Chapter 34

11.8K 215 11
                                    

Kim

Ilang weeks na ang nakakalipas simula nung bed scene namin ng Princess ko. Tuwing naalala ko yun napapangiti nalang ako.

Andito kame sa Garden ngayon nakaupo sa bench habang nagpapahinga may mga pagkakataon talaga na nahuhuli kong parang tulala si Steph tapos nagiging mailap sya tapos paminsan parang napapaluha sya. Nakakainis lang dahil kapag tinatanong ko sya lage nyang sinasabe "Pagod lang ako" "Masakit ang ulo ko" pero alam ko may inililihim sya sa akin.

"Kim?"

"Hmm?"

Napalingon ako sakanya habang nasa bunganga ko pa ang jelly tongue ice cream na binili ko. Feeling ko kase nakalipstick ako kapag kinakain ko to. hehe

"Ano ba yan, para kang bata!" pinunasan nya ang gilid ng labi ko feeling ko may laway.

"Nga pala, next week na ang alis ko papuntang Palawan para kumuha ng mga larawan mga 3 weeks ako dun kase dadalawin ko rin yung pinapatayo nila dad na shelter for kids"

Tumango tango lang ako medyo nalulungkot ako na aalis sya at almost a month pa syang mawawala, wala na ako sa mood ubos ko na yung ice cream ko.

"Kim, diba napag usapan na natin yun?" pinilit nya akong iharap sakanya saka nya pinunasan ang bibig ko.

"Oo Princess, pero nalulungkot lang ako kase mamimiss kita tagal mo kaya dun" bumuntong hininga ako saka sumubsob sa leeg nya

"Kim, mabilis lang yun basta wag kang maglalandi sa iba ha?" niyakap nya ako saka hinalikan sa pisngi di na ako umimik kase nalulungkot talaga ako.

"Princess, sama nalang ako?"

"Hm? di pwede may summer class ka"

"Haysh!"

Kung bakit ba kase hobby nya ang photography kung san san tuloy sya napapadpad tapos hindi pa ako kasama, kung pwede ko lang idrop nalang lahat ng subjects ko for summer para masamahan ko sya.

"Bakit hindi ka nalang kumuha ng photography Princess?"

"Hm?" tumaas yung dalawang kilay nya

"Kase hilig hilig mong kumuha ng mga larawan, o di kaya mag social work?"

Ngumiti lang sya saka pinanggigilan ang pisngi ko.

"Princess, wag kang mambabae dun ha?"

Natawa sya sa sinabe ko saka pinisil yung ilong ko . Asar! balak ata nyang ideface ako eh.

"Basta, wag kang maglalandi ok?"

Tumango ako sabay yakap sa bewang nya.

"I love you Princess!"

"I love you too Kimmy"

--

Alam kong nalulungkot si Kim sa pag alis ko kaya ganito sya kung makadikit sa akin unang beses namin makakawalay ng matagal, Wala rin ako sa 7th Monthsary namin. Panay kulit tong si Kim sa akin na sasama sya pero hindi pupwede dahil may Summer Class sya.

Babe.. I miss you

Biglang nagflash sa akin yung text ng babae nya!

"Araaayyy" piningot ko nga sya.

"Anong ginawa ko? bat mo ako piningot?!"

"Sino yung babae mo na tinatawag kang babe at may pa I miss you pa sya sayo?!!"

Bigla syang napangiti, Aba! nang aasar ba sya!!

"Princess, wala akong babae, friend ko yun si Amy" bigla sya yumakap pero tinutulak ko sya palayo naiinis ako

My Lovely RoommateWo Geschichten leben. Entdecke jetzt