* CHAPTER 2 ~ I am not interested.

Start from the beginning
                                    

"Ito kasi ang dream school ng parents ko kaya dito nila ko pinag-aral. Marami silang pangarap sa 'kin at ako ang inaasahan nilang mag-aangat sa kanila sa kahirapan. Ayoko masayang 'yung mga sinakripisyo nila." ani pa ng babae. Pinakikinggan lamang siya ni Eugi habang uma-akyat sa hagdan. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa babae kaya minabuti nalang niyang tumahimik at pakinggan ito. "Bakit kasi kailangan pa nilang tapakan ang iba para lang umangat sila? Ang unfair."

'Its human nature.. The world is a fair game, but you have to compete with unfair people.'

Tumagal ang kuwento ng babae hanggang sa marating nila ang kanilang destinasyon. Tumigil sila sa tapat ng unang kwarto pag akyat ng ikatlong palapag. "Dito na ko.." tinuro ni Eugi ang kaharap na pintuan ng kaniyang magiging classroom.

Noon lang rin napagtanto ng babae na tumagal ang pagkukuwento niya sa babaeng hindi pa niya nalalaman ang pangalan. Nakaramdam siya ng pagkahiya dahil halos ikuwento na niya kay Eugi ang buong daloy ng kaniyang buhay na para bang isa niya itong malapit na kaibigan. Ngunit hindi naman niya pinagsisisihan ang pagku-kuwento sa kaniya dahil napakagaan ng loob niya kay Eugi kahit pa hindi man lang ito nagsalita para kausapin siya. "Sorry ang daldal ko, ha? Gan'to kasi talaga ako makipag-usap 'pag wala pang kilala dito, e." napapahiya itong nagkamot ng ulo habang nakatingin sa kaniya. "Anyway, Abby ang pangalan ko."

"..."

"I-Ikaw? Anong pangalan mo?"

"Eugi.."

"Yu-ji? Japanese name ba 'yan? Hehe, first time ko palang makarinig ng gan'yang pangalan. Weird pero bagay sa 'yo." ani Abby. Muling nakaramdam ng pagkahiya si Abby nang hindi man lang magsalita ang kaniyang kausap. Ni hindi nga nito magawang magbigay ng kahit na anong uri ng reaksiyon. Stable. Hindi nagbabago ang kaniyang ekspresyon mula pa kanina. "S-Sige mauna kana, Eugi. Sa kabilang floor pa ang classroom ko. Thank you talaga sa pag tulong mo kanina, 'di ko malilimutan 'yon."

"Mm.."

"Thank you ulit!" pahabol pa nitong sigaw bago siya makapasok sa loob ng classroom. Tumingin sa kaniya ang ilang mga kaklase pag pasok niya sa loob. Occupied na ang mga upuan sa likod at bandang gitna kaya naisipan nalang niyang umupo sa bandang unahan. Ramdam niya ang mga nakasunod na tingin ng kaniyang mga kaklase habang patungo siya sa kaniyang puwesto. Inilapag niya ang kaniyang asul na bag saka umupo.

Hindi niya akalaing ganito ang unang bungad ng araw niya sa kolehiyo. Pagkarating palang niya ay may gumagawa na ng eksena, kaya wala sa sarili niya itong napatulan. Bukod doon ay mukhang hindi maganda ang first impression ng mga kaklase niya sa kaniya. Karamihan kasi ay hindi kagandahan ang paraan ng pagtingin sa kaniya.

"Alam mo na ba 'yung nangyari?" dinig niya ang boses ng lalaki mula sa kaniyang likuran.

"Alin? 'Yung kanina sa hallway?" tanong naman ng babae.

"Oo. 'Yung may nakasira daw ng wall!"

"Naabutan mo ba? Anong oras nangyari?"

"Naabutan ko 'yung gulo kanina lang pagpasok ko, pero 'di ko nakita 'yung actual na pangyayari."

"Ano daw bang buong nangyari?" tanong muli ng babae.

UNRIVALED!Where stories live. Discover now