Chapter One

166K 3.4K 803
                                    

Go out.

Napangiti na lang ako sa text sa akin ni Grant. Hindi pa ako tapos magbreakfast ay tumayo na agad ako pagkatapos inumin ang natitirang orange juice sa baso ko.

“Madam, hindi niyo na po ba–” sinamaan ko ng tingin ang katulong namin.

“Is it obvious?” ismid ko dito at agad naman siyang napayuko sa takot. Sanay na ako na nakikitang nanginginig at tumitiklop ang katulong namin. Of course they’re afraid of me. Kung hindi sila takot ay baka hindi na sila nagta-trabaho sa amin.

Umirap na lang ako sa tatangang katulong namin. How they were hired? I have no idea. Bago ko ipagpatuloy ang paglalakad ay pinilit ko munang ngumiti ulit dahil hinihintay pa ako ng cold prince ko sa labas.

“Hi Honey!” I tiptoed to kiss Grant’s cheek at hindi naman siya umiwas. Sanay na siya siguro na ginagawa ko iyon, mabuti nga at hindi katulad nung una na umiiwas siya. Panira kaya ng poise.

I kiss him sometimes on the lips, pero minsan lang talaga dahil iyon ang ayaw ni Grant. The first time I kissed him on the lips ay itinulak niya ako sa damuhan!

“It’s good at naisipan mong sunduin ako today.”

He rolled his eyes. “Inutos lang ni Mama.”

I snorted. “We all know you can ignore your mother’s wishes, pero sinunod mo pa rin naman.” hindi na ako sinagot ni Grant kaya napanguso na lang ako. Kahit kailan talaga ay suplado siya. Don’t care. It made him more appealing to me.

I dreamily sighed.

“Susunduin mo rin ako later, diba?” pumipikit-pikit pa ako dahil alam kong nakikita niya ako mula sa gilid ng mga mata niya.

“No. I’m busy.” biglang bumagsak ang ngiti mula sa labi ko. Wala pang dalawang segundo ay nagbago na agad ang pasweetums na timpla ng mukha ko.

“Why? Are you still trying to date that bitch?” I was referring to the girl that she went out with last month. Nakita ko silang magkasama sa mall while I was shopping. Naalala ko pa kung gaano nasira ang araw ko noon. I ended up pouring my expensive iced coffee on the girl’s head and pulling Grant away from that cheap fast food chain.

Grant sighed. “You scared the girl that she won’t even talk to me. You scare every girl that I try to take interest on.” nawala ang pagkalukot ng mukha ko at napangiti naman ako.

“Better. Hindi pa rin kita napapatawad when you ditched the New Year’s party last year just to kiss that–that inelegant hagfish.” bumuntong hininga lang ulit sa akin si Grant. Hindi ko siya pinansin for one week after seeing them kiss. Sinumbong nila mommy ang nangyari kay Tita Vanessa and Tita Vanessa scolded Grant about it.

Mean for You (Mean #1) (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now