Chapter Twenty-Two

81.9K 2.3K 620
                                    

Dumaan muna kami sa isang flowershop. Hindi na ako pinababa ni Rush mula sa sasakyan at sinabi na saglit lang naman siya doon. He wasn't lying when he said he won't take long. It only took him two minutes nang makalabas siya nang may bitbit na isang basket ng bulaklak. I am familiar with the ones with white petals. It was a pretty called plumeria. Hindi ko kilala ang ibang malalagong bulaklak na may ibang kulay but the arrangement looked expensive and breathtaking.

Pumasok si Rush sa loob ng sasakyan at pinanuod ko naman siyang ilagay ang bulaklak sa backseat. Tinitigan ko lang siya at hinintay na magpaliwanag pero mukhang wala siyang planong bigyan ako ng kahit anong explanation dahil pinaandar na niya ang kotse at umalis na kami mula doon.

Una kong naisip na baka may date si Rush but a basket for a date isn't really charming. Unless he's planning to have someone drop it off. Pero kung ganoon, bakit siya pa personally ang maghahatid? He could have just asked the flowershop to have it delivered.

I think thirty minutes have already passed and Rush still hasn't said a word. Kung pangkaraniwan na araw lang sana ngayon ay kanina pa ako nagtaray kay Rush habang pinipilit siya na sabihin sa akin kung saan ba kami talaga pupunta but today, it didn't feel right to demand things from him.

Ngayon ko lang talaga nakita si Rush na ganito kaseryoso at sobrang naninibago ako. Nang lumiko kami sa isang pamilyar na daan ay parang makinang biglang umandar ang utak ko. Gumulo ito saglit pero nang maisip ko kung saan kami papunta, kung bakit may dala-dala siyang bulaklak at kung bakit ganito katahimik at kaseryoso si Rush ay bigla nang naging malinaw ang lahat sa akin.

"We'll be visiting your parents' grave?" Pagbasag ko sa katahimikan at nakita ko naman ang paghigpit ng kamao ni Rush sa steering wheel.

"Yes, it's my mom's birthday." Bigla naman akong namutla sa narinig ko sa kaniya.

Hindi na ako nagdalawang isip pa sa sasabihin ko. "I'm sorry, Rush."

Napatingin sa akin si Rush at mukhang hindi inaasahan na yun ang sasabihin ko. Sabagay, it was never my type to ask for an apology. Baka nga ngayon lang ako narinig ni Rush na nagsorry kaya ganon ang naging reaksyon niya nang marinig niya iyon mula sa akin. I was rarely sorry for the things that I do.

"Sorry for what?"

"For coming with you. This is a private moment and I'm trespassing."

"I brought you here, Maxwell. I want you here with me." Hindi na ako sumagot pa kay Rush. If that's what he wants, hindi na ako makikipagtalo pa. I wouldn't want to waste my saliva on arguing with him. And for once, I'll promise to try my best to behave. I want to give Rush a peaceful day, something that he would have easily gotten kung hindi ako nag-inarte para lang makasama sa kaniya.

Bumaba si Rush mula sa sasakyan. Hinintay ko munang buksa iya ang pinto para sa akin bago ako bumaba mula sa sasakyan. Iyon na ang nakasanayan ko sa tuwing kasama ko si Rush, hindi niya na kailangan pang sabihin sa akin na hintayin ko siya para gawin iyon. I don't need to tell him to open the door for me either, gagawin na niya iyon nang kusa para sa akin.

Kinuha ni Rush ang basket ng bulaklak mula sa backseat at inilagay iyon sa ibabaw ng sasakyan niya. He pushed a car remote before walking behind the car, opening the trunk. May inilabas ulit siyang isang picnic basket mula doon. Kumunot ang noo ko sa inilabas niya mula sa trunk ng kotse pero hindi na lang ako nagtanong.

"Hold the flower basket for me." Inabot iyon sa akin ni Rush at halos malukot naman ang mukha ko sa pag-utos niya sa akin. That is so not Rush.

"What?"

"I want to hold your hand, baby. Hold it for me." Namilog naman ang mga mata ko sa sagot niya. Now, that is definitely more like Rush. Hinihintay ko ang mapang-asar na ngisi niya pero seryoso at malamig lang ang nakikita ko mula sa mukha niya. Nakipagtitigan pa siya sa akin nang matagal at mukhang balak niya talagang ipabuhat sa akin iyon.

Mean for You (Mean #1) (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon