CHAPTER 25

947 22 0
                                    

<Nicky’s POV>

 

Napayakap na lang ako sa kanya pagkatapos ng mainit na pangyayari kanina. I didn’t expect na I magagawa ko yon. Yes, alam ko na this is the second time na magdampi ang labi namin pero this time kasi ay ako na ang nag-insist. MAHAL ko si Sky at natutunan ko ngayon na with LOVE marerealize mo na lang na nagawa mo na pala yung inakala mong hindi mo magagawa.

“why do I love you so much...” naabulong ako habang hinihimas yung malalambot na hibla ng buhok niya

“Nicky...I want to be your girl...” napasinghot na lang ako sa narinig ko. Napahiwalay ako sa kanya at tinitigan siya.

“Sky...a-ano nga ulet yung sinabi mo?” paglilinaw ko. She smiled at me. “do I need to repeat it?”

“No..I mean..I heard it right but I still want to make sure na sayo nga talaga galing yon” ngumiti siya at napayakap sa akin.

“I wanna be your GIRL” she said it again

“then be mine” sagot ko

“I can’t...” natigilan na lang ako sa sinabi niya

“why?” tanong ko

“this is not the right time...”

“may problema ba Sky?...ah.. I think nahuhulaan ko na.. cause I’m a girl and you are too...and it’ll be shameful for your part as well as mine-----“

Bigla siyang humiwalay sa akin at tinakpan ang bibig ko. “No” sabi niya. Inalis ko yung kamay niya para makapagsalita pero nagulat ako dahil hinalikan niya ako. Mabilis na halik pero...alam niyo yun?? Parang SLOW MOTION!? Hell! I don’t believe slow motion and fast forwards pero parang nararamdaman ko lahat to ngayon!! >.<

“wala akong nakikitang problema sa pagiging babae mo at pagkababae ko. Pero let me fix something first bago kita sagutin, bago maging tayo. Ayokong may pagsisihan Nicky...” why is she sounding like we’re an illegal one? ~.~ hayaan mo na nga... hindi na ako magsasalita. I trust her at alam kong may DAHILAN siya sa lahat ng sinasabi niya ngayon.

_ _ _ _ _ _

Pabalik na kami sa hotel para hanapin din sila Ara nang biglang may makita akong pamilyar na lalake na nakatayo sa di kalayuan. Sinundan ko siya ng tingin. Naglakad siya papunta doon sa may mini store at naupo.

Si ‘RON’

Pero...anong ginagawa niya dito...? O.O

Pinilit kong i-ignore na lang siya at ituon yung atensyon ko kay Sky. Hinawakan ko siya sa bewang at inilapit sa akin habang hawak pa rin ang isang kamay niya.

_ _ _ _ _ _

<Sky’s POV>

This is it....ang oras kung kailan dapat ko ng itama ang lahat.

“Jan. Mag break na tayo” napatulala na lang siya at hindi na naituloy ang pagsubo doon sa pancit na kinakain niya. November 1 ngayon... first date namin bilang couple ULET.

“Bakit...?” tanong niya “ano nanamang ginawa ko...?” tuloy niya

“Jan.. wala kang ginawa. Ako yon.” Sabi ko

“okay...” binitawan niya yung tinidor at umayos ng upo “kung yan yung gusto mo... at wala na akong magagawa then it’s fine” tumayo na siya pero nagsalita ako ulet

“Jan... ayaw mo bang malaman kung ano yung dahilan??”

“Why would I...? pag ba nalaman ko... maibabalik pa kita? Pag ba nalaman ko... may mababago...? the fuck Sky.. pag inalam ko yon hindi mo ba naisip na ipinamumukha ko lang sa sarili ko na TALO ako?!”

“Jan...”

“Sky..please... ayaw kitang sisihin...ayaw kong sisihin yung sarili ko...” sabi niya at umalis na.

I guess... dito na nagtatapos ang LAHAT sa pagitan namin.

<Jan’s POV>

 

 

 

“ANO PARE!??? Nakipag BREAK sayo si SKY!!!? Takte! Bakit ka pumayag!!!?” sigaw ni Ron. Tinawagan ko kasi siya pagkauwi ko. -_______-

“eh pare. Nagsasawa na din kasi ako na umarteng GUSTO ko siya kahit hindi naman talaga ehhh. Ayoko na siya lokohin... naaasar lang ako” >.<

“pero pare...pano naman ako...???!! pano kami ni Nicky...??”

“ewan ko pare...bahala ka na diyan... basta kung ako sayo.. dapat malaman ni Nicky na naging kami ulet ni Sky para kahit papano maTURN OFF yung tao di ba? Siguradong magkakalabuan yung dalawang yon”

“oonga nohhhh? Hahahaha sige pare...pero pano ko gagawin yun?”

“aba! Malay ko sayo...MAGHANAP ka nga PARAAN!! Tsk!”=_____=

“iy!”

“oy Pare yung usapan natin ah!” paalala ko sa kanya. May usapan kasi kami na ililibre niya ako ng LUNCH ng isang buwan kapag binalikan ko ulit si Sky! wahahahahahaxD sa akin pa rin ang HULING HALAKHAK!

“Hindi ka naman talaga niya GUSTO...naghahanap lang siya ng KALARO”

Do you LOVE me? (like the way I love you)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora