Chapter 2: Meet the New Quartet pt.2

15 1 0
                                    

Erina's POV

"Wow, makakasama natin si Naoki at Hiro sa team? This is so exciting!"

"Well, we hand-picked this year's group with the best in mind.", "All of you deserve to be here. Gaya nga ng sinabi ko kanina kay Erina.... this quartet has some special requirements."

Habang sinasabi ni Mr. Hiroshima ang mga guidelines para sa assignment namin, saglit kong sinulyapan ko ang mga kasama ko. Ano kaya ang pakiramdam na makakasma ko sila sa pag-eensayo at sa pagtugtog? Muli ko nanamang nasulyapan ang ngiti ni Naoki.....and a vague hope flutters it's way into my head. Siguro... lahat kami dito ay magiging magkaibigan din. Tumingin sa akin si Hiro at pinaningkitan ako ng mata. Never mind then.

"Practices will be after school on Monday, Wednesday, and Friday, starting tomorrow." "Eto ang music sheets niyo. Siguraduhin niyo ring magprapractice kayo sa sarili niyong mga oras. Okay, that's all!"

"Thank you so much, Mr. Hiroshima."

"Yeah, thank you! And I'm sorry dahil kailangan ko ng umalis ngayon, kaya kita nalang tayo bukas~", "uhm... before I forgot.... I need someone to quickly clean up the classroom."

"Ako na pong maglilinis Mr. Hiroshima."

Napansin ko na naman ang ngiti ni Mr. Hiroshima na para bang may pumasok na isang magandang idea sa utak niya.

"All right, kailangan mong pumili ng kasama mo para maglinis ng classroom. Hindi mo kailangang gawin to ng mag-isa.", "Kayong dalawang lalaki, may libre naman siguro kayong oras ano?"

"Yes, I'd be happy to help."

"Yeah..... I can help too."

"Goodluck, then, kung sino man sa inyo! I'm heading out then"

At dahil satingin ko ay mas kailangan ni Hiro ang gumawa ng extra chores, siya nalang pinili kong tumulong sa akin para maglinis.

"Hiro, pwede bang ikaw nalang tumulong sa aking maglinis?"
"You just want to spend time with me, don't you?"

"No way, I just want you to do some chores."

"k. Fine"

"Hahahahahaha, Well, I guess I'll be leaving then. See you tomorrow."

Muntikan ko nang makalimutan na andito pa pala si Naoki. Nagwave lang ako sa kanya at tuluyan na itong lumabas ng classroom. Kaming dalawa nalang ni Hiro ang natira dito sa loob para maglinis. Umalis na rin kasi agad si Ayah kanina dahil may emergency daw siyang pupuntahan.

"All right, ako nalang magpupunas sa counters. Ikaw nalang ang magwalis. Okay lang ba sayo?"

"Fine with me."

Tahimik lang kaming nagtratrabaho. Aaminin ko na medyo awkward talaga ang nasa pagitan namin dalawa. Of course galit parin ako sa kanya dahil sa pinakita niyang ugali kanina.... pero habang tinitiganan ko siyang magtrabaho, hindi ko maiwasan na ma-amaze ng konti sa kanya. Dahan-dahan siyang magwalis at masigasig. Ang bawat galaw na ginagawa niya ay precise yet graceful. Walang ni isang action ang nasasayang. Sa papaanong paraan, ito ay.... Napakaganda. Kagaya ng pagtugtog niya sa cello. Bigla siyang huminto sa ginagawa niya at tinuro ako gamit ang walis na hawak niya.

"Wag mo nga akong tignan."

"An- ano?! Hindi naman kita tinitignan ah!"
"Sigurado kang hindi. Nakatutok lang yang mata mo dito the whole time."

"At bakit ko naman sasayangin ang oras ko para tignan ang isang jerkna kagaya mo?
"Mm-hm. K fine. Just focus on your work."
Nakakahiya... nahuli niya akong nakatingin sa kanya...

