Chapter 19

15.5K 246 12
                                    

Steph

Napalingon ako sakanya saka ngumiti, umupo siya sa tabi ko at humarap sa akin.

"Ok lang and by the way hindi ko sya kasama kagabe, umuwi ako at sa bahay na nagpalipas ng gabi" bumalik ako sa pagbabasa.

"Oh talaga? how's tito & tita?"

"They're fine. ikaw kelan ka uuwi?" patuloy parin sa pagbabasa.

"I don't know. best tulungan mo naman ako kay Kim" tinitigan ko sya sa mata saka tumingin ulit sa libro ko.

Hinablot niya ang notebook ko.

"Hey! What the?! akin na yan!"

"Best kasi tulungan mo ako!"

"No. unless you break up with Allen"

Naagaw ko rin sakanya ang notebook ko, Best friend ko sya pero hindi ko sya dapat kunsintihin sa bad habits niya.

"Best, ayaw na akong kausapin ni Kim. anong gagawin ko?" hindi man lang pinansin ang sinabe ko.

"Well ikaw na bahala jan"

Mahirap tong sitwasyon ko naiipit ako sa dalawang taong mahalaga sa akin. I love Kim but I also love my best friend, i can't afford losing either one of them. pumasok ang prof. namin at nagsalita.

"Ok back to your seats, I don't want to see anything on top of your table." lahat ng estudyanteng naroon ay nagsibalikan at umupo ng maayos. Di man lang ako nakapag aral ng mabuti pahamak naman tong si Trish.

"Ok, Let's start"

Nang matapos ang madugong exam agad kong niligpit ang gamit ko, palabas na ako ng classroom ng makita kong sweet na sweet si Allen at Trish sa may pintuan.

"Ehem! Excuse me pintuan ho ito hindi park, Get a room guys" nilagpasan ko silang dalawa at hindi pinansin si Trish na parang may balak pang habulin ako.

"Hey!" sabay smile sa akin ni Rick.

"Oh, Hi." Bati ko naman.

"Tulungan na kita"

"No thanks"

"Pwede ka ba ngayon Steph?"

"Nope. I'm busy."

"Okay." halata sa boses niya ang pagkadismaya.

Nagpatuloy ako sa paglalakad ni hindi ko na sya nilingon, gusto kong mapag isa sa ngayon dahil gulong gulo ang isipan ko. Pumunta ako sa canteen napahinto ako ng makita kong nag uusap si Kim at Trish, kumaway sakin si Kim ngunit di ko sya pinansin sweet na sweet silang dalawa, eh kanina lang iba ang kaharutan nitong si Trish, ano ba talaga ang gusto niya? Kung ayaw nya kay Trish eh bakit ganyan nalang sila kasweet akala ko ba galit sya? Naiinis ako sa nakikita ko. I need to decide para matapos na tong problema ko nakakastress!

Dumiretso ako sa favorite spot ko sa secret hideout ko, ang Garden sa likod ng school, may malaking pond at may foot bridge sa dulo nito may malaking puno, sa lilim nito may lumang bench na nakaharap sa pond at fountain. kakaunti lang ang nakakaalam ng lugar na to kaya tahimik at sariwa ang hangin na malalanghap dito. Umupo ako sa damuhan imbes na sa bench, sumandal ako sa puno kinuha ko ang phone ko tawagan ko nalang si Danny, baka alam niya ang sagot sa mga tanong sa utak ko.

Dial..

Calling Danny..

"Hello"

"Dan! I need your help!"

"Ano na naman yan?"

"Eeeeh!Danny kase naguguluhan nako."

"Haynako Stephy di ko na alam ang isasagot sayo."

"Ok Change topic nalang!"

"So you're bored? what do you want me to say?"

"Anything. Happy Stories?" I sighed I was so frustrated.

"Ok, Kanina may nakatabi akong babae sa counter, we are waiting for our orders ng bigla siyang nautot, patay malisya lang sya sa ginawa niya..." Kahit anong patawa ang gawin ni Danny di naman ako natatawa, wala na akong gana sa pakikipagusap sakanya.

"Then she suddenly blame the other girl beside her eh halatang sya naman yun.. Hahaha!"

"Dan, I think I should call you back someone's calling me."

"Huh? agad? Ok. you take care Princess."

"Yeah. Bye."

Tiningnan ko kung sino ang tunatawag, si Kim pala.

Sasagutin ko ba?? tinititigan ko lang ang screen.

Kimmy Calling..

Crap! hindi ko matiis. Ok fine sasagutin ko na. I cleared my throat first before answering.

"Hello?"

"Steph asan ka?"

"Bakit ba? diba kasama mo si Trish?"

"Wag mong ibahin ang usapan. nasaan ka?"

"Sa lugar na wala ka!" pagtataray ko sakanya.

"Baby please nasan ka? kanina pa kita tinatawagan pero busy line ka, May kausap ka ata eh."

Did she just say? BABY? nagseselos ba sya?? a smile crept on my face.

"Wala ka na dun! Oo may kausap ako si Rick, ikinukwento niya kung gano kaganda ang surprise niya sa akin." Pagsisinungaling ko napapangiti nalang ako.

"Oh talaga? May sasabihin ako sayo."

"Ano?"

"Masaya akong kausap si Trish kanina."Nak ng! nang iinis lang ata sya eh!

"Pakialam ko ba?"

"Pero mas masaya ako kung ikaw ang kasama't nakakausap ko, kung meron man akong gustong makasama ngayon, yun ay yung kausap ko ngayon.."

Sa mga narinig ko napangiti nalang ako.

"Weh?? tigilan moko sa mga pambobola mo!nasaan ka?" hindi ko na maitago yung kilig ko. holy camote! nakakakilig naman kase eh!

"Nasa puso mo."

"Hindi! seryoso asan ka?"

"Nasa likod mo."

Lumingalinga ako para hanapin ang bakulaw na yun wala naman akong makita pinagtitripan ata ako neto eh, naiinis na ako.

"Asan ka ba?!"

"Nasa likod mo, umikot ka mahahanap mo ako."

Umikot naman ako..literally, kaya mas lalo akong naiinis kase di ko parin siya makita. I could hear her contagious laugh..

"Pinagtitripan mo ba ako?!"

"No. Princess its just that. umikot ka sa puno mismo."

Napa facepalm ako!Crap! bat di ko ba naisip yun? nagmukha tuloy akong tanga. umikot ako sa puno pumunta sa kabilang side dun ko nakita si Kim na nakaupo sa Bench na may hawak na Sunflower mukha pinitas niya lang sa Sunflower garden. She gave me a toothy smile, lumapit siya sa akin at iniabot ang flower.

"Princess, I see you."

"Bwisit ka naman eh!" saka namin ibinaba ang phones namin.

I'm trying to control myself, gusto ko siyang yakapin ngayon nangingiti nalang ako sa kakornyhan niya.

Umupo kame sa bench at naglabas siya ng baon niyang sandwich iniabot niya sa akin ang isa, tahimik kameng kumain. hinapit niya ako sa may baywang upang mapalapit sakanya. Ganito yung mga moments na gusto ko eh kahit wala kayong sasabihin o pag-uusapan basta't magkatabi kayo. The best sweet moments.

"Steph, I love you."

To be continued..

My Lovely RoommateWhere stories live. Discover now