Chapter 12 (UNDER EDITING)

Start from the beginning
                                    

Sh*t!

Baka makita kami nang mga zombie dahil sa flashlight nila!!!

" Sabihan mo sila!"- pabulong ko kay Maelee

"Ayoko. Di ko naman mga kilala yan eh."- malakas na sabi nya kaya naman biglang nagsalita ang isang pamilyar na boses nang babae.

"May Tao ba dyan?"- pamilyar na boses nang babae, dahilan para magkatinginan kami ni Maelee.

"NICOLE?!"- sabay naming sabi.

Nagmamadali itong pumasok na may dalang flashlight bago itinutok samin.

"U-uyy?!"- gulat na salubong nya sa amin kasabay nang pagdungaw nang lalaki sa likuran nya.

"Gagu! Antagal mong nawala! Akala namin patay ka na!"- Sigaw ko at nag-apir kami.

Medyo nagkakakitaan kami dahil sa dala nilang flashlight. Akala naman namin ay kung sinong masamang loob na ang makakasabay namin eh.

"Saan kayo naglulungga?"- Nicole. Tinungan na nila kami sa pagkuha nang supplies. Gusto na rin naman kasi nilang sumama samin kaya pumayag agad kami. Mas marami, mas mapoprotektahan namin ang isa't-isa.

"Sa Bahay ni Maelee. "- Sagot ko

"Oh? Ang lapit lang pala!"- saad nya

Habang nagkekwentuhan kami, nakarinig kami nang mga pamilyar na kaluskos.

"Shh. Patayin mo yung flashlight."- bulong ko kay Nicole

Kaming dalawa kasi ang magkasama at yung lalaki at si Maelee ay nag-hiwalay para daw mas marami kaming makuha. Medyo nakakakilos na kami nang maayos dahil nasa kasama nyang lalaki si Ezekiel.

Pinatay naman ni Nicole ang Flashlight. Walang ingay kaming naglakad sa pagitan nang mga stall nang susi at kadena. Iningatan namin masyado ang galaw namin ni ang paghakbang para hindi kami makatawag pansin sa mga zombie sa paligid.

Nang malapit na kami sa dulo nang stall, sa pinakalikod; kung saan naroroon ang mga juice sa refrigirator at mga ice cream na malamang ay tunaw na ngayon, biglang sumulpot ang isang zombie sa mismong harapan ko, dahilan para magkatinginan kami ni Nicole.

Buti nalang talaga at pareho kaming may presence of mind sa mga ganitong pagkakataon. Pigil hininga kaming naestatwa at pinilit na hindi gumalaw ni isang daliri.

Masyadong sensitibo ang mga zombie na ito kahit igalaw mo ang kamay mo. Ni hininga ata ay kaya nilang maramdaman. Pinilit ko ang sarili ko na langhapin ang mabahong amoy nang naaagnas na laman nang zombie. Hindi na ito kumpleto nang parte nang katawan kaya iika-ika itong maglakad.

Pinilit naming mag-tiis nang halos limang-minuto sa amoy nang zombie na iyon. Mabagal kasi iyon maglakad kaya matagal bago kami naka-alis.

Pagkalagpas nang isang zombie na dumaan kanina, magkasama naming hinanap sila Maelee na agad din naming nakita. Sinabi namin sa kanila ang mga nangyari kaya nagmadali silang kumuha nang mga supplies.

Nang palabas na kami, pinilit kong itulak ang glass door na nasa entrance pero wala,. Ayaw nitong bumukas!

Pumagitna naman ang lalaking kasama ni Nicole kanina at pinilit nyang buksan ang glassdoor.

"Takte. Anyare dyan?"- ako

" Wag mo sabihing mata-trap pa tayo dito?"- Nicole

"Ako nga."- pagpi-prisinta ni Maelee

Tumabi nang konti ang lalaki at hinayaang buksan ni Maelee ang glass door, pero ni wala sa aming tatlo ang nakapagbukas. Kanina lang kasi ay ayos pa iyan at tahimik pa kaming nakapasok. Pero ngayon, lintek! Hindi kami pwede abutan nang umaga dito. Mauubos kami!

"Flashligt-an mo nga."- ani Nicole

"Tunge. Edi nakita tayo nang mga zombie!"- Maelee

"Hindi naman tayo makakalabas dito."- yung lalaki

Wala kaming ibang magagawa kundi buksan ang flashlight at nakita namin ang kamay nang isang zombie na nakaipit don. Kaya naman pala ayaw bumukas eh.

Nagkatitigan pa kaming lahat. Nag-iintay kung sino ang magtatanggal nang putol at inuuod na kamay sa may glassdoor.

"Tsk. Ako na nga."- prisinta ni Nicole

Nang hawakan nya na ang putol na kamay, hindi ko na kinaya ang lahat kaya ipinilig ko ang ulo ko at tumingin sa bandang likuran ko.

Pinasok ako nang kaba at matinding takot nang makita ko ang isang pigura nang tao na paika-ikang tumatakbo papunta sa direksyon namin at habang lumalapit ito, nagkakaroon nang tunog ang bawat pagtapak nya sa tiles.

Hindi ito agad napansin nang mga kasama ko dahil sa pag-uusap nila kaya pinilit kong kunin ang atensyon nila sa pinaka-mabilis na paraang alam ko.

"May papalapit! Tago!"- pabulong na sigaw ko at natinag naman sila kaya nagmamadali kaming lumiko sa bandang kanan at doon nagtago. Punatay nila ang Flashlight at pinagmasdan namin ang anino nang zombie na iika-ika maglakad.

Humarang ito sa glassdoor na dapat ay lalabasan na sana namin kanina.

So... pano kami makakalabas?!!

Survivor Where stories live. Discover now