NW Chapter: 33

10.5K 390 35
                                    

Matapos sa mainit at naglalagablab na eksena sa pagitan nina Lucas at Raffaella, ay mabilis tumungo ang binata sa sarili niyang silid upang pahupain ang mas tumataas na lebel ng sensasyon na kanyang nararamdaman.

"Raffy..." Bulong niyang sambit habang nakatutok ang sarili sa rumaragasang tubig. Napapikit si Lucas habang inaalaala ang mga eksena, na siyang nagtulak sa kanya upang maisakatuparan ang matagal na niyang minimithi.

Nang tuluyang maramdaman na bumalik na sa normal ang temperatura ng kanyang sistema, ay mabilis na nagbihis si Lucas saka nagpunta sa kusina, upang ipaghanda ang dalaga ng makakain.

"Breakfast in bed, Mi Bella." Masayang usal ni Lucas nang tuluyan itong makapasok sa loob ng guest room, bitbit ang isang overbed table kalakip ang kanilang almusal. Gaya ng bacon, poached egg, toasted bread, dalawang tasa ng macchiato lattè na si Lucas mismo ang gumawa. At higit sa lahat, ang paboritong almusal ni Raffaella walang iba kundi ang fried rice at garlic longganisa.

Nakangiting nagmulat ng kanyang mga mata si Raffella nang marinig ang masiglang tinig ng binata, "Good morning, Mi Lucas..." Bati niya rito bago naupo sa kama. Mabilis inayos ng dalaga ang kumot na tumatabing sa kanyang hubad na katawan, habang hinihintay ang paglapag nang mabangong almusal sa kanyang harapan.

"A pleasant morning indeed," Sagot naman ni Lucas bago hinalikan ang labi ng kanyang kasintahan. Mabilis niyang ipinatong ang tray sa kama saka naupo. "Close your eyes first."

"H—ha? Bakit?" Kunot noong saad naman ni Raffaella, ngunit nakangiti naman.

"I have a surprise for you... Kaya pikit ka na, dali."

"Sige na nga..." Natatawang wika ng dalaga, at agad ding sinunod ang utos nito.

Nang makitang nakapikit na ang kanyang kasintahan, ay maingat na inilabas ni Lucas ang isang bagay na nakaipit sa kanyang likuran sabay sabing, "You may open your eyes now, Mi Bella."

Nang marinig ang hudyat ay unti-unting idinilat ni Raffaella ang kanyang mga mata, at kalaunan'y rumehistro ang matamis na ngiti nang makita ang isang white long stem rose sa kanyang harapan, "Thank you, Mi Lucas..." Kinikilig niyang saad sa binata saka niya ito niyakap nang sobrang higpit.

"My pleasure..." Wika nito saka hinalikan sa noo ang dalaga. "Let's grab a bite first, mahirap na baka ikaw pa ang makain ko." Nakakalokong sambit pa ng binata nang tuluyan itong humiwalay sa kanilang pagkakayakap.

Hindi naman napigilan ni Raffaella na hampasin ito sa balikat, "Loko-loko ka talaga!" Napapailing niyang wika at doon na nagsimulang mag-init ang kanyang magkabilang pisngi.

"Hahaha!" Nagpakawala lamang nang malakas na halakhak ang binata, bago tuluyang inihanda ang kanilang kakainin.

Masayang nagsalo ng almusal ang magkasintahan nang biglang maalala ni Lucas ang isang bagay, "Where were you last night, Mi Bella. Why didn't you answer my calls?" Walang muwang na turan ng binata saka sumimsim ng kape.

Natigilan naman si Raffaella sa biglang pagtatanong nito, mataman lang niyang tiningnan si Lucas na ngayon ay abala sa kanyang kinakain. Mabilis na kumabog ang kanyang dibdib, dahil sa tunay na dahilan kung bakit siya naglasing kagabi.

"Ahh— Ano kasi... Nag... Nagkayayaan kasi 'yung mga blockmates ko na uminom kagabi— Iyon, b—biglaan kasi Mi Lucas. Sorry po..." Utal-utal niyang turan, na kahit sa kanyang sarili ay halos hindi na maisambit nang tama ni Raffaella ang mga salitang iyon, dahil sa todo-todong kasinungalingan.

Naked Words ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon