NW Chapter: 11

15.7K 615 60
                                    

Updated 😊

So sorry for the long wait, Lovies! ❤️
This past few days ay nagka-problema si Watty. There's a minor glitch with the system, kaya biglang nawala itong story ng NAKED WORDS. Hindi ako makapag-update because Watty won't allow me to. Haha! 😂

Anyways, highways! Tuloy lang ang buhay... Kaya't Happy Reading, Lovies! 💋


*****


Continuation:

"Miss... Sinong sinisilip mo d'yan?" baritonong boses na sambit ng lalaki sa likuran ni Raffaella.

Dahan-dahan namang nilingon ng dalaga ang pinanggagalingan ng mababang tinig na iyon, at agad napahawak sa kanyang dibdib nang mapagtantong naisahan siya nang panlilinlang nito.

"Grabe... Akala ko naman kung sino na..." kabadong saad ng dalaga at napabuga na lang nang hangin dahil sa pambibiro ni Mamu Penny.

"Hahaha!" halakhak nito. "Eh may pasilip-silip ka pang nalalaman d'yan. Teka, nasaan na 'yung ka-eyeball mo? Infairness ahh, gwapo si guy." anito at bahagyang inayos pa ang kanyang bitbit na bag.

Hindi naman nag-abala na sumagot pa si Raffaella at ipinagpatuloy lamang ang pagsilip kay Deo, na ngayon ay abala sa pagkalikot ng kanyang telepono. Para itong may hinihintay na hindi malaman, dahil sa postura nitong animo'y inip na inip sa kanyang kinatatayuan.

Nasa ganoong pagmamasid si Raffaella nang bahagyang hilain ni Mamu Penny ang ilang hibla nang kanyang buhok sabay sabing, "Hoy babae, kinakausap kita."

"Arouch Mamu..." hinaing ng dalaga at nakabusangot na hinimas ang kanyang anit. "Wait lang po, baka mawala si Deo sa paningin ko..." saad lang nito saka muling sumilip sa gilid ng malaking poste.

"Nasaan ba?" pang-uusisa naman ni Mamu Penny, saka naglakad para tingnan ang direksyon nang sinisilip ng dalaga.

Maagap namang hinablot ni Raffaella ang suot nitong jacket, "Mamu, wag ka po magpakita. Baka makahalata si Deo." may himig inis na sambit pa niya rito.

"Tsss... Eh bakit ba natin siya minamanmanan? Di ba nagtext ka na okay naman ang dinner niyo? Anyare, bakit biglang nagbago ang ihip nang hangin?"

Sasagot na sana si Raffaella nang biglang mapansin niyang may nilapitang tao si Deo sa hindi kalayuan, "Mamu tara!" nagmamadaling saad nito at maagap na hinila ang kamay ni Mamu Penny.

Maingat na nagtago ang dalawa sa gilid ng isang itim na sasakyan, na medyo may kalakihan. Sandaling nagmasid ang mga ito, habang ang mga mata ay diretsong nakatutok sa kinatatayuan ni Deo.

"Raffy... Sino 'yung kausap niya?" biglang pagtatanong ni Mamu Penny, na ngayon ay nakasilip na rin sa salamin ng nasabing sasakyan.

"Hindi ko rin po masyado makita, Mamu..." sagot lang ni Raffaella habang pilit hinahagilap ang mukha nang taong kausap ngayon ni Deo.

Sumagi sa isip ng dalaga ang posibilidad na si Lucas ang lalaking kausap ni Deo ngayon. Ngunit nabalot din siya ng kanyang pagdududa, dahil iba na ang suot ng binata ngayon kumpara nang makita niya ito sa restaurant kanina.

Naked Words ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon