit sa party ang punta nila ay simple lang ang suot niya at hindi siya halos nag-aayos. Humiwalay muna si KL sa kanila para makipag-usap sa mga kaklase nila noon.

‘May mga magboyfriend noon na kasal na ngayon. Meron din na magboyfriend noon pero naghiwalay sila at nagkabalikan din. Meron din na magboyfriend noon pero hindi na nag-uusap ngayon at may mga ayaw sa isa’t isa noon pero magboyfriend na ngayon. Ang dami na talagang nagbago sa loob lang ng ilang taon.’

Nagtingin tingin sa paligid si KL dahil hindi niya pa din nakikita sina Gab at Mika. Lumabas na lang muna siya para sagutin ang tawag sa kanya. Unregistered number ang tumatawag pero sigurado siya na tawag ‘yun galing sa Korea dahil 010 ang simula ng number.

"Yoboseyo. Nuguseyo?" (Hello. Who are you?)

"Naya, Terrence." (It’s me, Terrence)

"Terrence Martinez?"

"That's right."

"Woah! Isang hallyu star, may number ko?! Ang swerte ko naman. It's a pleasure to talk to you again, Terrence. Bakit ka pala napatawag?"

Game of Love 2: Still in Love (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon