S&N 13 (HYF)

1.1K 69 30
                                    





***

"Oh, asan na ang kapatid mo? Si Neya?" Nakasukbit na ang kanyang bag sa kanyang balikat.

"Nakauwi na, isang araw lang naman siya dito" tugon ko.

"Ha? Talaga?, aba naman parang napakalapit ng Singapore sa Maynila ah" tawa niya. Napangiti ako.

"U-uhm, eto nga pala. Para sa iyo" abot ko sa isang maliit na paper bag. Inabot niya iyong tinanggap.

"Ano mga ito?" Aniyang tanong habang binuklat iyon.

"Dumaan kasi ako sa filipino store nakita ko ang mga iyan" ani ko. Chocnut iyon, paborito niyang tsitsirya nuon at ilang tinapay din.

Sinuri niya iyon ng bawat isa. Natahimik siyang napatingin sa akin pabalik sa hawak niya.

"P-parang masarap nga ang mga ito, salamat!" Ngiti niya.

"Walang anuman, magugustuhan mo ang mga iyan" dugtong ko. Mga paborito niya iyon.

"Hmm, mukhang magugustuhan ko mga ito!" Aniyang isinilid iyon sa kanyang bag.



Sinabayan ko siya ng lakad palabas ng hotel.


"Uh, pauwi ka naman na diba?" Alinlangan kong tanong.

"Oo,"

"Gusto mo bang kumain muna bago ka umuwi?" Umaasang tanong ko.

"Ha? O-oo, sige kaya lang pwede bang light meal lang tayo?" Aniyang tinanguhan ko.

"May alam akong coffeeshop dito" aniyang sinundan ko.


Isang maliit na coffeshop iyon pero maaliwalas ang loob. May nakasulat na malalaking letra sa labas. Old town white coffee.

"Paborito ko ang kape nila rito, lalo na yung hazelnut" aniyang hila sa akin. Napatingin ako sa kamay niyang nakahatak sa aking braso. Gustong tumalon ng puso ko sa tuwa.

Umorder siya ng para sa amin, dumagdag din ng pastry.

"Ang sarap no?" Aniyang parang bata na natuwa. Umayon ako, mas masarap nga ang kape na ito kaysa sa Starbucks or kahit anong coffeeshop na sikat ngayon.

Pansin ko ang isang bula mula sa gilid ng kanyang bibig. Hindi ko napigilang kumuha ng tissue para punasan iyon.

"A- ako na Nate" aniyang kinuha ang tissue sa akin.

"Alam mo ba, dito ako tumatambay kapag wala akong magawa sa apartment, tahimik kasi tapos masarap ang kape. Gusto ko rin neto, ng ganitong coffeeshop, siguro kapag nakapag ipon na ako. Magtatayo ako ng ganitong cafe" ngiti niya. Alam ko iyon dati pa naman nang pangarap iyon, ang magkaroon ng  coffeeshop at maging pastry chef.

"Alam ko" mahinang tugon ko.

"Ha?"

"A-ang ibig kong sabihin maganda nga ang ganitong bussiness," palusot ko.

"Yung kape nila dito maraming variants, pero ang paborito ko yung hazelnut. Ang sarap kaya, kahit nga yung nakapakete lang na nabibili sa supermarket masarap pa rin" aniyang kwento. Nakikinig lamang akong napatango sa bawat kwento niya tungkol sa shop na ito. Wala akong masyadong naintindihan kundi nagmula ito sa bansang Malaysia.

"Huy, di ka yata nakikinig eh" kuha niya sa atensyon ko. Masyado akong nawili sa panonood sa kanya. Ang sarap balikan noong panahong ganito rin kami noon, magkwekwentuhan bago matulog.

"Hindi ah , nakikinig ako pangako" sagot kong napakamot sa aking ulo.



*

"Nakapamasyal ka na ba dito? nalibot mo na ba ang buong Singapore?" aniyang palabas kami ng coffeeshop. Medyo madilim na sa labas na nag aabot ang hapon at gabi.

Sara and Nate 3( Holding You Forever )Where stories live. Discover now