Chapter 23

17.2K 254 9
                                    

Kim

Naglalakad ako papuntang classroom para sa next subject ko. Maraming tao sa lobby may nagchichismisan may naghahabulan na tila mga Grade one students dahil ang kukulit sobra! Napabuntong hininga nalang ako ito lage sumasalubong sa akin tuwing umaga. Napadaan ako sa round table dahil yun lang naman ang tanging daanan papuntang classroom namin may mga tumatambay na mga lalaking nag gigitara't nagkakantahan

"Wala bang klase tong mga kumag mga to?" bulong ko sa sarili ko.

Bawat babaeng dumaraan sa harap nila'y hinaharana nila medyo may pagka UNGENTLEMAN at Bastos tong mga to, subukan lang nila sa akin at makakatikim sila sa akin.

"Pare!pare! Paparating na dali!"Boy 1 with dirty looks on his face.

"Pare ang ganda! Pero mukhang mas astig pa to kesa satin eh!" sagot ni Boy 2 kay Boy 1

Nagbubulungan ba talaga 'tong mga kumag na 'to? Hayssshh. Subukan lang nila ipapakain ko tong sapatos ko sakanila. Mabilis akong naglakad nang malapit na malapit na ako sakanila.

Napansin kong kasama nila si George ang masugit kong manliligaw na kahit ilang beses ko ng sinabeng hindi ako pumapatol sa lalaki ay ipinipilit niya parin. Sinabe ko narin sakanya na May Girlfriend na ako ngunit ayaw niyang maniwala dahil napakafeminine ko daw kumilos rason ko lang daw yun upang itigil niya ang panliligaw sa akin.

"Mga tol sandali lang pare ha sasalubingin ko lang ang future girlfriend ko" mukhang kinikilig pa sya habang sinasabe nya to.

Lumapit siya sa akin, napakaangas ng dating niya't animo'y pag-aari niya ako. Inakbayan niya ako sabay kindat.

"Pwede ba George wala ako sa mood para sakyan ang trip mo" inialis ko ang pagkakaakbay niya sa akin.

"Kim, halika ipapakilala kita sa mga kaibigan ko" hindi pa ako nakakapagsalita ay hinila niya na ako agad papunta sa kinaroroonan ng mga kaibigan niya. Papalapit pa lang kame todo ngiti na ang mga matsing nakakaasar ang mga ngiti nila kaya tinaasan ko sila ng kilay.

"Mga tol, Si Kim pala Girlfriend ko" agad niya akong hinalikan sa pisngi, hiyawan naman ang mga kaibigan niya.

Agad ko siyang tinulak at pinunasan ang pisngi ko, Masyado akong nabastos sa ginawa niya.

"George sinabe ko na sayo, Hindi mo ako Girlfriend at hinding hindi mo ako pwedeng maging Girlfriend!" tinalikuran ko sila at naglakad papalayo binilisan ko ang lakad ko baka maabutan pa niya ako.

"Teka sandali Kim!" hinatak niya ako ng malakas napaaray ako sa sakit ng pagkakahawak niya.

"George, ano ba nasasaktan ako!" pagpupumiglas ko.

"Kim, seryoso ka ba talaga na hindi mo ako kayang mahalin? Matagal na kitang nililigawan. Di pa ba sapat yun para mahulog ka sa akin? Atsaka yang sinasabe mong may Girlfriend ka? Hindi ako naniniwala! Rason mo lang yan para tigilan kita!" tumawa siya ng malakas.

"George may Girlfriend na nga ako, bat ang kulit mo?!"

"Shut Up! Kung meron, asan siya ngayon? Ha ha!Kung meron man, ayos lang tanggap kita ang hot kaya ng ganun"

"Ang manyak mo!" tinulak ko siya ng malakas ngunit nakatayo siya agad at mabilis akong hinatak at halikan sa labi. Agad sumingit ang reflexes ko at sinipa ang pagkalalaki niya.

"Ooohhh!" sabay sabay na sambit ng mga kaibigan niya.

Napabaluktot siya sa sakit na halos mangiyak ngiyak.

"Kim!" napalingon ako kilala ko ang boses na yun!

Lumapit sa akin ang babaeng kanina ko pang hinihiling na makita. Tila slow motion ang unti unti niyang paglapit sa akin. Nang masilayan ko ang kanyang magandang mukha parang kinikiliti itong puso ko halos lahat ng estudyanteng naroon ay sinusundan siya ng tingin.

My Lovely RoommateOnde histórias criam vida. Descubra agora