The Sin 6

6 1 0
                                    



Dark's POV

Nagising ako mula sa isang kwartong puti.Nilibot ko agad ang paningin ko at nakumpirma ko nga na nasa ospital ako ngayon.

Ang sakit ng ulo ko! Parang pinipiga,kumikirot siya bawat galaw na gawin ko.Sobrang hina ko ngayon,wala akong lakas na gumalaw.Hindi ko man lang magalaw yung daliri ko dahil sa bigat ng katawan ko.Ganito pala ang pakiramdam kapag simpleng tao kalang.

Natatandaan ko lahat ng nangyare sa akin bago ako mapunta dito.May tumamang bola sa ulo ko then tumama yung ulo ko sa malaking bato then everything went black.

Sh*t!

Nagugutom na ako pero hindi ko magalaw yung mga kamay ko.Wala ring pagkain dito.Gusto ko man magsalita pero hindi ko rin magalaw yung bibig ko.Nagugutom na ako sobra,gusto ko na talagang kumain pero paano naman? Haist! Tiisan na naman na walang kainan,parang hindi ko yata kaya ah.

Argh! Ang sakit!

***

Light's POV

Hindi ako makatulog ng buong gabi kakaisip sa lagay ng babaeng yun.Sana naman ay tinitignan siya ng mga doctor dun.Wala siyang ibang kasama dun eh,walang guardians na pwedeng matawagan.

Argh! Bakit ko ba iniisip ang babaeng yun?

Nakaramdam ako ng awa sa kaniya nung marinig ko na wala pala siyang magulang or guardian na gumagabay sa kanya.Isipin mo,ilang taon na siyang nabubuhay ng mag-isa lang? Na walang magulang na tumitingin sa kaniya.Ngayon alam mo na kung bakit ang tapang tapang niyang tao.Ikaw ba naman mabuhay ng mag-isa.

Sobra akong hindi mapakale kaya agad akong tumayo mula sa pagkakahiga at dumeretsyo sa banyo.Nagsimula akong maligo.Pagkatapos nun ay agad akong nagbihis at nagayos para bumisita sa kaniya.Nakakakonsenya na iniwan ko siya dun mag-isa.

Agad akong dumeretsyo sa garahe at nagsimula ng magmaneho papuntang ospital.Mabuti naman at walang traffic ngayon at maganda ang panahon.

Nang makarating ako sa ospital agad kong ipinark ang kotse then pumasok na agad sa loob ng ospital.Hindi na ako nagabalang hingin ang number ng room niya,nasabe na kagabi ng doctor kung saan siya nakaroom kaya sumakay na agad akong elevator papuntang 15th floor.Pagkalabas ko ay agad kong hinanap ang room niya.Nasa pinakadulo ng kanang pasilyo ang kaniyang room kaya ang hirap hanapin.

Nagulat ako ng mabuksan ko ang pintuan ng room niya.


Nakahandusay siya sa sahig habang nagkalat ang ibang gamit sa kwarto.Tanggal rin ang dextrose sa kamay niya.Namimilipit siya sa may sahig.


Agad ko siyang pinuntahan.May malay pa siya pero hinang hina yung katawan niya at hindi na makadilat ng maayos.Binuhat ko siya agad pabalik sa kama niya,inayos ko ang ibang gamit na nagkalat bago siya nilapitan muli.Putlang putla yung mukha niya at sobrang haggard niyang tignan.Para namang may kumirot sa dibdib ko ng makita ko ang kalagayan niya.


Fuck! Kasalanan ko ito! Kung hindi ko sana siya iniwan edi sana hindi nagkaganito ang nangyare!

Tinawag ko na ang doctor.


"Doc! Hindi ba sinabi ko naman sa inyo kagabi na tignan tignan nyo siya?! Anong ginawa niyo?!"singhal ko kay doc pati narin sa ibang nurse.


"Pasensya na po,Mr.Buenaventura.May Bus po kasing nadisgrasya kagabi kaya sobrang nagkakagulo dito sa ospital at nakalimutan ko siyang tignan..."


"Argh! Ano ng lagay niya?"tanong ko.


"Nahimatay lang siya dahil sa gutom at dahil narin sa pilit niyang paggalaw...Nabigyan na namin siya ng gamot at naayos narin namin ang dextrose niya kaya magiging ayos na po ang asawa niyo..."


The Demon's LoveOnde histórias criam vida. Descubra agora