CHAPTER 47

362 11 0
                                    

Pangalawang araw na namin ito ni Sorah sa Batanes at buong araw lang naming nilibot yung isla ng Batan kung saan nandoon yung Resort Hotel na tinutuluyan namin. Gamit yung bike na nirent namin ay nilibot namin yung isla ng Batan mula umaga hanggang tanghali. Naglunch kami at tumikin ng mga foods sa Batanes at pagkatapos non ay nagpray sa Tukon Church. Sa hapon ay nagkape kami sa sikat na sikat na Honesty Coffee Shop. Para kaming nasa ibang bansa....SCOTLAND. dang! A piece of heaven on earth.

"Nicky super thank you sa pag invite sa akin sa trip na toh...super narelax ako lalo na yung utak ko" masayang sabi ni Sorah habang naglalakad kami pauwi sa hotel. Ang sarap sa pakiramdam na may napasaya kang tao. Hindi ko napigilan yung sarili ko na akbayan siya. Hindi naman siya pumitlag, nginitian niya lang ako. Hindi ko siya pinopormahan o kung ano pa man...natutuwa lang talaga ako sa kanya.

"Nicky pwede bang magtanong?" tanong niya sa akin, natawa naman ako

"you're already asking..." sabi ko

"uhm hindi kasi ako sigurado kung personal yung itatanong ko eh..." sabi niya kaya napakunot ako ng noo. "Uhm tungkol saan ba?"

"ano bang meron sa langit?" tanong niya na halatang nahihiya. Hindi ko mapigilang tignan siya ng diretso sa mata. Kitang-kita ko ang namumuong pagkataranta sa kanya "...uhm ibig kong sabihin...kasi kanina, napapansin ko na tuwing tumitingin ka sa langit parang may naaalala ka...lumuluwag bigla yung mukha mo tapos malulungkot ka..." sabi niya na hindi makatingin ng diretso sa mata ko. Nginitian ko siya para mawala yung pagkataranta niya. "ahhh ganun ba?" tanong ko sa kanya...

Hindi ko alam kung ano bang dapat na sabihin ko,,,dapat ko na nga bang pakawalan toh o patuloy na itago...hindi ko alam kung handa na ba akong i-share sa isang kaibigan kailan ko lang nakilala yung isa sa pinaka madilim at malalim na pangyayari sa parte ng buhay ko. Siguro...oras na para ilabas ko toh...baka sakaling maka move on ako kahit ilang sentimetro lang.

"Let's just say....once...I fell in love with a girl and now she's gone"....napansin ko na nanlaki yung mata niiya "GONE?!.....P-patay na s-siya?.." gulat na tanong niya "pakshet! Sorry!"napahawak siya sa pisnging sabi niya.

"sira!" pinitik ko siya sa noo "..hindi pa siya patay...just gone sa life ko" sabi ko. Tinitigan niya lang ako ng mariin sa mata na parang pinipilit basahin yung emosyon ko...ayoko ng ganoong tingin kaya nilipat ko sa ibang direksyon ang mga mata ko at nagpatuloy na sa paglalakad. Maya-maya ay naramdaman ko na ang pagkapit niya sa braso ko dahilan upang mapahinto ako...mahigpit yung pagkakahawak niya sa braso ko na parang may gusto siyang sabihin kaya humarap ako sa kanya. Titig na titig siya sa mata ko. Unti unti niyang inilalapit yung mukha niya sa mukha ko pero nakakapagtaka dahil hindi ko magawang umiwas sa kanya... ni hindi ko maigalaw yung mga paa ko o pigilan siya gamit yung mga kamay ko. Halos isang dangkal na lang ang lapit ng mukha namin sa isa't isa ng bigla siyang napatingin sa kanan, dahilan para tumingin din ako sa tinitignan niya...

Halos mapaluhod ako sa nakita ko...

May dalawang taong nakatayo at diretsong nakatingin sa amin...isang pamilyar naitsura na hinding hindi ko malilimutan...na hinding hindi mabubura sa puso ko. Lumakas ang pintig ng puso ko...isang babaeng may maikling buhok....nakatingin siya sa akin. Hindi ako pwedeng magkamali....siya nga. Nagkita na kami pagkatapos ng walong taon.

Gusto ko siyang lapitan at yakapin pero may pumipigil sa akin para gawin yun...

Yung lalaking kasama niya...

Naramdaman ko na lang yung sarili ko na hila-hila ng isang babae...si Sorah. Panandaliang lumipad yung utak ko dahil sa nakita ko nanaman si Sky. Bakit ba twing nakikita ko siya eh parang humihinto yung mundo ko....? pero ngayon naglalakad na ulit ako, umaabante na....gumagalaw na.....ganun na lang ba talaga yun?

_ _ _ _ _ _

Noong nasa tapat na kami ng room namin ay huminto si Sorah at itinulak ako sa may pinto at hinawakan ako sa magkabilang balikat...ano toh? Kino-CORNER niya ako???

"NICKY!!!! Nakita mo ba yon? Nakita mo ba ha??!" hindi mapakaling tanong niya

"o-oo" mahinang sagot ko naman

"na-nakita mo yung lalaki??? Yung nakasalubong natin??? Yung may kasamang babae na may maliit na buhok?" sunod-sunod na tanong niya

"Oo" sagot ko na medyo malakas na

"SIYA YUN!!! Si Seb!!! Sebastian Y. Mariano....ex ko !!!! FUUUUUUCKYUng halimaw siya!!! May bago nanaman siya??!" sabi niya tsaka yumakap sa akin. Gumapang yung kilabot sa buong katawan ko...

EX ni SORAH....at EX ko equals PAKSHIT! ANG LUPIT NG TADHANA!!!! >___________________<

Pagkatapos nun ay pumasok na kami sa loob ng room. Halos dalawang oras din siyang umiiyak at ayaw niya kumain...kahit ako ay wala rin gana kumain....napagod din naman siya sa kakaiyak at nakatulog na. Napagdesisyunan ko na huwag na lang sabihin sa kanya yung tungkol kay Sky...

_ _ _ _ _ _

Alas dose na pasado pero hindi parin ako makatulog.... napagdesisyunan ko na pumunta sa balcony para mag-isip isip at tawagan din si Ara.... medyo mahina din kasi yung signal sa loob ng room kaya kailangan pa lumabas para makasagap ng signal....at para narin maiwasan na marinig ni Sorah yung pag-uusapan namin.

"He....llow?" dinig kong sabi ni Ara sa kabilang linya...halatang nagising siya sa tawag ko

"hello?" sabi ko naman na medyo natatawa. Narinig ko pa kasi siyang humikab.

"oh Nicky...ikaw yan eh....sabi ko na nga ba eh ikaw yan... alam mo ba na 1:00 am na tawag ka pa?....oi patulugin mo naman ako...."

"hahahaha hoy... 12:08 pa lang naman noh....hilong hilo ka hahaha" natatawa kong sabi

"eh sinong di mahihilo eh sarap na ng tulog ko tatawag ka pa?? Ano bang kailangan mo??" medyo naiinis na sabi niya

"ehhh may sasabihin kasi ako...." sabi ko

"ano?"

"nakita ko si Sky dito" sabi ko at huminto muna sa pagsasalita...hindi din siya nagsalita pero after 5 seconds ay mag h-hello na sana ako ulit pero..

"FUCK HELL?! ANONG SABI MO???! SERYOSO KA BA? EH MAS INAANTOK KA PA ATA SA AKIN EHHH"

(0__0)

"Dude... nasa tono ko ba yung nag jo-joke? Tsaka kung inaantok ako edi sana hindi na kita tatawagan ngayon dahil mas pinili ko nang matulog!"

"S-So anong ginawa mo? Anong g-ginawa niya? Nag-usap ba kayo?" sunod sunod na tanong niya

"walang ibang nangyari kundi nagtinginan lang kami...titigan"

"WHAT? Hindi mo man lang kinausap at kinumusta?"

"hindi eh.....pero may kasama kasi siya....lalaki" sabi ko

"ayuuuuun.....so takot ka na sa lalaki ngayon?"

"tapos nalaman ko pa kay Sorah na yung guy na kasama ni Sky eh ex pala ni Sorah"

"Wait! What?Sorah....? teka...siya yung girl sa restaurant na kinukwento mo di ba..... so...kasama mo siya ngayon?"

"y-yeah...hindi kasi pwede si Ron ang ayoko din naman masayang yung ticket"

"ASSHOLE!" sabi niya "parang yung napanood ko lang na drama sa tv three years ago" sabi niya

"I know"

"so anong balak mo? Lalapitan mo ba siya para kausapin?" tanong niya

"ewan...kung may chance, why not naman di ba?"

's>

Do you LOVE me? (like the way I love you)Where stories live. Discover now