CHAPTER 2

2K 44 0
                                    

<SKY'S POV>

 

 

 

Umupo siya sa likod ng isang malaking shelf kaya umupo na din ako...

Inaya kasi ako ng boyfriend kong si Jan dito sa Library at may sasabihin daw siya. KINAKALABATUTAN na nga ako dahil paTHRILL siya masyado... alam niyo yon? GRAVY!!! Natatae na ako....

"J-Jan.... a-ano na nga p-pala yung s-sasabihin mo?" kabado kong tanong sa kanya

Tinignan niya lang ako sa mata tapos.... o___o"  may tumulong pawis sa noo niya..... GRAVENG PAWIS! Panira ng mode!!! Todo na yung kaba eh! At ang pawis na iyon ay sinundan pa ng isa....

"ahmmmm......" parang hirap siya at hindi maituloy ang sasabihin niya... yung parang natatae..!

"S-Sky... 2 months na tayo.... at.... pwede bang....?"

*Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiinnnnnnngggg!!!!*

O___________O

Gulat kaming napatayo....

"bell na! Sige mamaya na lang tayo ulet mag-usap!"

Tapos nagmadali akong lumabas ng library at dumiretso sa classroom ko....

_ _ _ _ _ _

Pumasok ang teacher namin sa classroom at nag good morning... siyempre lahat naman ng teacher... ganyan!

 

"so...... let's check the attendance...." sabi niya at kinuha yung record niya

Isa-isa niya kaming tinawag. Wala pa kaming class officers dahil kakasimula pa lang ng klase 3 days ago...

"Lazatin, Shekinah?!"

"present po!" mabilis kong sabi

"Lim, Nicolette!?"

 

(krooooo~krooooo)

 

 

"Lim, Nicolette!?" pagu-ulit ng teacher

"ay sir! Absent po!" biglang may nagalita na kundi ako nagkakamali ay ang GENIUS na si Jessa Mendoza. Matalino siya at sikat din... ako naman first timers ako sa section 3-A.

"absent nanaman? Hindi pa siya pumapasok simula noong first day ah!" sabi nung teacher namin tapos ipinagpatuloy na niya ang pag tatawag

Bakit nga ba lagi na lang absent yun??? Ano kayang problema??? Honestly... hindi ko siya kilala at hindi ko pa siya nakikita pero sikat daw siya dahil sa pagiging TOMBOY niya!! Shemayyyy! KINIKILABUTAN nanaman ako!!! Ayaw na ayaw ko kasing tumatabi sa mga TOMBOY ehhhh feeling ko RAPIST sila at BASAGULERA!!! Brrrrrrrrrr!!! (*_*)

Siniko-siko ko yung katabi ko na mukhang nerd at nagbabasa ng dictionary

"u-uy! Sino ba kasi si Nicolette Lim at bakit hindi pa siya pumapasok?! May problema ba yun?" tanong ko. Mataray niya akong tinitigan tapos tinaasan niya ako ng salamin

"hindi mo kilala si Nicky??? Andame kayang babae ang nagkakaCRUSH sa kanya!! At bukod pa don! Anak siya ng principal!" mataray na sabi nung katabi kong nerd tapos ibinalik lang niya yung attention niya dun sa binabasa niyang kasing kapal ng dictionary

Ganon pala..... anak siya ng principal.....! pero bakit hindi disiplinado!? Dapat pumapasok siya sa tamang araw at hindi umaabsent... ah baka naman kasi may sakit....

Do you LOVE me? (like the way I love you)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon