Epilogue 2 - Sara's POV

1.9K 123 79
                                    




A/N: Thank you and hanggang sa muli!


____

"Sasama ako sa'yo"

Inilipat si Kael ng branch sa Singapore. Naging mahirap noong mga nakaraang buwan para sa amin, medyo nanibago akong wala rin siya sa aking tabi kaya nagpasya akong sundan siya doon.

"Hingiin muna natin ang permiso ng Nanay mo" aniyang sagot sa akin.

"Matanda na ako Kael, saka pakiramdam ko bumubuti na rin ang kalagayan ko" sagot ko sa kaniya.

Walang nagawa si Nanay ng nagpilit akong mag apply sa Singapore.

Nakaramdam ako ng kaunting laya mula kay Nanay ng lumipat ako ng Singapore. Gusto ko lang namang maging normal. Normal at malaya akong makakaalis at makapamasyal sa kung saan ko gusto ng walang nakasunod o nakasama sa akin.

Gusto kong mag explore sa isang lugar na hindi ko pa napupuntahan. Madalas ay sunduin at inihahatid ako ni Kael ngunit ayaw kong makaabala sa kanya ng husto kaya inaral kong mag commute papunta at pabalik sa trabaho. Nakahanap din ako ng mga magagandang lugar na malapit sa apartment ko.

"Hindi mo na naman ako hinintay kaninang umaga" reklamo niya ng sunduin ako sa aking station para sa lunch break.

"Nagcommute ako, na enjoy ko nga" sagot kong napasimangot ito.

Kinurot ko ang kanyang pisngi.

"Sorry na, nag eenjoy akong pag aralan ang mga lugar eh, tapos nakakatuwang pagmasdan ang mga tao sa loob ng subway. Alam mo yun, parang lagi silang nagmamadali tapos siyempre nakakatuwang makita ang mga kapwa natin Pinoy doon" kwento kong nakatingin lang siya sa akin.

"Pwede mo naman akong hintayin, iiwan ko ang sasakyan ko sa apartment mo tapos mag cocommute tayo pagkatapos" aniyang natawa ako.

"Hayaan mo na ako, ngayon lang ako lumaya kay Nanay" biro ko.

Naging ganoon ng ilang buwan na lumipas. Madalas pa rin ang aking  panaginip. Minsan hindi ko na makita ang pagkakaiba ng panaginip o katotohanan. Sumabay na lamang ako sa agos ng bawat araw. Naging mantra ko ang magpasalamat na buhay ako, at makuntento sa kung anong mayroon ako ngayon.

Umupo ako sa hagdan sa labas ng aking apartment. Halos hatinggabi na, tinanaw ko ang kalangitan, maliwanag iyon. Hindi ko maintindihan ang sarili kong natutuwa kapag nakatanaw ako sa langit. Pakiramdam ko kalmado ang aking puso at isip.

"Patingin ako" ani ko kay Dawn at Alice. Mga interns ko galing sa prestihiyosong eskwelahan sa pIlipinas.

Ramdam ko ang sandaling silakbo ng aking puso ng buklatin ko ang centerfold ng magazine. Parang pamilyar siya na nakita ko na kung saan.

Naging ganoon din sa charity gala. Napahawak ako sa aking sentido, parang may kumurot at pumitik doon , ramdam ko ang sandaling bilis ng pintig ng aking puso.

"Nathaniel Rivera" pamilyar siya marahil dahil sikat daw siyang singer noon. Parang biglang sumikip ang lugar ng makaharap ko si Mr. Rivera.

Hinanap ng mata ko si Kael. Nakahinga ako ng maluwag ng makita kong papunta siya sa aking gawi.

Inaya ko siya sa mesa namin ni Kael na pinaunlakan naman niya. Halata sa kanya ang medyo ka-ilangan. Katulad ng nasa magazine ay halata sa kanyang mga mata ang kalungkutan. Tama sina Dawn at Alice.

"Napagod ka ba ngayon?"  si Kael na inihatid ako sa aking apartment. Pinapasok ko siya sa loob.

Umiling ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 03, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sara and Nate 3( Holding You Forever )Where stories live. Discover now