NW Chapter: 17

13.6K 574 74
                                    

Continuation:


"So, bakit po kayo biglaang napasugod sir?" pagtatanog ni Raffaella nang maibaba ang dalawang tasa ng kape sa lamesitang kahoy. Naupo ang dalaga sa katapat nitong upuan saka kinuha ang sarili niyang tasa, bago sumimsim ng kape.

Mabilis pinagsaklob ni Lucas ang kanyang mga kamay habang nakapatong ang siko sa magkabilang hita.

Napansin naman ni Raffaella na para itong may gustong sabihin na hindi lang alam kung paano ito ibubulalas. Maagap siyang tumayo sa kanyang pagkakaupo bago umupo sa tabi ng binata, "Sir... May problema po ba?" aniya at alanganing hinaplos ang likuran nito.

Sandali siyang nilingon ni Lucas bago nito isinandal ang kanyang likod sa upuan. Mataman lang na nakatitig ang binata sa maamong mukha ng dalaga sabay sabing, "Nothing... I'm just tired but it will pass don't worry." sagot nito at saka ngumiti ng alanganin.

"Bakit pa ho kasi kayo bumiyahe nang dis-oras ng gabi pa-Maynila? Sana pinagpabukas niyo na lang po ang pagparito niyo't namahinga muna." kibit balikat na saad lang ni Raffaella bago muling sumimsim ng kanyang kape.

"Because I promised to watch and to support you on that special moment of your life but I fūcking failed! I broke that promise, and now I know that you're mad at me..." malungkot na usal ni Lucas bago inaahon ang sarili sa kanyang pagkakasandal. At dahan-dahang hinawakan ang kaliwang kamay ni Raffaella na malayang nakapatong sa hita nito.

Para namang nakuryente si Raffaella sa biglaang paghawak nito sa kanyang kamay.

"That's why I quickly went home because I wanted to see you right away, to apologize and to ask for your forgiveness. I'm so sorry, Raffy." dagdag pa ng binata, sa pinaka-sinsero niyang paghingi ng tawad.

Halos mawala na sa sarili niyang katinuan si Raffaella dahil sa mga kaganapan. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang lahat ng mga sinabi ni Lucas. Ang buong self-confidence at lakas ng apog niya ay parang lumagapak sa pinakamababa nitong lebel, dahil sa naghuhurementado niyang sistema.

Magkahalong nerbiyos at excitement ang ipinaparamdam ngayon sa kanya ng mga simpleng salita at paghawak ng binata sa kanyang kamay.

Dahil sa halu-halong emosyon na kanyang nararamdaman, ay wala sa sariling napabilis ang pagsimsim ni Raffaella sa kanyang iniinom na kape dahilan para mapaso ang kanyang dila.

"Argh!" daing ng dalaga at dahil sa bilis nang pangyayari ay dagliang nailayo ni Raffaella ang tasa sa kanyang bibig, dahilan naman upang matapon ang mainit na kape sa kanyang damit. "Shoot!" maagap na anas nito at mabilis ipinagpag ang kanyang kasuotan dahil sa nanunuot na ang init ng kape sa kanyang dibdib.

"Fūck!" tanging sambit lang ng binata at agad inalalayan si Raffaella para maibsan ang init na nararamdaman nito.

Mabilis na pinunasan ni Lucas ang damit nito gamit ang kanyang panyo. Sa sobrang pag-aalala ay hindi na alintana ng binata na sa maselang parte na ng dibdib ng dalaga dumako ang kanyang pagpupunas. Nakita niya na namilog ang mga mata ng dalaga, at doon lang niya napagtanto ang bagay na kanyang nagawa.

Mabilis inilayo ni Lucas ang kanyang kamay dito sabay sabing, "I-I'm sorry..." sambit nito bago tuluyang umiwas ng tingin.

"O-okay lang..." sagot naman ni Raffaella at napapikit na lang nang mariin dahil sa awkward na sitwasyon nila ng binata.

Shīt Raffy! Hindi pa nga nakaka-first base, nag-skip agad sa second base? Aba, matindi ano?!

Sandaling katahimikan ang pumagitna sa dalawa nang magpasiyang magsalitang muli si Lucas, "I-I'm so sorry, Raffy... It is not my intention to..." hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin nang bigla siyang putulin ni Raffaella.

Naked Words ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon