Chapter 9

17.5K 268 3
                                    

Steph

Pag mulat ko ng aking mga mata mukha agad ni Kim ang nakita ko  titinitigan ko ng mabuti ang mukha niya. iginuhit ko ang mukha niya gamit ang hintuturo ko.. deja vu ba? ito na yun oh!

Ang Ganda naman ni kim..

Ngayon ko lang napansin na sobrang dikit pala kame at mahigpit ang pagkakayakap niya sa akin..

"Mmm. Ate Steph"

Oh bat niya binabanggit ang pangalan ko? nananaginip ba to?

Pinindot ko ang tip ng nose niya. nagulat ako nung bigla niyang kinagat ang daliri ko, akala ko ba tulog siya! kinakagat kagat niya yung daliri ko at biglang nilick ang tip ng finger ko..

Oh Shit nakikiliti ako! ayaw niyang tigilan ang daliri ko..

"Kim stop it. it tickles"

Napapakagat labi ako sa ginagawa niya.

"Ayaw mo akong tigilan ha!"

Inilapit ko ang mukha ko sakanya tska kinagat ang ilong niya! Asa kang hahalikan ko ang kumag na to!

"Aray! Aray! tama na! titigil na ako!"

"Bumangon kana dahil maglilinis tayo ngayon!"

Para siyang walang narinig at yumakap pa ng mas mahigpit sa akin pati paa niya nakayakap sa akin, hindi tuloy ako makakilos o makabangon

"Kim ano ba!"

Pilit kong tinatanggal ang pagkakayakap niya. She's too strong.

"No. please stay, sandali nalang"

"No!"

"Please?"

"No"

"Bahala ka jan!"

she closed her eyes and snuggle into my neck and hugged me even tighter. i can feel her warm breath and soft lips touching my neck, It gives me the unfamiliar feelings when she's this close.

"5 minutes pa please?"

"Ok kapag hindi ka tumupad sa usapan sisipain talaga kita"

So as usual hinintay kong mag Five minutes pero tila nahawa ako sa pagiging antukin ni Kim, ipinikit ko ang mata ko ng sandali..

Phone ringing..

Naalimpungatan ako sa ringtone ni Kim pano ba naman eh Bee Do! Imitated Sound of a fire truck sa Despicable Me 2 ang ringtone niya.

Tiningnan ko ang oras pasado alas onse na ng umaga.. tinignan ko ang mukha ni Kim tulog parin, kinuha ko ang phone niya at sinagot ang tawag.

"Hello?" klarong klaro yung hesitation sa boses ko.

"Bro! I've been calling you since this morning, why're you not answering? Thank God you picked up the phone, at last!" tuloy tuloy na usal ng lalaki sa kabilang linya.

"I'm sorry but this is not Kim, She's sleeping right now."

"Oh? so who's this by the way?"

"I'm her friend Stephanie would you like me to wake her up?"

"Oh No. that's not a good idea, just tell her that I called" 

"Ok, I'll tell her when she's up."

"Ok Thanks. Bye"

Kinalikot ko ang Call Log. Kuya niya pala ang tumawag.

My Lovely RoommateHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin