Chapter 10 (UNDER EDITING)

Comenzar desde el principio
                                    

Nang makita kong didipensa pa sya, hindi pa man nakakapagsita ay pinutol ko na ang sasabihin nya.

" Wag ka nang mag-explain."- pagkasabi ko nun, ibinigay ko sa kanya ang ginawa kong Grycelym Trioxide ."Inumin mo yung isa, ibigay mo naman kay Warren yung natira. Pagkatapos, tumulong kang gumawa nyan."

Tumango naman sya at pumasok sa loob nang bahay.

Sabi na nga eh. Noon pa Parang pamilyar na yung mukha nya.

Magpapatuloy na sana ako sa paggawa nang gamot nang may marinig akong mga kaluskos na halos ilang araw ko ring hindi narinig. Yung mga zombie...

Nagmadali akong tumakbo papasok sa loob nang bahay. This is sh*t! Wala pa akong nagagawang gamot maliban sa pampa-immune!

Gagooooo!!!

Pagpasok ko sa loob nang bahay, nakita kong nagmamadali na si Daryll at nagising na rin si Warren.

"Dali! "- sigaw ni Daryll

Agad kaming tumakbo papunta sa pintuan sa likod. Habang dumadagundong ang kalampag sa pintuan sa harap, lalong bumibilis ang takbo namin.

"SH*t! Balik! Corner tayo!!"- Sigaw ni Daryll at tumakbo pabalik. Nasa unahan namin sya kaya naman sya ang unang nakakita.

"SA TAAS!!! SA MAY VERANDA!!"- sigaw ko.

Nang malapit na kami sa dulo nang hagdan pataas, Nasira na ang pinto dahilan para makapasok ang lahat nang zombie.

" Takte! Dali!"- sigaw ni Warren sabay hila sakin.

Pumasok kami sa isa sa mga kwarto sa taas. Mukhang hindi naman alam nang mga zombie kung nasan kami dahil huli na nang makaakyat sila dahil sa pagtutulakan.

"Nasan yung pam-paimmune?"- tanong ko kay Daryll na halos natataranta na.

" BAT BA INIINTINDI MO PA YUN?! MALAPIT NA TAYONG MAKAIN NANG MGA ZOMBIE YUN PA RIN INIISIP MO?!!"- sigaw nya habang pinipilit buksan ang naka-lovk na bintana.

"Tsk! Keep calm!!! Akala--"

" KEEP CALM?! G*go! KUNG GUSTO MO DITO MAMATAY, BAHALA KA SA BUHAY MO!"- Daryll

" OH,! EH ANO NAITULONG NYANG PAG-PAPANIC MO!!? NAISIP MO BA NA KAYA TAYONG ILIGTAS NANG ANTIDOTE KO?!! HINDI!! KASI HINDI KA NA NAKAKAPAGISIP NANG AYOS.!!"- sigaw ko sa kanya.

Nakita ko namang medyo nagulat sya dahil sa pagsigaw ko.

Huminga sya nang malalim bago inilabas sa bulsa nya ang apat na beakers at ibinigay sakin. Ibinigay ko naman kay Warren ang isa at pinainom sa kanya.

Medyo nagtaka lang ako kay Warren. Kanina pa kasi sya tahimik at parang wala sa wisyo eh.


" So? Pano na tayo ngayo?"- Daryll

Walang tayo 😑😑😑

"Ba't sakin ka nagtatanong?"-ako

" Malay mo alam mo."- Daryll

"May naisip ako"

Nagkatinginan kami ni Daryll bago tumingin kay Warren. Tss. Sa wakas! Nagsalita rin.

" May daanan sa Basement. Papunta sa gubat. Kaso..."- huminga sya nang malalim bago magpatuloy. "Nasa Baba pa yun."- Warren

Hmmm......


****************

"Ready ka na?"- Tanong ni Daryll

" Oo. "- sagot ko naman

"S-sigurado k-k-ka na ba? "- namumutlang tanong ni Warren

Tumango lang ako.

Tutal uminom naman kami nang pam-paimmune, susugal na kami. Kesa naman mabulok dito, mas maganda kung kikilos kami.

Mas nakakatakot pang magkulong kaysa tumakas. Ako ang gumawa sa kanila kaya alam ko ang abilidad nila.

At iyon ang ikinatatakot ko.

Ni-ready ko na ang ginawa kong Fake smoke at binuksan ang maingay na pinto. Agad namang tumakbo palapit samin ang mga zombie kaya ihinagis ko ang beaker na may lamang Asul na likido at sumabog iyon. Naglikha iyon nang itim na usok.

Sumenyas ako at sabay-sabay kaming lumabas. Pero di pa man kami nakakalayo kung saan ang fake smoke na sumabog, marami na agad ang humahabol samin. Hindi katulad noon, habang tumatakbo ang mga zombie ay nalalaglag ang mga laman nito na may kasamang uod.

Umaalingasaw din ang amoy nang naaagnas na patay na tao.

Nakakadiri man, wala kaming magagawa kundi tumakbo, magtago, at lumaban lang.

"DALI!"- sigaw ni Daryll

Halos talunin na namin ang hagdan sa sobrang pagmamadali.

"NASAN YUNG BASEMENT?!"- Daryll

" Sundan nyo ko.."

Patakbo kaming pumunta malapit sa kusina. Kahit saang lugar siguro pumunta, maamoy at maaamoy talaga ang naaagnas na amoy nang patay na tao.

Nagmamadaling Binuksan ni Warren ang isang Cabinet nang may biglang nagbukas nito mula sa kabila.

Isang pamilyar na pigura nang lalaki ang tumambad samin. Halos malaglag ang panga ko sa nakikita ko.

" Kilala mo pa ko?"- ngiting tanong nya habang nakatingin sakin.

Aaron?!

Survivor Donde viven las historias. Descúbrelo ahora