/11/ Kabilugan ng Buwan

Start from the beginning
                                    

"Protektahan... Sa..." nanlaki ang mga mata ni Yumi nang maalala. "Arki, don't tell me sinabi mo sa family mo ang tungkol sa mga nakita natin?"

Natahimik silang tatlo. Hanggang ngayon kasi ay hindi na nila pinag-usapan ang insidente, matapos silang pagtawanan ng buong eskwelahan ay pinilit nilang itanim sa kanilang isip na isa lamang 'yong panaginip.

Alanganing tumango si Arki, at nagkatinginan naman sina Yumi at Leo.

"A-Anong sabi nila?" tanong ni Leo na napalunok, hawak pa rin ang kanyang yantok.

"Guys, sa totoo lang ang gulo rin nila eh, wala silang malinaw na pinaliwanag sa'kin. Basta nang malaman nila bigla na lang nila akong sinabihan na kailangan kong protektahan ang sarili ko," naguguluhan niyang sagot.

"Ibig sabihin naniniwala sila sa'yo!" bulalas ni Yumi. "Mabuti ka pa, Arki. Sa bahay nga'y hindi na namin pinag-uusapan, pero ang nasa isip nila tito at tita ay kalokohan lang ang nangyari sa'tin," malungkot na sabi ni Yumi. 

"Ha, para ngang ayoko na rin maalala eh. Sa tuwing naaalala ko hindi pa rin ako makapaniwala. Simula tuloy ngayon palagi na 'kong tine-training ni Ate Shiela."

"Training?!" nagulat sila sa binulalas ni Leo. "Ang coooool!"

"Anong cool? Ang sakit kaya sa katawan, pero sige na nga... Ang cool talaga ni Ate Shiela!" pagmamalaki niya. "At saka mas dadami ang alam kong moves na pambugbog sa mga bully," biro niya sabay tawa.

"Waahhh! Buti ka pa, Arki! Nakakainggit! Sana ako rin may trainor!" ngumuso si Leo pero bigla ring bumalik sa pagiging masigla. Buhay na buhay ang kanyang dugo sa kanilang usapan. "Pero hindi niyo ba naiisip na paano kung umatake ulit 'yung mga halimaw na 'yon? Paano kung hindi lang tayo 'yung mabiktima nila? Ibig sabihin kailangan talaga natin ng self-defense!"

"Leo, ang hyper mo." napatakip pa ng tenga si Yumi.

May nilabas si Leo mula sa bag, ang kanyang sketchbook, at pinakita 'yon sa kanyang mga kaibigan.

"Tingnan niyo, nag-isketch na ko ng mga weapons na pwede kong gamitin kung sakali," nilipat niya ang pahina. Kahit na duwag ay nabuhay ang kanyang loob dahil avid fan siya ng mga anime ay pakiwari ni Leo ay maaaring maging katulad siya ng mga iniidolo niyang bida sa anime-ang maging super hero. "Ang angas 'di ba? Itong tirador pwede ko 'tong gamitin sa aswang tapos may inimbento akong parang bola ng pinagsamang asin at dinikdik na bawang!"

Si Arki naman at Yumi ay tatangu-tango lang habang tinitingnan ang mga guhit ni Leo, suportado naman nila si Leo sa kung anong gusto nito. 

"At dahil advance akong mag-isip, alam kong ikaw Arki ang magiging pronta kapag nagkaroon ulit ng labanan."

"Labanan talaga?" natatawang saad ni Arki.

"Kaya naman ginagawan na kita ng costume!" nagkatinginan muna sila ni Yumi. "Heto oh! Battle costume mo Arki kapag nag-engkwentro ulit kayo ng aswang! Bagay 'to sa Arnis weapon mo!"

Napangiwi si Arki nang makita ang ginuhit ni Leo. "Leo, para namang ine-expect mo talaga na makakakita pa ulit tayo ng aswang."

"Hindi naman, sadyang ready lang ako," bumaling si Leo kay Yumi, "ikaw, Yumi, gusto mo ba ng costume? Gagawan din kita!"

Marahang natawa si Yumi at sinabing, "Huwag naLeo, wala naman akong alam sa pakikipaglaban."

"Ay!" may naalala si Arki. "Malapit na 'yung beauty pageant contest ng United Nations, for sure ikaw pambato ng klase natin. Leo, gawan mo na ng costume si Yumi!"

"Grabe, ang advance niyo masyado, malayo pa 'yon," sabi ni Yumi. 

"Akong bahala! Sisiguraduhin kong mahahakot natin ang best in costume award. Leave it to me!" turo pa ni Leo sa sarili. Masaya pa silang nagkwentuhan hanggang sa nagpasya silang bumalik na sa kanilang classroom.

Ang Huling Binukot (The Last Princess)Where stories live. Discover now