NW Chapter: 5

16K 561 10
                                    

RAFFAELLA's POV:

"Nasaan na ba 'yon?" balisa kong sambit habang patuloy sa paghahanap ng aking pitaka. Kakatapos lang kasi ng aming first set sa maghapong photoshoot, kaya ngayon ay pwede na kaming mag-walwal kung saan namin naisin.

Pero sa kasamaang palad, hindi ko mahanapan ang magaling kong wallet. Naaalala ko pa na nasa bag ko pa iyon, noong dumating kami ni Mamu Penny dito sa Resort. Pero ngayon ay hindi ko na talaga siya makita.

Sandali akong natigilan habang inaalala ang mga nangyari kanina, "Mamu di ba, pagpunta po natin sa guest lounge nagbigay po tayo ng I.D. doon?" pagtatanong ko rito, saka ko siya nilingon sa aking likuran.

Natigilan naman din ito sa kanyang paghahanap sabay sabing, "Oo nga pala, inilabas mo 'yung wallet mo roon... Naku, hindi kaya nalaglag mo sa lobby?" gulat na saad ni Mamu Penny sa akin.

Mabilis akong napaupo sa gilid ng kama habang hindi maipinta ang mukha, "Nandoon pa naman 'yung ATM ko, Mamu."

Oo, nasa wallet ko ang lahat ng ipon ko. Kapag nakakapag-raket kami ni Mamu, ay nagtatabi ako ng kahit magkano saka ko ito sabay-sabay na hinuhulog sa bangko. Pero ngayon na nawawalan na ako ng pag-asa na mahahanap ko pa ang aking pitaka, ay gusto ko na talagang magwala't humagulgol sa sobrang katangahan ko.

Imagine, napakaburara ko namang maituturing para hindi ko mamalayan na kanina pa pala nawawala ang wallet ko. Nandoon pa naman 'yung limang libong pisong kinita namin ni Mamu Penny sa pageant noong isang araw. Kasama pa roon ang mga I.D.'s at higit sa lahat 'yung ATM na naglalaman ng savings ko para pang-enroll ko sana next semester.

Haaayyy... Sayang talaga!

"Tara, baba tayo sa lobby. Ipagtanong natin baka may magandang loob na nagbalik ng wallet mo." panghihikayat sa akin ni Mamu Penny bago ito tuluyang lumabas ng aming kwarto.

Matamlay naman akong tumayo sa aking pagkakaupo, at pasadsad ang mga paang humakbang para sundan si Mamu. Bagsak ang balikat na tinungo namin ang elevator, at sa buong minuto na paghihintay ng lift ay nakayuko lang ako. Ramdam ko na halos malukot na rin ang aking buong mukha, dahil sa kalungkutan na nararamdaman ko ngayon.

Ilang minuto rin kaming naghintay ni Mamu bago tuluyang bumukas ang elevator... "Going up..." baritonong boses ng lalaki ang sumalubong sa amin.

Narinig ko na lang si Mamu na biglang nagsalita, "D-down po..." nanginginig niyang sambit dito saka dahan-dahang umatras na animo'y nakakita ng multo.

Hindi naman ako nag-abala pang balingan ang tao sa loob, dahil pababa ang kailangan naming lift. Papasara na ang elevator, nang may biglang nagtulak sa akin na sulyapan ang lalaking nagmamay-ari ng baritonong boses na iyon.

Ilang pulgada na lang ang awang ng pintuan ng elevator, at nagulat ako nang masilayan kong muli ang gwapong mukha ni Elevator Man.

Nagtama panandaliaan ang aming mga paningin, at sing bilis ng kidlat ko namang nasilayan ang babaeng kasama nito. Sa pagkakataong iyon ay ibang babae na ang nakayakap sa kanya, hindi na ang babaeng nag-ngangalang Bethany na nakasagupa ko kaninang umaga sa souvenir shop.

Dala nang hindi ko malamang dahilan ay mabilis akong nagbaba ng tingin at segundo pa ang lumipas nang tuluyan magsara ang pintuan ng elevator.

