서른돌: Thirty Two

Start from the beginning
                                    

"Since halos complete na kayo. I will give you your Christmas works." panimula niya sa amin. Nagkatinginan naman kaming tatlo nila Jess at Leesa. We signed thumbs up. "Ako ang magbibigay ng grupo niyo."

Natigilan naman ako. "What?" Hindi ko na napigilang magsalita. Napatingin naman ang ilan sa akin.

"May problema ba Ms. Im?" tanong sa akin ng teacher namin. I shook my head. "Good. Final na ang ibibigay kong groupings later." She announced.

Hanggang sa matapos yung klase ay iniisip ko yung groupings na yun. Hindi ko naman siguro makakagrupo yung pito na yun kasi for sure ay isang grupo na sila. "Sana tayo yung magkagrupo." sabi naman ni Leesa.

I sighed. "Sana nga para mas mapadali ang trabaho natin." I answered. Inayos ko naman yung mga gamit ko. "Saglit lang. Ano ba yung Christmas tasks natin?"

"Nakalutang yata ang utak mo Yoona." sabi naman ng isa naming kaklase. Tumaas lang ang kilay ko sa sinabi niya. "Ang taray mo naman sa amin."

"Sayo lang Jackson." sagot pa nung isa sa kanila. "You seem distracted. Wait, hindi mo ba kami kilala?"

Natawa naman ako sa sinabi niya. Paanong hindi ko siya kilala eh classmates kami. Hindi ako sociable pero hindi naman ako ganoong kasamang tao para hindi ko sila kilalanin. "You are Mark." banggit ko sa pangalan niya. "Classmates ko kayo. Bakit di ko kayo makikilala?"

He smiled. Hindi man lang siya nagtaka sa mga mata ko. He has a good aura too. "Excuse me but this is not the fcking first day of classes to get to know each other." Natigilan naman ako sa nagsalita. Dumaan pa talaga siya sa gitna namin.

This gummy bear Min Yoongi! Matapos niyang sabihin yun ay sinamaan niya ng tingin si Mark. Inirapan niya rin ako. Babatuhin ko sana siya ng ballpen pero nakaalis na siya.

"Don't mind h--." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil muntik na akong ma out of balance.

"You are blocking the way." panimula niya. Tumingin lamang ako sa kanya. Huminto siya sa harap ko. "Are you deaf?" tanong niya sa akin.

Nang hindi ako sumagot ay binunggo niya yung balikat ko. "I am not deaf but you're really heartless." I mumbled.

"Hyung..." I saw Jeon looking at Kim. Hindi siya tumingin sa akin. Nagkibit-balikat na lamang ako. "Let's go." Sumunod naman yung iba pa niyang kaibigan sa kanya.

Marami ang gustong magtanong kung ano ba yung nangyayari pero mas pinili nila na hindi makielam. I thank them for that.

"Ay ang rude nila!" pagrereklamo ni Leesa habang pabalik kami ng dorm namin. Papasok kasi kami sa part time namin. Mas okay pa yun na pagkaabalahan namin.

"Sinabi mo pa!" Isa pa itong si Jess na kanina pa naiinis doon sa mga lalaki na iyon. "Nananadya talaga sila."

I sighed. "Okay na sana na hindi sila mamansin pero parang sobra na yata." sabi ko naman. Okay lang na hindi nila kami pansinin pero yung ginagawa nila katulad kanina  ibamg usapan na.

Nag-ayos nalang kami para pumasok sa part-time job namin. Hindi ako nakatakas sa mahiwagang kamay ng dalawa kong kaibigan. "Let's get the dragons!" sigaw ni Leesa habang papunta kami sa trabaho namin.

Sumalubong agad si eonni sa amin. "Looking good girls. Oh siya kayo nang bahala muna dito." She said with a grin. Tumuloy  na nga kami sa loob. Agad akong pumunta sa working station ko.

"Table 6, Yoong." sabi ni Jess. Nagsalute naman ako sa kanya bago puntahan yung table 6.

"Goodevening. Can I get your orders?" As much as possible ay kailagan polite kami sa mga customers. I smiled a little bit. Wag namab sana akong magmukhang creepy sa paningin nila. "Can I get--Hello!" Natigilan ako ng makita ko kung sino yung nasa table 6.

"Yoona, long time no see." bati sa akin ni Junmyeon. Kasama din niya si Sehun na tumango sa akin.

"Yoona, hello." I looked at Daniel. Ang cutie talaga ng pinsan ni Jess. "Can I get your number instead?" Natigilan ako sa tanong niya. Ang mga kabataan nga naman.

"Kapag kinuha mo ang number ko, mawawalan ako ng number." I said with a grin.

"Burn baby Dani.." rinig kong asar ni Sehun. Matapos nilang ibigay ang orders nila ay agad ko na itong hinanda.

"Table 7." Leesa said with a smirked. "Get the dragons." She said. Napailing nalang ako sa mga sinabi niya. Kinuha ko na yung order sa table 6 para ihatid na ito.

Maingat kong binigay ang orders nila. "Mukhang mapapadalas ako dito." I heard Daniel said. Kumindat pa sa akin ang loko.

"Kelan mo balak kunin ang orders namin?" rinig kong sabi ng kabilang table. That's Park Jimin na walang sinasanto. Kasama niya yung potchi gang niya na akala mo naman ay sobrang cool nila.

Kalma Yoona! I tried to put a smile on my face. Lalapit na sana ako sa table nila ng may umakbay sa akin. "She's not yet done taking my orders." Isang pamilyar na boses ang narinig ko.

Natigilan ako sa nakita ko. He looked at me then smirked. He lowered himself para maging magkatapat kami. Halos maduling na ako sa ginawa niya. "We've met again princess." He whispered.

This guy. He's the guy who helped me!

"A-anong ginagawa mo dito?" Hindi ko maiwasang itanong sa kanya. Paano siya napunta dito? Sobrang liit na ba talaga ng mundo?

Pinitik niya yung noo ko. "I am claiming some debts from you princess." sagot niya sa akin. "Hey Park and the gang, it's been a while."

"Yeah. It's been a while." sagot naman ni Namjoon. I am doomed. Magkakakilala ba silang lahat?

"Remove your arm." Bago pa magsink in sa akin ay nakalapit na si Kim sa amin. Inalis niya yung braso na nakaakbay sa akin. "Go back to your station. Now."

Bigla naman akong natauhan. Bakit nga ba tumanga pa ako sa harap nila? Bumalik naman  ako sa kusina. "Sandali nga lang, bakit niya ako inuutusan?" inis na sabi ko.

"Eh bakit mo sinunod?" mataray na tanong ni Jess. Damn bakit ko nga ba sinunod?

"Kasi gusto niya." I glared at Leesa who's grinning from ear to ear. "Most obedient kasi yang si Yoona."

Damn that award.

---
A/N: Nawala yung original chap na to haha. Nang tapos  ko na isulat ulit ay tsaka siya nagpakita hahaha. Wengyang life hahaha. This is the second version. Mas nagustuhan ng utak ko na ito ipublish wahahaha.

Happy holidays. I will update sa ibang on going ko hanggat kaya haha.

I want you to know that we are all beautiful! Deserve natin ang happiness in life. If you're going through on something right now, I hope that everything will be okay. :)

Sometimes life gives us lemons so let's just make lemonades out of it.

Laters XX

Se7en Deadly Sins || BTS FanfictionWhere stories live. Discover now