NW Chapter: 25

13.1K 506 98
                                    

Continuation:


Matapos mag-ayos ng kanyang sarili ay dali-daling lumabas si Raffaella ng comfort room. Ngunit agad napahinto ang kanyang mga paa sa paglalakad, nang mabungaran si Lucas sa labas ng banyo.

Nakasandal ito sa pader, na animo'y inip na inip sa kanyang paghihintay. Nakapamulsa ang mga kamay sa suot na khaki pants na kulay asul, habang ang suot na longsleeves naman ay itinupi hanggang siko.

Halatang nasa malalim itong pag-iisip, dahil sa hindi nito alertong pakiramdam para mapansin ang kanyang presensya. Wala naman sa sariling napaimik si Raffaella rito dahil sa kainisan, "Oh, sa kabila ang boys room." Mataray niyang turan bago tuluyang nilampasan ang binata.

Nakakailang habang pa lamang si Raffaella nang biglang magsalita si Lucas, "I miss you, Raffy..." Malungkot na usal nito, kaya't agad napahinto sa kanyang paghakbang ang dalaga.

Palihim na napahawak si Raffaella sa kanyang dibdib, dahil sa biglaang pagkabog nito. Hindi niya mapigilang kabahan sa pagkakataong iyon, dahil ramdam niya ang senseridad sa boses ni Lucas nang sambitin nito ang mga katagang iyon.

Mariin na napapikit na lamang si Raffaella, upang pakalmahin ang naghuhurementado niyang kalooban, na anumang oras ay pwede nang bumigay dahil sa labis na pangungulila niya sa binata.

"Isa, dalawa, tatlo... Apat at ikalma ang pang-lima..." Sa huling numero nang pagbibilang sa kanyang isipan, ay tuluyan nang humayo ang kanyang pagkabalisa't pananabik kay Lucas, saka ito taas noong hinarap, "Sa susunod na sasabihin mo sa akin ang mga katagang 'yan, siguraduhin mo muna na totoo at hindi dahil trip-trip mo lang." mapakla niyang anas dito bago tuluyang nilisan ang pasilyo na kanilang hinintuan.

Inilang hakbang lamang ni Lucas ang kanilang pagitan ni Raffaella, bago ito mabilis na hinablot sa kanang braso bago isinandal sa pader. Itinukod niya ang kanyang mga kamay habang nakakulong sa pagitan ng kanyang mga bisig ang dalaga.

"You know me, Raffy... If I say something, you fūcking know that I mean it!" Tiim bagang na anas ni Lucas, ngunit mababatid mo rin ang kasabikan sa boses nito. Kasabikan para sa dalaga.

Halos pigil ang hiningang nakatitig lamang si Raffaella sa mga mata ng binata, at kitang-kita niya ang paghihirap at pangungulila na pilit na nagkukubli sa likod ng mala-bossy na pag-uugali't pinapakita nito.

"L-lucas..." Tanging sambit lamang ng dalaga rito, habang pilit kumakawala sa pagitan ng mga braso ng binata.

"I don't know what you do to me, Raffy... B-but you cleverly and expertly do it well..." Walang lakas na usal nito, na animo'y hirap na hirap na sa kanyang kalagayan.

Halos mabingi na si Raffaella sa lakas ng kabog ng kanyang dibdid. Iniisip niya na napakalas talaga ng epekto ni Lucas sa kanyang sistema, na kahit sa simpleng salita lamang nito ay talagang nadadala na ang kanyang buong ulirat at pagkatao, isama mo pa pati na ang kanyang kaluluwa.

"M-malay ko sayo..." Aniya para kahit papaano ay maibulalas ang kaba sa kanyang dibdib.

Dahan-dahang hinaplos ni Lucas ang kaliwang pisngi ni Raffaella sabay sabing, "I-I think... I am truly under your spell, Mi Bella..."

Matapos sambitin ng binata ang mga katagang iyon, ay mabilis niyang pinaghinang ang kanilang mga labi na animo'y uhaw na uhaw na malasap muli ang labing pag-aari ng dalaga. Sa bawat paglapat at mga matatamis na halik ni Lucas, ay tuluyan nang nahulog si Raffaella rito at walang alinlangang tinumbasan ang mapupusok at punong-puno ng pananabik na halik ng binata.

Naked Words ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon