Eksesna II: And this is cuh-razy!

Magsimula sa umpisa
                                    

"salamat Mitch" sabay smile nya pero parang problemado naman si Kuya.

"Ok ka lang?Mukha kang balisa jan e"

"Ha? o-oo ok lang ako." may konitng hesitation ang sagot nya kaya naman dinaldal ko sya.

"Sus! nagaway lang kayo ng girlfriend mo e" sabay tawa ko

"Wala po sa isip ko yan" sabay smile nya sakin.Nakakamatay ang smile nitong taong 'to

"E narinig kita kanina, may kaaway ka.Keiko ata yung name nun" usisa ko sa kanya

Tumawa sya, "tsismosa ka rin no?Si Keiko? hindi ko girlfriend yun"

"O e anu mo sya?" talagang super tanong ako kasi interesado ako sa buhay nya.

"Kumain ka nalang jan.Goshippugaru [tsismosa/ gossip girl]!!"

"Anu yun?! Hindi kita naintindihan"

"wala.sabi ko kumain ka na jan" sabay smile nya sakin.

Loko tong lalakeng 'to. Baka minumura nako nito ah.

Pagtapos naming kumain,nagyosi ako.Medyo malamig kasi e.

"Legal naman magyosi diba?" tanong ko sa kanya

"Pwede naman.ALam mo, panget sa babae ang naninigarilyo"

"O.Bakit naman?" pagtataka kong tanong sa kanya

"Wala. Panget lang tignan."

"Siguro masyado kang mahigpit sa mga naging girlfriend mo kaya ka iniwan"

Ngumiti lang sya sabay sabing,"Goshippugaru [tsismosa/gossip girl]"

Anak ng tinapa naman oh.Anu ba yung sinasabi nya?isearch ko nga yun mamaya.

"Oi Mitch the witch, uwi nako."

"Ay ganun? ok sige. Ay! san ang mga gimikan dito?" tanong ko sa kanya.

"Naalala mo yung dinaanan natin kanina? Yung Shibuya Street? Dun, marami dun"

"Ok sige sige, salamat" sabay smile ko sa kanya.

Lumabas sya at ako naman e sinara ko na yung pinto. Nang biglang may nagdoor bell

..kkkrrrr..kkkkrrr..

Binuksan ko yung pinto, si Kenzo pala.

"Oh.May nakalimutan ka ba?" tanong ko sa kanya

"Wag ka ng gumimik, maraming loko loko dito sa Shibuya.iLock mo maigi 'tong pinto mo.Sige na" sabay alis nya.

Wow ha! ang sweet talaga nya.Infairness sa kanya, talagang gentlemen sya.Pero Hindi! hindi dapat ako agad agad nagtitiwala sa kung sinu sino lang. Purket gwapo dapat magtiwala agad.Mamaya rapist or robbery pala yung lokong yun. Pero wala sa itsura e.Tsaka ibibigay nya ba 'tong calling card nya kung ganun sya. LORD, sobrang thank you. ALam kong eto na e. Eto na talaga yung destiny ko e.Sya na. Sya na yung prince charming ko!!

-Kenzo's POV-

Hindi ko alam kung magpapakita na ba ko kay Papa. OO, andito nga ako sa tapat ng bahay nya, pero nagdadalawang isip akong makipagkita sa kanya.Simula ng iniwan nya kami at ipagpalit sa babae nya, yung galit ko sa kanya hindi nawawala. Pero kahit anung gawin ko, tatay ko parin sya at anak nya parin ako.Kahit pagbali baliktarin ko ang mundo, yun ang katotohanan.Hindi mababago pa yun.

Paalis na sana ako kaso nakita ako ni Papa.

"Anak!Anak!" tuwang tuwa yung mukha nya.Gulat na gulat ng makita ako. Nagtatatakbo sya sa saya.Pagbaba nya, bukas agad ng gate, hinila ako at niyakap.

"Anak!miss ka na ni papa!" sabi nya

"Miss din kita pa.Anjan ba si.."

"OO,pasok ka, kanina ka pa nila inaantay e.Doko ni itteta no?[where have you been?]"

"Jan lang.Namasyal."

Pumasok kami sa bahay. Andun yung pamilya nya.Lumapit sakin si tita Ayame.Stepmom ko. May anak sila ni papa.Dalawa rin, isang lalake at babae. Si Katsuki,7 years old tsaka si Akiko, 3 year old. Tanggap ko ng may pamilya si papa.Ang hindi kolang matanggap e yung katotohanan na si papa,masaya na.Samantalang kami ni Keiko hindi pa ok.

"Anata WA sudeni tabeta ka? [Did you eat already?]" sabi ni Tita Ayame.

"Hai [yes]" sagot ko. Hindi kasi marunong magenglish si Tita Ayame.Puro kasing Hapon sila.Parang ako lang.Pinagkaiba, pusong Pinoy ako.

"Gusto mo na bang magpahinga Anak?Nakaready na yung kwarto mo.Dun ka nalang matulog sa kwarto namin ni Tita Ayame mo"

"Sige po" sagot ko sa kanya.

"Ay! sya nga pala, yung ipapakilala sayo ni Tita Ayame mo..."

"Next time nalang pa, wala pa po sa isip ko yan e" babae nanaman kasi. Ayoko pa namang pinaguusapan yung mga ganun bagay. Ok nako sa single.Masaya.walang problema. Walang iniisip. Ayoko ng maulit yung dati. Kung mawawala lang din naman, bakit kailangan pang ibigay.Badtrip lang!

{KINABUKASAN}

Nagising ako at pagmulat na pagmulat ng mata ko, nakita ko ang dalawang chikiting na nakabantay sakin.

"konnichiwa [Hi]" sabi ni Akiko.

"Ohayou gozaimasu [Good morning]" sabi ko sa kanya. Nagsmile lang sya at tumakbo palabas ng kwarto.

Kinuha ko yung cellphone ko para kamustahin si Keiko

[calling keiko..]

"Hello Keiko? Kamusta ka jan? Ok ka lang ba jan?"

...

"Basta pakabait ka ha?Sige na"

[end of call]

Hindi kumpleto ang araw ko pag hindi ko nakakamusta si Keiko.Nagiisa lang yan e.Mahirap na. Habang nakahiga, basa basa muna ako ng message.May isa na number lang ang nag appear

[SAN KA? NEED KO NG TOUR GUIDE - MITCH THE WITCH]

Napatawa ako ng malakas. Sineryoso nya talaga yung sinabi kong gawin nya akong tour guide. Hindi ko alam kung bakit tinutulungan ko 'tong babaeng 'to. Nakakaawa kasi parang bago ang lahat sa kanya dito sa Japan.Kung sabagay bagong salta lang kasi sya dito talaga.Wala namang masama kung tulungan ko sya.Kaya nagreply ako sa kanya:

[ASAN KA BA NGAYON? KITA TAYO SA SHIBUYA STREET NG 11AM -KENZO THE TOUR GUIDE]

By Chance..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon