"Sino yun?"

"Ah yun ba? si ano yun.. si Alice!"

"She doesn't sounds like Alice, sino yan?"

"Sya nga Princess promise!"

"Pag nalaman kong si.."

Agad kong pinutol ang sasabihin niya ayokong mag away kame alam kong pinagseselosan niya si Amy eh.

"Si Alice yun, nagkamali kalang ng dinig"

"Siguro nga baka sa jet lag to. osige kumain kana call me later"

Nakahinga ako ng maluwag saka humarap kay Amy laking gulat ko nung nasa likod ko na sya.

"I love you, Kim."

Napalunok ako. Matagal bago ako nakapagresponse nakikita ko sa mata niya na nasasaktan sya hindi narin sya nakangiti. I hate seeing people getting hurt because of me.

"Kim? andyanka pa ba?"

"Ah Oo.. I love you more Princess, sige kakain na ako ha? babye. ingat ka, Mahal kita"

Agad kong ibinaba ang phone.

"Why do you have to lie?Maiintindihan ko naman kung nagseselos yang girlfriend mo."

I followed her sa counter naupo kame i don't know what to say. I started eating nalang..

"Mahal mo talaga sya no?"

Para akong mabibilaukan sa sinabe niya tinignan ko sya pinaglalaruan nya nalang ang food

"Stop playing with the food"

"Hindi mo pa sinasagot ang question ko"

"Oo, mahal ko sya."

Napatigil sya sa paglalaro sa pagkain saka humarap sa akin

"Uuwi na ako, pakisabe kay Alice magkita nalang kame some other time ok?" ngumiti sya pero bakas sakanya na nasasaktan sya.

Aalis na sana sya nung hawakan ko ang wrist nya.

"At least finish your food, please"

"I can't even drink a water sa narinig ko, Nasasaktan ako Kim."

"Akala ko ba we're clear na? bat ganyan?"

"Sorry, pero I can't keep my promise. can't you see? mahal pa rin kita hindi ako magpapakahirap na hanapin ka at uwian ako dito sa Pilipinas kung hindi kita mahal, don't you get it? I want you back"

Napabitaw ako sakanya nung marinig ko yun, Akala ko nagkasundo na kame na tapos na ang lahat sa amin. nakakainis.

"I'm sorry"

those are the words that came out of my mouth. Nagbabadyang tumulo yung luha sa mga mata niya saka sya naglakad palayo.

"Amy!"

Nag ok sign nalang sya saka lumabas ng pinto. hahabulin ko dapat sya pero it will give her the impression na papaasahin ko sya. napabuntong hininga ako nawalan na ako ng ganang kumain.

After kong mag ligpit ng pinagkainan ko humiga ako sa sofa pumikit ako saka pinakawalan yung hangin na kanina pa naipon sa dibdib ko.

"HAAAAAAAAA"

Ayokong saktan si Amy kase kahit papano may pinagsamahan kame, naging bestfriend ko sya kahit ganun yung ginawa nya sa akin nasasaktan parin ako kapag nakikita ko syang malungkot.

My Lovely RoommateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon