Chapter 1: Meet the New Quartet

14 1 1
                                    

Chapter 1

Meet the New Quartet


Erina's POV

Simula palang noong bata ako nakahiligan ko na ang musika. Noong apat na taong gulang ako, first time kong makarinig ng live orchestra. Napapakinggan ko ang napakagandang musika na nililikha ng iba't- ibang instrumento. Parang magic. Para akong nasa isang fairy tale. Ang bawat tunog na nililikha ng mga instrumento ay naghahatid ng iba't- ibang damdamin at pawang bumubuo ng isang napakagandang kwento. Ngunit mas nangingibabaw dito ang napakatamis na tunog ng solo violin, at dito ko napagpasyahan na gusto kong maging violinist. Gusto ko ding makalikha ng napakagandang musika. At kahit papaano....

"Erina" pukaw ng guro sa aking atensiyon.

"Ano po iyon Mr. Hernandez?"

"Tapos na ang klase ngayon pero pinapatawag ka ni Mr.Hiroshima, may sasabihin siya sa'yo. Wala ka namang gagawin ngayon diba."

"Opo, okay lang naman po sa akin 'yon."

"thanks, Erina. Sige pwede ka nang umalis ngayon. Bumalik ka nalang dito mamayang 4:30."

"Sige po. Thank you."

Habang naglalakad ako sa daang ito, unti-unting nawawala ang magic ng musika. Pinagpatuloy ko nalang ang paglalakad sa hallway habang iniisip ko kung ano ang sasabihin ni Mr. Hiroshima sa akin. Pero, isang nakakabinging sigaw ng babae ang narinig ko.

"Move out of the way bitch! Prince Naoki is coming through!"

Yan si Reiko-isa sa mga admirers ni Naoki. At sino ba si Naoki? Well... siguradong isa siya sa pinaka popular dito sa school. Lahat ata ng mga babae dito eh papangaraping makasama siya. Siya ang school idol kaya no wonder at marami talaga ang magkakandarapa sa kanya.

"Naoki, you look so cool~" -Reiko

Sa mga mata nila si Naoki ay maituturing bilang Mr. Perfect, pero wala ako masyadong pakealam sa kanya. Dito, ang focus ko lang ay nasa music at wala nang iba pa.

"Excuse me, I need to get past." My goodness. Eto pa ata ang magiging dahilan para malate ako. Sigurado akong hinihintay na ako ni Mr. Hiroshima. Sa bilang ba naman ng taong nakaharang dito, papaano ako makakadaan.

"Of course! Sorry to block the way-" nagbigay naman siya ng sapat na espasyo sa daan para makadaan ako.

"Naoki, can't you walk home with us?"

"I'm sorry, Reiko, I've actually got something to do today..."

"Awwwww!", " It's like that the Prince of Mikoshiro Music High School wouldn't have time for us~"

Tama, kasalukuyan akong nag-aaral dito sa isang prestihiyosong paaralan, ang Mikoshiro Music High School. In middle school, isa sa goal ko ang tumugtog ng musika kasama ang mga top high school musicians in the nation. Lagi akong nag-eensayo kada oras araw-araw, kailangang maperfect ang bawat piyesa. At..... buong puso ko, pinagsisikapan kong makabuo ng isang napakagandang pangayayari, ito ay parang kagaya sa panahon noong una kong marinig ang napakagandang musika. Hindi ko aaksayahin ang oras ko sa mga walang kwentang bagay lang. Sinigurado na rin iyon ng istrikto kong mga magulang. Pero sa tuwing sasabak ako sa isang kompetisyon, bawat oras na ginugugol ko sa pag-eensayo, bawat perpektong performance.... pakiramdam ko na mas lalo akong lumalayo sa pangarap ko. Kahit papaano, nakapasok ako sa school na to, ang pride ng mga magulang ko. Mataas na grado. Model student. But I can say it's all I thought it would be.

I wonder... available kaya ang practice room sa oras na 'to.....? I guess I'll chechk it myself.

Halos mag-iisang taon na rin akong estudyante dito ngayon. Tumutugtog ako dahil iyong ang alam ko. Nakuha naman ng atensiyon ko ang tunog ng cello na nagmumula sa practice room. Meron na sigurong tao dito maliban sa akin. Somehow.... eto na ang naging umpisa ng sarili kong fairy tale. Alam ko na hindi ako dapat nandito sa harap ng practice room para tignan kung sino man ang tumutugtog ng cello, pero papakinggan ko lang naman kahit saglit.... dahan dahan akong sumilip sa pintuan para makita kung sino man ang musician na tumutugtog, pero nakita niya ako at nahulog niya ang kanyang bow.

Perfect HarmonyWhere stories live. Discover now