S&N 16 (HYF)

1.3K 87 25
                                    




***

Ramdam ko ang lakas ng pintig ng aking puso habang pinipihit ko ang seradura ng pinto sa kwarto ni Sara. Kasabay nun ang nerbiyos at sa sobrang pag aalala para sa kanya.


Awtomatik siyang napalingon kasabay ng pagbukas ko. Napangiti siyang sumenyas na pumasok ako.


"H-hi" mahinang kabado kong tugon.


"Pasok ka" aniyang muli. Napabaling ako ng tingin sa katabi niyang nurse na kinukuhanan siya ng dugo.


"K-kamusta ka na?" aligaga kong tanong.


"...kamusta na ang pakiramdam mo? anong nangyari? ayos ka na ba? b-bakit ka kinukuhanan ng ganyan?"diretso kong tanong. Napatingin akong dalawang vial na mahaba iyon.


Napatawa siya.


"Hinay hinay naman," ngiti niya. Pinilit kong kumalma.


"Routine nila yan Nate" paliwanag niya. Tinanggal ang parang goma sa kanyang braso.


"We're done Mam" ani ng nurse na napangiti pagkuway umangat ng tingin sa akin. Isa rin siyang Pilipinong katulad namin.


"Thanks Ms. Ayra" tugon ni Sara.


"You're welcome Ma'am , basta buzz na lang po kayo kapag may kailangan kayo" ani ng nurse muli bago magpaalam na lumabas.





"Kamusta ka na?" ulit kong tanong na lumapit sa kama niya.


"Okay naman ako Nate. Medyo nagkamigraine lang kagabi kaya nagpatawag ako ng ambulance" aniya.


"...pero maayos na ang pakiramdam ko ngayon, ayaw lang akong idischarge ng doktor ko, protocol nila, mag routine test lalo na at may previous injury ako" dagdag niya.


Napahinga ako ng malalim na tahimik na nagpasalamat sa Itaas.


"Saglit, papaano mo nalaman na naandito ako?" aniyang napakunot ang noo.


"Sa mga interns mo" maikling sagot kong umupo sa duo ng kanyang kama.


"Naku, yung dalawang iyon talaga-" iling niyang hindi ko napigilang hawakan siya sa kamay.


"Okay ka na ba talaga? walang masakit sa iyo?" mahinang tanong ko.


"Ayos ako Nate," sagot niyang hinila ng marahan ang kanyang kamay.


"Sorry," agap ko.


"Uhm, may gusto ka ba? kumain ka na ba?" tanong kong napatayo.


"Ang ligalig mo!" tawa niya.


Napakamot ako ng ulo.


"N-nataranta ako kanina eh, kaya nagmadali akong pumunta dito. Wala nga akong nadala na kahit ano para sa iyo" nahihiya kong tugon.


"Okay lang, umupo ka nga dito. Nahihilo ako sa pagiging aligaga mo" tukso niya. Humila ako ng isang stool sa tabi niya.


Sandaling katahimikan ang namutawi sa amin.


"S-sinabi mo ba kina Ti- uh sa mga magulang mo naandito ka? or kay Kael?" tanong kong inilapit ang aking bangko sa tabi niya.


"Naku hindi, mag aalala ang mga iyon baka mapasugod pa si Nanay dito o di kaya nama'y bumalik si Kael ng wala sa oras dito" aniyang nagpapalit palit ng channel sa TV.


Sara and Nate 3( Holding You Forever )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon