서른셋:Thirty Three

Start from the beginning
                                    

Nang makapag-ayos ay humiga na agad ako sa kama ko. Mukhang napagod yung dalawa dahil bagsak agad sila sa mga higaan nila. Bago ko matulog ay nagdasal muna ako na sana maging okay lahat pati yung mga bago kong tao na nakilala.

Naalimpungatan ako nang makaramdam ako ng uhaw. Bumangon naman ako para kumuha ng tubig. Hinanap ko yung phone ko. Alas tres palang ng madaling-araw. Mahaba-haba pa ang maitutulog ko.

Kailagan ko palang isoli yung phone na ito kay Kim. Paano ko naman gagawin iyon? Paano ko din kukunin yung phone ko kay Jeon? Hanep na yan.

Nang makakuha na ako ng bottled water ay nabigla ako ng may kumuha nito sa kamay ko. Sisigaw na sana ako pero agad niyang tinakpan ang bibig ko. Kinagat ko naman iyon kaya nabitawan niya ako. "S-Sino ka?" mabilis kong tanong. Ibabato ko sana yung bote pero natigilan ako. "Park Jimin?"

"Kilala mo pala ako." masungit na sabi niya. Ininom niya yung tubig na kinuha ko. "Why are you staring?" masungit na tanong niya sa akin.

I glared at him. "Excuse me? Bakit ka nandito sa kwarto namin?" sabi ko naman sa kanya.

Umiwas siya ng tingin. "None of your fcking business." He replied without looking at me. Talagang pinaninindigan niya yung ugali niya na iyon.

Pumunta naman ako sa pinto ng kwarto namin. "Yeah. Wala akong pakielam kaya makakaalis ka na." sagot ko sa kanya. I saw him sighed. Sumunod naman siya sa sinabi ko. "If you're acting up this way, pwede ba wag niyo na kaming idamay sa trip niyo."

Isasara ko na yung pinto pero pinigil niya. "You don't know anything." may diing sabi niya. He's really serious this time.

Napatawa naman ako dahil sa sagot niya. "Wala akong balak alamin kaya makakaalis ka na." I replied. Isinara ko na yung pintuan at nilock iyon.

Tsk. He's right. I don't know anything about them. Nawala na tuloy ang antok ko dahil sa lalaking iyon. Paano niya nabuksan yung kwarto namin?

Pagbalik ko sa kama ko ay parang may mali. Ginamit ko yung phone para gawing ilaw. "Bakit ka nandito?" para akong tanga na kumakausap sa pusa. Oo yung pusa na alaga ni Kim. Yung may costume na lion.

Nakahiga siya sa kama ko. Wala siyang balak umalis. Naisip ko na baka kasama siya ni Park na pumunta dito. Inayos ko naman siya para kasya kami sa kamang dalawa. "Ang cute mo. Hindi katulad ng amo mo." Hindi ko mapigilang kausapin siya. "Bipolar pa yung amo mo. Napakasungit tsk."

Yinakap ko naman siya dahil nasa teritoryo ko siya kaya wala siyang magagawa. Napakaamo naman niya. Sana ay nagmana man lang kahit 1% yung amo niya.

---

"Yoong.." rinig kong sabi sa akin. I opened my eyes when I heard Leesa's voice. "Mukhang masarap ang tulog niyo?" Lumingon naman ako sa tabi ko. I saw that the cat still sleeping at my bed.

I yawned. "Ahm, oo." sabi ko naman sa kanya. Bumaba yung tingin ko sa mga braso ko. I was really taken a back when I saw my arm. May benda na ito.

"Masakit ba yung ginawa ni Jen?" tanong ni Leesa sa akin. Chineck naman niya yung braso ko. "Mabuti at nabendahan mo yang braso mo."

"Hindi ba ikaw yung naglagay?" balik kong tanong sa kanya. She looked at me the shook her head slightly. "Baka naman si Jess."

"Susme. Mahimbing pa sa dragon kung matulog yun. Tingnan mo at tulog pa din siya." paliwanag niya sa akin. Alangan naman yung pusa yung naglagay ng benda sa akin.

Imposible naman na si Park yung gumawa nito. Tanda ko na nilock ko yung kwarto namin para walang makapasok. "Oy Yoona!" Nagulat ako sa sigaw ni Leesa. Napaharap naman ako sa kanya. "Kanina ka pa tulala dyan. Baka naman binisita ka ng guardian angel mo kagabi."

"Nagpunta si Park dito kagabi." kwento ko sa kanya. Hinintay niya yung sumunod na kwento ko kaya nagpatuloy na ako. "Ahm, nakiinom ng tubig. Talagang 3 am pa siya nagpakita."

"Pumunta siya dito?" takang tanong niya. "Wala ba silang tubig sa kanila?" pahabol pa niyang tanong.

"Sinungitan pa ako kanina. Siya na nga itong nakiinom sa atin." I pointed out. "I clearly remembered that I locked our door. Kaya imposible na siya yung gumawa nito."

"Oy anong chismis." bungad sa amin ni Jess. Mukhang kakagising lamang niya. Dala-dala pa niya yung unan niya. "Make kwento. Teka, bakit nandito yung pusa ni Taehyung?"

Nagkibit-balikat na lamang kami. Hindi ko din alam kung paano siya napunta dito sa kama ko. Naghanda na nga kami papasok. Pinakain ko na din yung pusa dahil baka isipin nitong pusa ay ang sungit ko din.

Gaya ng dati ay inilagay ko siya sa backpack ko. Nakalabas yung ulo niya. "Wow, ang cute mo." sabi ni Jess sa pusa habang palakad kami palabas ng dorm namin.

Isang meow lang ang sinagot niya. Habang naglalakad ay nakatingin yung iba sa amin. Yung iba siguro ay naweirduhan dahil may dala kaming pusa.

"Nakita mo na ba yung groupings?" pamaya-mayang tanong ni Leesa sa akin. Nakatambay kami sa room. Agad akong umiling. "Sabi na nga ba."

"Bakit, anong meron?" I asked her. She's really grinning from ear to ear. Nakaita ko na yung mga ngiti na iyon. "Magkagrupo tayong tatlo?" masayang tanong ko sa kanya.

She nodded. Napayakap pa nga ako sa kanya. Yes! Mabuti nalang at kagrupo ko siya at Jess. "Hindi lang naman tayo yung magkagroup." sabi ni Jess nang makalapit siya  sa amin. "Heto yung list." Binigay naman yung papel na hawak niya.

I looked at the paper. Halos malukot ko na iyon dahil sa inis. Of all people! Talagang kumpleto silang pito.

"Ayokong maging makasalanan." naiiling na sabi ko. Goodluck nalang talaga sa amin. I don't know if I can make it alive.

---

Author's Note:

Hello lovely readers! I hope you are doing well today. Happy new year lovelies! Let's make this year a great one.

I would like to thank you for supporting me in this story! Malayo layo na din ang narating natin.

PS. Belated HAPPY Birthday to my alien. Loving you from afar. I purple you. 보라해. 💜

Laters XX

Se7en Deadly Sins || BTS FanfictionWhere stories live. Discover now