Epilogue 1 - Sara's POV

1.6K 67 20
                                    


a/n : Pasensiya na po at super natagalan ang updates. ( as in literally 2 years in the making😔) Nahirapan po ako sa POV ni Nate eh, and lumihis po ako sa plot niya kaya nagstruggle po ako sa updates. Maraming salamat po sa lahat ng bumasa, matiyagang naghintay, at naka-appreciate ng kwento. Nawa'y napasaya, napakilig at napalungkot kayo ni Nate at Sara😁. Maraming salamat!❤️


———

"You sure okay ka lang?" marahan niyang tanong na umayos sa pagkakatikwas ng aking buhok. Isinukbit niya iyon sa aking kaliwang tenga.

Tumango ako. Nakaupo siya sa aking harapan at nakadantay ang kanyang kaliwang kamay sa aking kanang gilid. Kasalukuyan akong naka admit sa ospital ng bente kwatrong oras para sa ma observe.

"Hindi ba masakit ang ulo mo?" aniyang muli na humipo sa aking noo. Katatapos lang ng aking MRI scan.

"Nate,"

"Sorry, nag alala lang ako. Ang tagal mo kanina sa scan room eh" aniyang kinuha ang palad kong humalik doon.

Napangiti ako. Umupo ako ng ayos na humaplos sa kanyang pisngi.

"Mahal kita Nate," mahina kong sabi. Ikunulong ng kanyang dalawang kamay ang aking palad. Dinala niya iyon sa kanyang labi muli.

"Mahal kita Sara, mahal na mahal" bulong niya. Napangiti ako sa gawa niyang iyan. Sa aming dalawa, mas naging emosyonal si Nate. Ingat na ingat siya sa mga kilos niya, kung hawakan man ako o alalayan ay para akong babasaging kristal na takot siyang mabitawan ako.

Inangat ko ang kanyang mukha na umiwas siya ng tingin. Pumunas siya sa gilid ng kanyang mata.

"Napakaiyakin mo na" biro ko. Ngumiti lang siyang humalik sa aking noo pagkuwa'y kinuha muli ang aking palad.

"Gusto ko sanang bumalik muna ang alaala mo ng buong buo, kaya lang parang hindi ko na kayang mawala ka pa sa akin, masyadong maraming taon ang nawala sa atin. Gusto kong magsimula muli tayo ng panibago, gusto kong burahin lahat ng hindi magandang pangyayari sa buhay natin. Gusto kong gumawa ng bagong alaala, na kasama ka...na babawi ako sa'yo" aniyang ramdam ko ang kanyang garalgal na boses at panlalamig ng kanyang kamay. May inilabas siyang isang maliit na kahon mula sa kanyang bulsa.

"N-Nate" mahina kong wika. Hindi ko namalayan ang kusang pagtulo ng aking luha.

"Mahal kita Sara, mahal na mahal. Hanggang ngayon, nagsisisi pa rin ako sa lahat. Sa lahat ng taong nagkawalay tayo, sa mga sakit na nagawa ko sa'yo. Hindi ko na kayang mawalay pa sa'yo, ang mawala ka sa paningin ko" aniyang sinseridad na humahaplos sa daliri ng aking kamay.

"...sa abot ng aking makakaya, magiging mabuti akong asawa sa'yo, tanggapin mo lang ulit ako" aniyang napatungo pagkuwa'y umangat muli ng tingin.

"Nate,"

"Hinding hindi na ako uulit sa pagkakamaling iyon, ikaw lagi ang una. Ikaw lagi ang mauuna para sa akin, magiging prayoridad ko...tanggapin mo ako, bilang asawa mo. Pakasalan mo ako Sara" aniyang hinaplos ko ang kanyang mukha.

Tumango akong napangiti sa kanya. Nanginginig ang kanyang kamay na isinilid ang singsing na iyon, katabi ang singsing na bigay din niya noon.

Humalik siya sa palasingsingan ko.

"Salamat," mahina niyang tinig na humalik sa aking noo at labi.

"Salamat, salamat" aniyang yumakap ng mahigpit.


Masyadong maraming nangyari sa ilang taon na lumipas, naalala kong labas pasok ako sa ospital. Laging masakit ang ulo ko pagkatapos ng check up at mga diagnostic scans ko, madalas din akong mahimatay lalo na kapag biglang may sasagi sa isip ko noon.



Sara and Nate 3( Holding You Forever )Where stories live. Discover now