NW Chapter: 45

11.6K 440 35
                                    

Isang araw, mumukat-mukat na gumising si Raffaella dahil sa hindi magandang timpla ng kanyang pakiramdam. Bahagya rin siyang nakaramdam ng pagkahilo nang sandaling bumangon ito sa kanyang pagkakahiga.

Mabilis nasapo ng dalaga ang kanyang noo dahil sa literal na pag-ikot ng kanyang paningin, "Hmmm..." Ungot niya saka dagling pumikit nang mariin upang pahupain ang kanyang pagkahilo. Ilang minuto ang lumipas nang tuluyang mapagtagumpayan ni Raffaella na labanan ang kanyang nararamdaman. Matamlay itong tumayo sa kama, bago tuluyang lumabas ng kanyang silid.

Ngayon ay nasa ikalawang palapag ng kanilang tahanan si Raffaella. Simula nang muli itong makapagtrabaho sa Luxxe Enchanteur, ay nabili ng dalaga ang lupang kinatitirikan noon ng kanilang inuupahan ni Mamu Penny. Napagpapatayuan niya ito ng isang simple, ngunit may sinasabing uri ng tahanan na may dalawang palapag.

Nang tuluyang makababa, ay agad tinungo ni Raffaella ang kanilang kusina, "Good morning po Mamu..." Bati niya nang mabungaran niya ito na abala sa paghahanda ng kanilang agahan.

"Morning— O, maupo ka na riyan. Matatapos na ako rito sa niluluto ko." Anito nang sandaling lingunin ang dalaga.

Walang ganang umupo naman si Raffaella sa hapag-kainan, bago tiningnan ang kanyang telepono. Agad namang gumuhit ang matamis na ngiti sa kanyang labi nang makita ang mensahe ni Lucas dito.


From: Mi Lucas ❤️

Good morning, Mi Bella! I have good news for you— see you in a bit. I love you!


Nang akmang re-reply-an na niya ito ay may biglang bumusina sa labas ng kanilang tahanan. Agad namang naging alerto ang buong sistema ni Raffaella nang sandaling marinig iyon at dali-dali itong tumayo sa kanyang pagkakaupo.

"Ako na po ang magbubukas ng pinto, Mamu." Sabik niyang turan at nagmamadaling tinungo ang daan papalabas ng kanilang tahanan.

Nang saktong bukas niya ng pinto ay siya namang bungad ng isang dosenang pulang rosas sa kanyang harapan. Nagningning ang mga mata ng dalaga dahil sa kagandahang taglay nito. Ilang sandali pa ang lumipas nang biglang bumungad sa gilid nito ang gwapong mukha ni Lucas.

"Good morning!" Nakangiting bati nito bago tuluyang iniabot ang rosas sa kanyang kasintahan. "For my lovely, Mi Bella."

Mabilis naman itong tinanggap ng dalaga sabay sabing, "Thank you, Mi Lucas..." Aniya saka tuluyang humalik sa pisngi ng binata.

Dagli naman itong inakbayan ni Lucas bago nila tinungo ang kusina kung saan naroroon si Mamu Penny.

"Good morning, Mamu." Bati ni Lucas nang makapasok ito sa bukana ng kusina.

"Morning! O, tamang-tama ang dating mo fafa Lucas. Kain na tayo."

Agad din namang umupo ang magkasintahan sa hapag-kainan at sinimulan na ang kanilang almusal.

Habang nasa kalagitnaan ng kanilang pagkain ay napansin ni Lucas ang hindi pagkain ni Raffaella ng paborito nitong garlic longganisa. Halata rin ang pagkamatamlay nito't pagiging maputla, kaya't mabilis niya itong hinaplos sa pisngi.

"Hey, what's the matter? Are you alright?" Nag-aalala niyang sambit sa dalaga.

Mabilis namang hinawakan ni Raffaella ang kamay nito sabay sabing, "I'm fine— kulang lang siguro sa tulog," Aniya saka nginitian ang binata nang pilit. "Ano nga pala 'yung ibabalita mo?"

Naked Words ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon