S & N 11 ( HYF)

1.1K 86 24
                                    


Cont. of flashback

***

Hindi ko ininda ang tagal ng byahe. Hirap kaming nakakuha ng direct flight kaya nadagdagan ng ilang mga oras pa ang sanang labing apat na oras dahil sa connecting flight.

Wala pa ring maayos na balita kay Sara mula kay Neya.

"Tol, magpahinga ka rin para may lakas ka bukas pagdating natin" paalala ni Josh na sumabay na rin ng uwi sa akin. Humingi ako ng paumanhin sa mga kasama ko. Naintindihan naman nila, kung kailangan kong magbayad ng danyos ay gagawin ko.

"Hindi ko alam kung anong dapat kong isipin Josh" mahina kong tugon.

"Papatulong tayo kay Kuya, wag kang mag alala" aniyang muli na pinilit kong pumikit ngunit di ko magawang makatulog.

Mugtong mata ni Neya ang nadatnan ko sa bahay.

"K-kuya" aniyang garalgal ng pagbuksan ako ng pinto.

Kinausap ko ang driver at inalam sa kung saan nagpunta si Sara ng mga nakaraang araw.

"Sa ospital Sir, pero pinauwi po niya ako agad" paliwanag ng driver.

"Wala na ba talagang iba Kuya?" Desperado kong tanong. Gusto kong wala akong mapapalampas sa mga pangyayari.

"Doon po sa pinagtututoran niyang bata" dugtong ng driver na para akong nabuhayan ng loob. Kina Ate Sally!

"Oo nga Kuya, sana naandon si Ate" sabad ni Neya.

Nagmadali akong lumabas ng bahay.

-

Parang gulat si Ate Sally ng makita ako. Iginiya niya kami sa taas ng coffeeshop niya.

"Anong ibig mong sabihin na wala si Sara Nate?" Mahinang sabi nito. Gusto kong manlumo, ibig sabihin ay wala rin siyang alam.

"I-ilang araw na po kasi siyang hindi nauwi Ate" sagot kong napatayo. Kailangan ko ng umalis para mapuntahan ang ospital na pinagdalhan ng driver kay Sara. Wala rin namang ideya ang driver kung bakit nagpadala si Sara sa ospital kundi ang panay iyak daw niya at sakit ng tiyan ang daing lamang.

"A-ano? Bakit hindi ko alam?" Kunot noo niyang tanong.

"H-hindi po kasi siya umuwi ng sa bahay Mam" si Neya ang sumabad na nag uumpisanh humikbi muli. Lumapit si Josh na inalo siya.

"Hindi umuwi? Bakit? Nag away ba kayo Nate?" Aniyang baling sa akin na napatakip ng bibig bigla.

"H-hindi po" iling kong inalala ang huling pag uusap namin. Tsk! Kung hindi ko sana nawala ang telepono ko!

"Wala ba siyang sinabi sayo Nate na magandang balita?" Aniyang napaangat ako ng tingin sa kanya.

"Masayang masaya pa si Sara ng huli siyang nagpunta dito" dagdag pa niyang muli na inaanalisa ko ang ekspresyon ng kanyang mukha.

"W-wala po, hindi ho kami nakapag usap ng maayos ng nasa tour ako, tapos nawala ko po yung telepono ko" paliwanag ko. Nahimigan ko ang pag aalala sa kanyang mukha.

"W-wala talaga siyang nabanggit sayo?" Ulit niyang muli na umiling ako.

"Wala po eh, naputol po kasi ang pag uusap namin, yun po ang huling usap namin. Alam ko pong may mali ng hindi ko siya mahagilap sa bahay. Pagkatapos po niyang maospital sabi ng driver ay hindi na rin daw po sila nakapag usap-" ani kong napatayo si Ate Sally.

"Naospital?! Si Sara naospital?" Aniyang napatango akong muli. Guhit sa mukha niya ang pagkabalisa at taranta.

"Kelan at bakit siya nagpaospital?!" Aniyang mataas ang boses.

Nagkatinginan kami ni Neya sa reaksyon niya.

"S-sakit daw po ng tiyan Mam" si Neya na sumagot.

"Ano? susmiyo Nate!" Kahit ako ay naguguluhan sa reaksyon niya.

"Sakit ba talaga ng tiyan? napuntahan mo na ba ang ospital?" Aligaga niyang napailing ako.

"P-pupuntahan ko pa lang po sana pagkatapos ko dito" mahinang sambit ko.

"Nate! Hindi ko alam kung ako ba ang dapat magsabi sayo neto" iling niyang may pag aalala. Isa si Ate Sally sa pinagkakatiwalaan ni Sara, magaan ang loob niya sa kanya at sa pamangkin niyang si Annika.

"Ano po yun?" Diretso kong tanong.

Napahinga siya ng malalim.

"Malapit sa akin si Sara Nate, alam mo yan. At kung nasaan man siya ngayon, ipinagdarasal kong nasa mabuti siya" panimula niya.

"Ate,-"

"Makinig ka Nate, noong nakaraang araw, pumunta si Sara dito, medyo masama ang pakiramdam niya. Pinagpahinga ko siya dito sa cafe, medyo maselan ang lagay niyang nagsusuka-" aniyang sasabad sana ako ng sumenyas siyang tumigil ako.

"...nagrekomenda ako ng doktor para sa kanya, pinuntahan niya iyon. Bumalik siya sa akin pagkatapos na dala ang good news para sa inyo Nate" dagdag niyang hindi ko maintindihan ang kabog ng aking dibdib.

"...buntis si Sara Nate" aniyang napaupo ako sa sofa. Pakiramdam ko nanlambot ang tuhod ko. Inalala kong meron siyang gustong sabihin sa akin noong huling usap namin.

Para akong nabingi sa paligid.

Nagpadala siya sa ospital dahil sa sakit ng tiyan? Papaano kung... o kaya nama'y lumisan na siya ng tuluyan sa poder ko? Pero hindi magagawa ni Sara na itago sa akin ang magiging anak namin. Isang senaryo sa isip kong ayaw kong isipin. Wag naman sana...

"Nate," si ate Sally na nakapagpabalik ng ulirat ko.

"Nag aalala ako, puntahan mo ang ospital at alamin kung anong nangyari kay Sara" aniyang pagtabi sa akin. Napatango ako.

Tulala akong papunta ng ospital. Si Sara na umiiyak habang nasa ospital ang nasa isip ko. Masakit sa dibdib na wala ako sa tabi niya ng panahong iyon. Tuluyan ko nga ba siyang napabayaan?

"Kuya," si Neya na pumisil sa kamay ko. Nasa tapat na kami ng ospital.

"Diretso tayo ng nursing office" wika ni Josh.

"...I made a few calls bago pa tayo makakarating" paliwanag niya. Nagpasalamat ako.

---

"I'm sorry po, but she had miscarriage" direktang sambit ng OB na tumingin kay Sara.

Hindi ako nakakilos. Mahinang napahikbi si Neya.

Gustong kong magmura sa galit, pero parang walang gustong lumabas na salita mula sa akin. Galit ako sa sarili ko. Napabayaan ko siya.

"I still remember, ilang ulit ko po siyang tinanong kung merong pwedeng tawagan na relatives niya, pero tumanggi po siya. Medyo worried nga ako noon Sir- but she insisted to be discharged that time and clear naman na po siya sa amin" dagdag ng doktor.

"...I'm sorry Sir, really sorry" ang huling narinig kong sambit niya. Nahagip ng mata ko ang paglapit ni Josh sa doktor, hindi ko maintindihan ang kanilang pinag usapan. Naramdaman ko na lamang ang unti unting pagtulo ng likido sa gilid ng aking mata.

Gusto kong panghinaan. Nagpabaya ako. Ako ang may kasalanan nito.

Sa anak namin. Kay Sara.

---

Thanks for reading.

Sara and Nate 3( Holding You Forever )Where stories live. Discover now