Chapter 11 (UNDER EDITING)

Start from the beginning
                                    

Mukhang napansin naman ni Warren na nanahimik ako. Alam nya kasing Galit ako kay Marjorie simula noon pa. Okay lang sana kahit one of Julie's friend eh, pero sa dinami-rami nang kaibigan ni Julie, si Marjorie pa!

"Eh kayo? Anong nangyari sa inyo nung nag kahiwa-hiwalay tayo?"-Aaron

Kinwento naman ni Warren kay Aaron ang lahat nang nangyari bago namin makita si Daryll.

"Ang grabe naman pala."- Komento ni Aaron

Nagpatuloy lang kaming lakarin ang kahabaan nang tunnel. At nakarating din matapos ang mahigit dalawang oras na paglalakad.

Ngayon, nasa harapan na namin ang pinto at ang kabila nito'y gubat na pero wala ni isa sa amin ang nagtangkang magbukas. Tahimik lang kaming nakatitig sa door knob at nag-iintay kung sino ang hahawak nito at magbubukas nang pintuan. Pero walang gumawa.

" Sigurado ka bang ligtas dito?"- tanong ni Daryll kay Aaron

" Hindi. Kaya lang naman ako napapasok sa tunnel dahil hinabol kami nang mga zombies eh. Malamang sa malamang, maraming mga zombie ang nandyan sa kabila. Pero wala naman tayong choice eh. Mata-trap pa nga tayo kung saka-sakali eh."- Aaron

"May alam akong daan. "- si Warren dahilan para mapatingin kaming tatlo sa kanya

"Kaso........ "

"Dun nalang! Lalapain tayo pag tumuloy pa tayo eh."- Aaron

Wala namang nagawa si Warren. Pati kasi si Daryll ay nagmamadali na rin.

Bumalik ulit kami sa kalagitnaan nang tunnel dahil nandun daw yung button. Tapos nung napindot na, Nagbukas ang bandang taas nang tunnel at may lumabas na hagdan.

Kung titingnan ang itsura nang lugar na mula sa kinatatayuan namin, aakalain mong isa itong building. Building nang mga matataas na tao.

Pag-akyat namin sa taas, bumungad samin ang isang malaking lab. Kumpleto lahat nang naroroon at well-ventilated area ito. Malaki ito pero masasabi kong mas malaki ang lab sa aming bahay.

Ayos!

" Sa bintana tayo dadaan."- Warren

" Mauna kayo. Magpapaiwan ako."- wika ko sa kanila na ikinagulat nila

"Ako rin."- Daryll na nakatitig sakin

" Tss. Wag nga kayong feeling bayani dyan. Hayaan mo na yang isa mag-paiwan. Babae ka eh! Wag kang magyabang. Sumama ka nalang."- Aaron na nakatingin sakin

Aba'y gago pala to ah?!

" hindi pwede. Kaya nyang tanggalin yung virus na nasa mga Zombie."- pagpapaliwanag ni Daryll

"Kahit pa"- pagkontra ni Warren

"Wag nyo syang pakialaman. May sariling buhay sya. Kung gusto nyong makaligtas, hayaan nyo syang gumawa. Marunong man ako, mas marunong sya."- Daryll

"BA'T KA BA NANGINGIALAM?! NAGMAMALASAKIT LANG KAMI PARA SA KANYA!!!"- Warren

"NAGMAMALASAKIT DIN KASI SYA PARA SA INYO!"- Daryll

"ITIGIL NYO NA NGA YAN!"- Aaron. Lumapit sya sakin hinawakan ako sa braso.


Bahagyang uminit ang ulo ko sa ginawa ni Aaron. Bakit? Wala ba kong karalatan na gawin kung ano ang gusto ko? Bilanggo ba nila ako para sundin ko ang sinasabi nila?

Piniglas ko ang braso ko mula sa pagkakahawak ni Aaron. Ayokong pinagbabawalan ako nang kahit sino maliban sa kaibigan ko at sa mga magulang. Ayoko nang parang nakatali ako at kinokontrol nang kung sinu-sino.

Yan kasi ang dahilan. Ang Dahilan kung bakit nagkaroon nang experimentong hindi naman dapat ginawa. Ipinagamit ko sa kanila ang talino na meron ako at hinayaan kong sirain nila lahat sa lugar na to.


Sakin nagsimula lahat.

Ako ang may Kasalanan. Sakin din dapat ang katapusan..


"Tama si Daryll. Mas kailangan kong gumawa kaysa tumakbo. Makakatulong ako para sa mga suvivor. "- Sagot ko bago naglakad kung saan naroroon ang mga lab gown.

"Hah. Mayabang ka. Okay ka sana kaso mayabang ka.!"- Inis na sigaw ni Aaron

Tutal ayoko namang uminit ang ulo ko dahil sa kanya, nginitian ko nalang sya.

"Ang Kayabangan ko ang magliligtas sayo."- saad ko bago pumasok sa CR para magpalit nang Lab Gown.


***************

A/N: Hey 😅😅😅. Sorry for the very very late update. Medyo tinamad kasi akong mag-update eh. Stress pa sa bahay namin. So yeah, tatapusin ko na rin naman tong story, A few chapters nalang.

Thank you for supporting and don't forget to vote and share this story. ❤️❤️❤️❤️
Lovluts<3

Survivor Where stories live. Discover now