Nanatiling tahimik ang bawat isa sa amin habang tinatapos namin ang paglilinis. Pinunasan ko sa kabilang banda ng classroom habang siya ay nagwawalis sa kabila. Sa una, parang iniiwasan ako ni Hiro. Pero nagulat ako nung bigla siyang magsalita.

"Hey"

"Ano?"
"May hindi ka napunasan doon oh."

Medyo nakangisi siya habang tinuturo kung saang banda ang hindi masyadong napunasan ng mabuti. Bumuntong hininga nalang ako at pinunasan iyon.

"Okay na ba Mr. Perfect?"

"Mm... it looks fine. It's just, well..."

"Well?"

"Look, I just wanted to tell you that I'm..... I'm sorry. For earlier, I mean. When you ran into me in the preactice room."

Wait, tama ba ang naririnig ko? Humihingi siya ng sorry? Hindi ko talaga akalain na mangyayari to. Akala ko, siya yung tipo ng tao na gagawin niya lahat ng gusto niya, at hindi nagsasabi ng salitang sorry. Kaya medyo nagulat ako na humihingi siya ng sorry dahil sa ginawa niya kanina. And at the same time..... I'm relieved.

"Look, I was just stressed, and you caught me at the bad time. So..."

Medyo humihina yung boses niya at saka tumingin sa akin. Ang pula narin ng tenga niya. Hindi ko maiwasang hindi ngumiti dahil sa itsura niya.

"It's fine, wag mo na masyadong isipin yun."

"Thanks. I'm actually.... glad we'll be working together from now on."

Tumalikod na siya at ipinagpatuloy na niyaang pagwawlis ng sahig, kahit na malinis naman na iyon. Hindi kaya.... nahihiya siya. Siguro mabait naman siya. After a moment, umayos na siya at niligpit na ang mga ginamit naming panglinis kanina.

"Mukhang tapos na tayo maglinis."

"Heh, so ikaw na mismo ang magdedecide kung tapos na tayong maglinis o hindi."

"Yep. Problem?"

"Well, actually, I don't think that you—"

Napatigil ako sa pagsasalita noong medyo ginulo niya ang buhok ko habang tumatawa.

"Yeah, yeah. Let's just get out of here, ok?"

"Mmph. Fine with me."
Minsan hindi ko talaga maintindihan tong lalaking to. Is he nice? Mean? Selfish? Kindhearted? Something in me, eh gustong maniwala na isa siyang mabuting tao.

"So, what was that you said earlier in the practice room?", "Hindi mo mapigilang humanga sa akin?"
Kailan ko ba sinabing mabuti ang lalaking to--!

"Wala akong maalalang sinabi ko yan...!"

I can't believe this guy! He's so conceited?!

"Sino ba naman ang magiging fan mo...!"

Kahit papaano..... alam kong katuwaan lang lahat ng ito. Ngumingiti na siya ngayon at alam kong ang mga ngiti niyang yun is a genuine smile.

"Hey... thanks for today.", " I don't expect to like this."

"Yeah... I know.", "I... feel the same way."
I manage to smile a little, at sa sandaling iyon, nagtama ang aming mga paningin. I feel something inside me feels like I'm exited, my heart skipped a beat. Hindi ko matagalan ang mga titig niyang iyon kaya ako na ang naunang umiwas ng tingin. Dahil sa unti-unting paglubog na ng araw sa labas, lumabas na kami ng classroom atsinara ang pintuan sa likuran namin. Hindi ako makapaniwala na inaabangan ko ang rehearsal namin bukas.







_________________________________________________________________________________________

Hi there readers!!

I hope that you will like and support this story.

Enjoy reading it. 

Have a nice day!

Gamsahamnida!

Saranghaeyo <3


-Miss_Sin_Yu <3

Perfect HarmonyWhere stories live. Discover now