"Grabe! Kinabahan ako doon, Raffy." rinig kong usal ni Mamu Penny, bago ipinaypay ang kanyang mga kamay sa sobrang pagka-tensyonado.

Nginitian ko lang siya ng alanganin at hindi na rin naman nagtagal at bumukas na ang kabilang lift, bago kami tuluyang sumakay dito.

Mabilis naming tinungo ni Mamu Penny ang guest lounge ng Casa Cadeña. Nakangiting mukha ng receptionist ang sumalubong sa amin sa lobby sabay sabing, "Good Evening, Maam, Sir..." magalang na bungad nito saka bahagyang yumukod.

"Ahh Miss... Gusto lang namin itanong kung may nagsauli ba ng wallet dito, na kulay pula tapos may picture nitong alaga ko sa loob." ani Mamu Penny sa receptionist.

"Sir, nasa office po namin ang lahat ng lost and found belongings ng aming mga guest's. Pwede po kayong i-assist ng aming manager doon about sa inyong concern." pagpapaliwanag nito sa amin.

"Sige Miss... Paki na lang, maraming salamat." nakikiusap na saad naman ni Mamu Penny sa receptionist.

"Alright, for a while please..." wika nito, bago may tinawagan sa kanilang intercom. Halos dalawang minuto lamang ang aming pinaghintay ni Mamu Penny, nang magsalita ulit ang receptionist. "Maam, Sir... Okay na po, punta na lang po tayo sa office." saad nito bago kami inihatid sa kanilang opisina.

Nakarating kami sa isang hindi kalakihang kwarto hindi naman nalalayo sa guest lounge kaya less worries. Sinalubong naman agad kami ng manager doon sabay sabing, "Good Evening... So ito po ang aming lost and found office, paki-describe na lang po sa akin kung anong itsura ng wallet na hinahanap niyo."

Inilarawan ko naman ang itsura ng aking wallet pati na rin ang lahat-lahat ng laman noon. Kabisado ko kung anong mga nakalagay doon at hindi na rin naman nagtagal ay ibinigay na sa akin ito ng manager ng Resort. Dahil na rin siguro sa litrato kong nakalakip sa loob nito.

"Hay, marami po talagang salamat, sir!" walang pagsidlan ang kasiyahan na mababakas sa akin, hindi lang sa itsura kundi sa kagalakan ng aking pananalita.

"Wala pong anuman Maam, may magandang loob po kasi na nagsauli ng pitaka niyo sa receptionist namin kaya't itinabi po namin ito."

"Pagpalain po sana siya ng panginoon dahil sa kabutihan na kanyang ginawa." biglang sambit naman ni Mamu Penny dito.

Hindi na rin naman kami nagtagal doon, at sobrang saya ko talaga nang lumabas kami ng manager's office, "Mamu, mabuti na lang po at naibalik itong wallet ko. Laking pasasalamat ko talaga sa taong iyon, dahil ni isa ay walang nagalaw sa wallet ko." masigla kong sambit habang yakap-yakap ang aking pitaka sa sobrang kagalakan.

"Kaya pagka-ingatan mo na iyang pitaka mo, papaano na lang kung gipit ang taong nakapulot niyan di ba? Malamang sa malamang, goodbye balik aral program ka d'yan." natatawang saad ni Mamu Penny habang papabalik kami sa guest lounge.

"Yes po, Mamu..." ngingisi-ngisi kong wika rito.

"Tara na nga, ginutom ako sa paghahanap niyang wallet mo. Libre mo ang dinner ko ngayon ahh." anito habang nakaarko ang kanang kilay.

Mabilis naman akong yumapos sa kanang braso ni Mamu Penny sabay sabing, "Oo ba! Inom na rin po tayo ng alak kahit konti." ngisi ko sa kanya.

"Game!" cool na saad ni Mamu, bago namin tuluyang tinungo ang restaurant sa loob ng Casa Cadeña.


*****

Short update for today, Lovies! ❤️

*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP

Naked Words ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon