S&N 18 (HYF)

1.5K 93 40
                                    



***

Niyakap ko siyang iginiya papasok ng aking suite. Nagpunas siya sa gilid ng kanyang mata.

"Shh" mahinang bulong kong humalik sa tuktok ng kanyang buhok.

"I'm sorry, sorrry sa lahat lahat" marahan kong sambit.

Humawak ako sa kanyang magkabilang braso.

"Ako iyon hindi ba? May mga sumasagi sa alala ko Nate!" Aniyang tingalang tanong sa akin.

Marahan akong tumango.

Napasapo siya sa kanyang ulo.

"A-akala ko, akala ko panaginip lang ang lahat!" aniyang sapo sapo ang kanyang sentido.

"Sara-"

"Gusto kong malinawan!" Aniyang muli na napapikit. Lumapit akong sumenyas siyang tumigil ako sa kinatatayuan ko.

"S-sara..."

Napapikit siyang silay ko ang pagkalito at pagkinang ng kanyang mata.

"Gaano na katagal Nate?" Aniyang harap sa akin.

"Ha?"

"Gaano na katagal tayong magkahiwalay?" Diretso niyang tanong.

"Magmula ng maaksidente ka" sagot ko. Napapikit siyang muli na napahawak sa magkabilang sentido niya. Lumapit ako sa kabila ng pagtutol niya. Mahinay ko siyang niyakap.

"Wag mong pilitin" mahinang sambit ko.

Napahagulgol siyang iginiya ko sa mas malapit na sofa.

"Hindi ko maalala ang lahat, hindi ko mapagtagpi tagpi" aniyang hawak ang gilid ng kanyang ulo.

"Wag mong pilitin, babalik din ang memorya mo" mahina kong turan kahit may malaking kaba sa aking dibdib. Alam kong maari niya akong iwanan sa sandaling maalala niya ang mga sakit.

"Bakit ngayon lang tayo nagkita?" Aniyang baling muli. Silay sa kanyang mga mata ang halu halong emosyon.

"Hinanap kita, nagkita na tayo noon pero hindi mo ako naalala" sagot kong iginiya siya sa aking dibdib.

"Pinagbawalan ako ni Tita Eva na makita ka. Para sa iyo yun Sara, yun yung mga panahong hindi ka pa magaling, madali kang magka nervous breakdown noon" paliwanag ko.

Kunot noo siyang napatingala sa akin.

"Masakit ang paghihiwalay natin. Ang marinig mo lamang ang pangalan ko o makita ako ay mabigat na iyon para sa iyo. Natulog ka ng halos isang taon, nawala ang memorya mo" ani kong napalunok ng may pait.

"May nga naalala ako pero hindi malinaw ang lahat" aniyang napapikit.

Hindi ako nakaimik na tinitigan lamang siya.

"Gaano kasakit Nate?" Aniyang basag sa katahimikan.

"Sara..."

"Gusto kong maalala! Gusto kong punan ang putol putol na alaala ko!"

"Alam kong maari mo akong kamuhian pagkatapos nito" panimula ko. Kailangan ko lang sabihin ang totoo.

"Yung, yung kwinento mo dati...-" aniyang medyo garalgal ang boses.

Napahinga ako ng malalim na tumango.

"Patawarin mo ako," mahina kong tugon.

Mahina siyang humikbi.

Sara and Nate 3( Holding You Forever )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon