Chapter 7:How I Wish...

3 1 0
                                    


Erina's POV

Since kailangan ko na ring umuwi.... Sasabay nalang ako kay Hiro.

"Maglalakad din naman ako pauwi. Sabay nalang tayo."

"Sigurado kang hindi mo ako ini-stalk?"

"Asa ka namang ii-stalk kita!"

"Heh, relax, nagbibiro lang ako."

"Naoki, okay lang ba na mauna na kami? Kaya mo ba na maiwan dito mag-isa?"

"Of course, kaya ko na. Thanks for worrying about me."

"All right, sige aalis na kami. Bye!"

"Bye, everyone!"

Pagkatapos naming magpaalam kay Naoki, nagsimula na kaming maglakad pauwi. Kasabay din naming maglakad si Ayah at saglit lang ay humiwalay na rin siya sa amin ng daan. Pagkatapos naming magpaalam kay Ayah, kami nalang ni Hiro ang natirang magkasama.

"Salamat sa pagtatanggol niyo sa akin kanina."

"Well, para ngang hindi mo yun kailangan kanina eh."

"Hmmm, siguro, pero malaki parin ang naitulong nun sa akin." , "Kahit papaano binigyan ako nito ng lakas para maipagtanggol ko ang sarili ko."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Para kasing ano..."

"Parang?.."

"Haha,ngayon nahihiya na akong sabihin."

"Sabihin mo lang. Promise I won't judge it."

"Well, feeling ko kasi parang may dalawa akong nakatatandang kapatid na nag-aalaga sa akin."

"Nag-iisang anak lang ako, at wala ako gaanong close family. Kaya hindi ko alam ang pakiramdam ng prinoprotektahan gaya nung kanina."

"Yeah... Maganda rin pag may nakatatandang kapatid ka."

"Diba sabi mo kanina may kuya ka diba?"

"Yeah. I did"

"oh! I- didn't know, I'm sorry for your loss--"

"What the heck? Mali ang pagkakaintindi mo. Hindi pa siya patay!", "Pero..."

Pansin ko na medyo humina ang boses niya. Alam ko naman na ayaw niya itong pag-usapan.

"Hindi mo naman kailangan sabihin kung sakin dahil hindi naman kita pipiliting ikwento."

"Look... naaksidente ang kuya ko at may mga bagay na hindi na naging gaya ng dati. let's just leave it like that."

"Pasensiya na, hindi ko naman intensiyon na manghimasok sa buhay mo, niyo."

"Okay lang. hindi mo din naman alam."

Medyo naging awkward ang atmosphere sa pagitan naming dalawa pagkatapos ng usapang iyon.

"Mukhang nag-enjoy sina Ayah at Naoki ngayong araw na 'to."

"Yeah, Must be be nice being Naoki. Lahat naman ng usto niya nakukuha niya."

"Ano ang ibig mong sabihin? Sure akong may mga problema din naman si Naoki."

"I doubt it. He actually has a family taht cares. Naoki's the big brother in his family. His parents love him, his siblings adore him.... not to mention all those fan girls."

"Well, you know how insecure he is. There mus be a lot of pressure on him. at least, that's what i think. Meron din naman siyang mga problema. Walang perpektong tao Hiro kaya lahat tayo may dinadalang probema sa buhay."

"Yeah, yeah. I know that he is not perfect.", ".. I just can't get over it."

"Yeah. I know what you mean."

The sun begins to set in the distance, turning the sky orange and red. I glance up to admire the sunset. Nabaling ang atensiyong ko sa napakagandang senario at hindi ko na tinitignan ang dinadaanan ko.

"Wait!, look out--!"

Biglang may pusang tumalon na sa tingin ko ay nanggaling sa kalapait naming mga halaman. Napaatras ako ng bahagya bago ko pa man ito maapakan, pero--

"Aray!"

I fall to the ground, mukhang naipitan pa ata ng ugat ang paa ko dahil masakit ito. Hindi naman ako clumsy pero bakit anyare sa akin ngayon?

"Saan nanggaling yung pusa...?"

Mas mukhang nagulat pa ang pusa kaysa sa akin. lahat ng balahibo nito ay nakataas na parang nakakita ng multo.

"... Here, Kitty. You look scared."

Himala at parang sinaniban ngayon ng anghel itong si Hiro. Parang hindi siya ang nakikita ko ngayon. His normal scowl melts into a sweet angelic smile.... wait... what am I saying?! Oh my god. I think I'm crazy!

"I won't hurt you."

Hindi naman siya nilalapitan nung pusa at base sa kilos nito, mukhang takot itong lapitan si Hiro hanggang sa tuluyan na ngang tumakbo at lumayo ang pusa. At sa kahihiyan ko, noong sinubukan kong tumayo, parang wlang lakas ang paa ko.

"Tch--"

"Hey, watch yourself."

Naka focus lang ang atensiyon ni Hiro sa akin at hinawakan niya nag kamay ko para tulungan akong makatayo, pero napangiwi nalang ako dahil sa sobrang sakit.

"Sorry, I don't think I can stand right now..."

"Guess it can't be helped..."

What, iiwan ba niya akong mag-isa dito sa ground....? Hindi ko talaga magets ang ugali ng isang 'to. Kanina parang anghel na bumait ngayon ay ewan ko na... Pero nagulat ako ng bigla siyang lumuhod sa harapan ko.

"What are you waiting for? Get on my back."

"Wait, uh..... are you sure na okay lang 'to? Baka kasi kung anong isipin ng ibang tao pag nakita nila tayo sa ganitong posisyon."

"Who cares? That's fine with me."

Kahit na sinabi niya na wala siyang paki-alam, obvious naman na namumula na ang mukha nito....

"Thank's then..... Let's just get this get over with."

Pumasan na ako sa likuran niya. Hindi ko naman akalain na malakas pala ito. Kung sabagay hindi naman ako masyadong mabigat kaya okay lang siguro sa kanya.

"Don't tell anyone this happened, okay?"

"Why would I tell anyone?"

Lumingon siya ng ka-unti sa akin at saka siya ngumiti.

"That's what big brothers are for aren't they?"

I can't help but fell embarrased at that.... I'm really glad na pinili kong makasabay pauwi si Hiro ngayon. kahit na nasaktan ko ang paa ko, hindi ko marerealize na mabait pala ito kahit na minsan ay hindi naging maganda ang pakikitungo namin sa isa't isa noong una naming pagkikita.

Nakarating naman kami sa bahay ko at nagpasalamat ako sa kanya bago siya tuluyang umalis. Habang tinatanaw ko ang papalayo niyang pigura, hindi ko maiwasang isipin ang mga nangyari kanina. And to my dismay, something inside me started to wish..... na sana hindi niya ako makita bilang isang nakababatang kapatid lang.






________________________________________________________________________________

Pasensiya na at ngayon lang nakapag-update T.T Nagloloko kasi yung netbook ko.. ewan ko ba dun kung bakit naglolog-off ng kusa... feeling ko tuloy dinedemonyo ako dito sa kwarto ko huhuhu... Babawi po ako next time PROMISE ^_^ ^_^

lovelots

-Miss_Shin_Yu

Perfect HarmonyWhere stories live. Discover now