Chapter 20

16.3K 241 5
                                    

Kim

Nagising ako sa sarap ng simoy ng hangin dito sa garden nakatulog pala ako sa malalambot na legs ni Steph pati rin pala siya ay nakatulog narin, As I watched her sleep funny and happy memories flashes through my mind.

Simula ng malaman kong may iba palang dinidate si Trish ay iniwasan ko na sya. Steph and I started dating secretly. Yes, you've read it right SECRETLY. We often go out on a date eh kaso patago parin. Mostly sa resto or dito kame sa garden tumatambay maliban sa dorm, we're still hiding in the closet we've agreed that for the mean time it'll be a secret between us. Ayaw ni Steph na masaktan ang bestfriend niya dahil hanggang ngayon di parin matanggap ni Trish na iniiwasan ko na sya, she asked Stephanie a favor if ever may iba na akong gusto ay sasabihin niya agad ito sakanya. Naiipit siya sa aming dalawa kawawa naman ang Princess ko that's why we decided to hide dahil maraming masasaktan at magkicriticize sa amin, Kaya pumayag nalang ako sa kagustuhan niya ayoko rin namang mawala siya kaya okay na sa akin ang ganito for the mean time lang naman diba? Sana.

Naputol ang pag-iisip ko ng biglang magvibrate ang phone sa bulsa ko agad kong kinuha at tiningnan kung sino ang tumatawa sa akin nung makita ko, Unregistered at mukhang Outbound call pa ito.

Sino kaya 'to? maybe it's Kuya siya lang naman nakakaalam ng number ko maliban kay Alice. A smile crept on my face when I remembered kuya, nagpromise siyang babalik ulit dito kaya masaya kong sinagot ang tawag.

"Hello?" I answered with a curious but jolly voice. Hindi ko maitago ang excitement eh hehe.

"Hija! thank God you've answered my call!" kilala ko ang boses na to, nanlamig ako sa sobrang kaba. agad kong tiningnan ng mabuti ang number pamilyar ito sa akin. naririnig ko siyang nagsasalita sa kabilang linya.

"I'm sorry who is this?" I replied.

"Is that how you greet your mom?" her jolly voice shifted into serious one. Uh-oh! Kim, Goodluck! my conscience is giving me some support. bigla akong napatayo umeecho pa yung word na MOM sa akin.

"M-m-mom?"

"Yes it is I, your mother. Hija nasaan ka ba? matagal na kitang hinahanap, Hija please bumalik kana, Your dad & I miss you" her voice cracked when she said she missed me. sa pagkakatanda ko galit na galit at hindi niya ako tanggap, hindi kaya nagbago na ang isip niya at tanggap niya na ako?

"Mom, I-I c-can't." I refused.

"But why? don't you miss your family?"

" Mom, No. God knows how much I missed you guys. I-it's just t-that.." naghehesitate akong sabihin sakanya na may Girlfriend na ako at alam kong mas lalo niya akong itatakwil sa ginawa ko.

"What is it hija, tell me. is it about your course that your taking up right now? wala na akong problema doon tanggap ko na ang gusto mo" mas lalo naman akong nagiguilty neto eh..

"No,mom. I-i gotta go ma, bye I love you" I turned my phone off para hindi niya na ako matawagan. paano ba nya nakuha ang number ko. hayssshhh.

"Kim?" I turned my back and saw my Princess scratching her eyes.. awe too cute.

"Gising kana pala" nginitian ko sya at umupo sa tabi niya. Kapag nakikita ko siya nawawala ang takot na nararamdaman ko. niyakap ko siya ng mahigpit.

"Sino yung kausap mo?"

"Oh ayan na naman yang kilay mo, Wala yun." hinagod ko ang magkabilang kilay niya nakakatakot siyang magtaray eh. hinawakan niya ang dalawang kamay ko at pinisil ng malakas

"Aray aray, Eehhh Princess naman masakit eh"

"Sino nga kase yung kausap mo?! May kabit ka no!" natatawa ako sa reaksyon niya kung alam niya lang kung sino ang kausap ko. kinurot niya ang tagiliran ko.

"Hi-hindi, aray. ouch. Princess ha, nakakailan kana! pag ako napuno!" tinaasan ko ang boses ko para mas magmukhang may authority ako.

"Anong gagawin mo!!??" walang epekto

"Ito" hinila ko siya para bigyan ng isang halik, hawak ang dalawang pisngi niya ipinikit ko ang mata ko para mas madama ko pa ang bawat halik at ang labi niya. unti unti niya ng iginagalaw ang mga labi niya napahawak sya sa mga kamay kong nasa pisngi niya. napasmile ako ng hindi ko sinasadya..

"mmm" i heared her moan, mukhang nagugustuhan niya. napadilat siya ng mata ng maramdaman niyang nangingiti ako at tinulak niya ako halos mapahiga naman ako sa lakas ng pagkakatulak niya tumayo siya at tiningnan kung may nakakita sa amin.

"Bat mo yun ginawa?! kainis ka!" tinalikuran nya ako namumula siya sa sobrang hiya. tumayo ako at niyakap siya sa likod.

"Para tumahimik kana ang ingay mo kase eh" natawa ako ng pagkalakas lakas sa sinabe ko humarap siya sa akin at sinikmuraan ako napayuko naman ako sa sakit nakalimutan kong black belter pala tong si Steph.

*Cough, Cough* Aray ko! ang lambing ng Princess ko no?

"Yan ang bagay sayo! masama ka kase!"

"Huy tayo kana!"

"Ah ganun ha!" sinunggaban ko siya't pinag hahalikan sa mukha. Pilit niya akong tinutulak pero hindi siya makawala sa pagkakayakap ko. natumba kameng pareho sa damuhan dahil napakalikot nya. natatawa kameng pareho ng makarecover kame sa kakatawa pumaibabaw siya sa akin at dinampian ako ng halik sa labi.

"I love you Kim" napasmile nalang ako sa kasweetan ng Princess ko niyakap ko nalang siya at dinampian din ng halik habang wala pang tao, magdidilim na.

"I think we should go now?" aya ko sakanya.

"Mamaya na di na kita mayayakap ng ganito kapag umalis tayo dito eh"

"Pwede rin naman sa dorm ah."

"Ah basta! dito muna tayo. 5 minutes nalang please?" para namang bata itong Princess ko.

"Ok as you wish Princess" dinampian ko siya ng halik sa noo.

Sana hindi na matapos ang araw na 'to..

To be continued..

My Lovely RoommateWhere stories live. Discover now