CHAPTER 13

1.3K 33 0
                                    

<Sky’s POV>

“Sky... alam mo na ba ?” tanong ni Charmaine saken pagpasok na pagpasok ko sa room.

“ang alin?” tanong ko

“may bago tayongclassmate...” sabi niya pero parang walang excitement sa tono ng boses niya.

“huh!? Seryoso ka? Eh malabo naman ata yun kasi... section A toh kaya kung may bago.. di ba dapat sa lower section muna siya?”

“eh hindi naman kasi siya talaga bago... ahm late enrollee lang... balita ko kasi.. kakauwi lang nila last week galing sa Spain”  sabi niya

“Spain?”

“Oo.... hinde mo ba kilala si Daniella Capulong?” tanong niya, umiling lang ako

“owww... half-Spanish.. half-Filipino kasi siya... su padre es Filipino y su madre es Española...” hanu daw?! =________=’’ hinipo ko siya sa noo niya...

(her father is a Filipino and her mother is a Spanish)

“oh baket?” tanong niya

“sino ako?” tanong ko

“ikaw si... Sky...” sagot niya na parang naguguluhan

“good! Akala ko kasi na-abduct ka na ng aliens eh!” sarcastic na sabi ko tsaka iniwan ko na siya

_ _ _ _ _ _

“Good Morning class!”

“Good Morning Ma’am!”

“I just wanna inform you about your new classmate or should I say... your ‘LATE’ classmate... galing siya sa Spain...”

~ ~ ~

“so totoo nga na bumalik na siya...”

“the hell!”

“sira na ang highschool life ko!”

“sana dun na lang siya...”

“pfff! Ayoko siyang katabi..”

~ ~ ~

Narinig kong bulungan nung ibang mga kaklase ko... anong meron? Bakit parang AYAW nila sa kanya...?

“Maine...” tawag ko kay Charmaine na may binabasang makapal na libro

“oh?”

“anung meron?” tanong ko

“may bago nga daw tayong classmate... di ba sinabi ko na sayo kanina yon!”  sabi niya

“hinde! Ano ka ba! Ibig kong sabihin... bakit parang maraming may AYAW sa kanya?” tanong ko

“basta....! malalaman mo din kung bakit... pero sa ngayon... ipanalangin mo na lang na sana huwag mo siyang makatabi...” sabi niya na parang nagbabanta

“eh?! Hindi na mangyayari yon noh... ikaw na nga tsaka si Nicky yung katabi ko eh” sabi ko

“ah oo nga! Pero asan ba si Nicky?” tanong niya. Wala nga kasi si Nicky, pinatawag kasi siya sa Principal’s Office kanina eh

“ah nasa Principal’s Office” sagot ko na lang

“Ssssshh....SILENCE! alam ko namang kilala niyo na siya pero please... i-welcome niyo naman siya” sabi nung teacher namin tapos lumapit siya sa may front door at binuksan yun... mayron siyang tinawag sa may labas....

Sino kaya?

At my pumasok na babae doon...

Nanahimik kaming lahat....

Do you LOVE me? (like the way I love you)Where stories live. Discover now