S & N 10 (HYF)

1.1K 76 12
                                    




***

Si Neya na tumayo mula sa kanyang mesa papunta sa gawi namin.


"Papunta siya dito" mahinang usal ni Sara.


Tumayo akong sinalubong ang kapatid ko. Napakagat siya ng labi na lumamlam ang ekspresyon ng mukha, nakatingin ng diretso kay Sara pagkuwa'y sa akin at bumalik muli ang tingin kay Sara. Halata sa kanya ang kasabikan, alam ko ang kung ano ang nararamdaman niya ngayon. Kasiyahan, panghihinayang at kalungkutan.





Flash back


Pagkatapos kong makahanap ng electronic shop ay dumiretso ako ng hotel.


"N- Nate" si Josh na sumalubong sa akin sa aming suite.


Tinanguhan ko na lamang siya, hindi ko siya nahintay na magising kanina.


"Pasensiya na, hindi na kita mahintay na magising" wika kong nilagpasan siya.


"Tol," aniyang kuha sa atensyon ko.


Napabaling ako. Tensyonado siyang hindi ko maintindihan.


"May problema ba?" kunot noo kong tanong. Kinalikot ko ang bago kong telepono. Kailangan kong tawagan si Neya.


"Si N- Neya kasi" aniyang napalunok. Si Neya?


"Anong si Neya?" aniyang nakuha ang buong atensyon ko.


"Nagmessage si Neya" aniyang muli na napabuntong hininga at aligaga.


"Sayo?" tanong ko.


"Uhm, Oo eh-" aniyang sinabaran ko agad.


"Bakit? kelan ka pa nagkaroon ng komunikasyon sa kapatid ko?" kunot noo kong tanong. Ni hindi nga sinasagot ni Neya ang tawag ko kahapon.


"Tol, hindi na importante iyon,-" aniyang napatayo ako. Mahigpit ang hawak niya sa kanyang telepono.


"Anong ibig mong sabihin?" diretso kong tanong.


"Kausap ko siya kagabi, nabanggit ko na hindi mo makontak si Sara, at kanina pag gising ko, nagmessage siya uli" aniyang diretso na lalo akong napakunot noo. May sa dibdib ko ang hindi ko maipaliwanag na kaba.


"Hindi na niya tinapos ang conference nila, sinubukan din daw niyang tawagan si Sara pero katulad mo hindi rin niya nakontak. Umuwi siya ng Maynila at-" aniyang kabado.


"At ano Josh?!" halos sigaw ko. Inilang hakbang ko kwelyo niya. Ayaw na gusto kong marinig ang lalabas sa kanyang bibig.


"S-saglit Tol!" protesta niyang pinakawalan ko ang kwelyo niya.


"Wala daw si Sara sa bahay ninyo" aniyang diretso. Halos manginig ang kamay kong naglalagay ng sim card sa telepono ko.


"Eto tawagan mo" si Josh na tumabi sa akin. Inabot niya ang telepono niya at inagaw ang akin.


Naginginig ang kamay kong dinial ang numero ni Neya.


"Kuya Josh!" Si Neya na nataranta ang boses.


Napalunok ako ng may pait.


"Kuya Josh! wala pa rin si Ate!" aniyang garalgal ang boses.


Sara and Nate 3( Holding You Forever )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon