The Sin 8

5 0 0
                                    






Light's POV

Nasa canteen ako ngayon.Maraming taong kumakain ngayon kaya naisipan ko nalang umorder at doon nalang sa kwarto ni dark kumain baka gutom narin ang isang iyon.

Hindi pa siya tumatawag simula kanina ah.Magiisang oras na simula nung umalis ako sa room niya.Siguro nahihiya o kaya sadyang matigas at mataas ang pride kaya ayaw humingi ng tulong sa iba.Babae nga naman,mas pinapairal ang pride kaysa kapakanan.Tsk!

Habang umoorder ako narinig ko ang usap usapan ng mga taong kasabay ko sa pagpila.Na curious naman ako kaya pinakinggan ko ang kwentuhan nila pero hindi ako chismoso ah,curious lang.

"Kanina ko pa naririnig yun eh..."saad nung babaeng naka hospital dress.

"Ako nga rin eh,parang may kakaiba na nga eh,ang lalakas ng ingay,rinig na rinig mula sa kabilang kwarto..."saad naman nung isa pang naka hospital dress.

Anong kalabog?

"Uhm,miss.Pwede ko bang matanong kung saan nyo narinig yung kalabog?"tanong ko bigla dun sa dalawa.

"Sa 15th floor,dun sa may dulo ng kanang pasilyo.Dun nanggagaling yung malakas na kalabog..."sagot niya.

"Kanina pa po ba?"tanong ko ulit.

"Kani-kanina lang bago kami bumaba..."sagot naman nung isa.


Bullsh*t!

Agad akong napatakbo ng wala sa oras.Dumeretsyo agad ako sa elevetor.Nang makita kong puno iyon ay agad akong dumeretsyo sa hagdan at mabilis na umakyat.


Fuvk! Ano na naman kaya ang nangyare sa babaeng yun?! Puro nalang disgrasya ang nangyayare sa kaniya ah,wala na bang iba.Haist! Putang*na! Kapag may nangyare na naman na masama sa babaeng yun hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.

Pagkarating ko sa 15th floor rinig na rinig ko agad ang kalabog mula sa room ni light. Malakas ang pandinig ko kaya rinig ko agad na may nangyayare na hindi maganda sa kwarto na yun.


"Paki narin sa kaniya,mabulok siya sa impyerno!"rinig kong sigaw ni light.Huh?!



"Bakit hindi ikaw ang magsabe?"kasabay nun ay ang pagtama ng isang bagay sa pader.


Dale dale akong tumakbo dun at naabutan ko ang isang lalaki na aakmang sasaksakin si light pero agad ko itong naagaw.




"Sino ka naman?!"tanong niya.


"Kaibigan ko yang sinasaktan mo!"sigaw ko.


"May kaibigan pala ang isang demonyo? Huh! Imposible..."natatawa niyang saad.


Huh? Demonyo?


"Anong pinagsasasabe mo?"naguguluhang tanong ko.



"Kapag nakita mo ang tunay na kulay ng babaeng ito,sinasabe ko sa'yo,ikaw mismo ang papatay sa kaniya..."saad nito.



"Huh?"


"Baka sa susunod magkita tayo,makwento ko sa'yo.Ngayon magpapaalam muna ako at paki sabi sa babaeng yan,babalikan ko siya..."saad niya sabay laho ng parang usok na nanggaling sa isang apoy.



Isa siyang kampon ng kadiliman!?



Binalewala ko agad yun at binaling ko kay dark ang tingin ko na ngayon ay nakahiga at punong puno ng dugo.Tinignan ko kung humihinga pa siya pero laking gulat ko ng maramdaman kong wala ng lumalabas na hangin sa bibig niya.Nag-alala agad ako at binuhat ko siya.


The Demon's LoveWhere stories live. Discover now