[ 7 ] The Other Sides of the Story

Start from the beginning
                                    

"S-soon to be girlfriend?!"

"Yes. Nagulat ka ba? Gab originally liked me. Bago niya pa magustuhan si Jin, may gusto na siya sakin. Don't you know that?"

"Alam ko. How could you do that Gab?! Sila yung may kasalanan kung bakit namatay si Jin pero kinakaibigan mo sila! Paano?"

"Mamaya ko na sasagutin lahat ng tanong mo sakin kapag tayong dalawa na lang yung magkausap" -Gab

"KL, it's not my fault that an accident ocurred that time. Sinaktan ko lang siya by using Risa and tht where I'm at fault but you accusing me of killing that girl is so not cool kasi wala naman talaga akong kasalanan. Siguro naman naliwanagan ka na ngayon?"

Tama si Mika. Sinaktan niya lang si Jin pero kung nahulog man yung sasakyan ni Jin, wala na siyang kinalaman doon pero may kasalanan pa din siya kasi kung hindi nila sinaktan si Jin noon, siguro nakapagfocus siya sa pagdadrive.

"May kasalanan ka pa din Mika! Kailangan mong managot sa ginawa mo"

"C'mon KL! Use that mind of yours! Mahina ba talaga yang utak mo o sadyang hindi ka lang marunong umintindi?"

Tumayo ako at sasaktan ko sana siya kaso tumayo din siya.

"This is my place. Try to do something inappropriate at kakasuhan kita ng trespassing"

"Kakasuhan din kita sa ginawa mo sa bestfriend ko!"

"Five years has passed. Hindi na yan tatanggapin ng korte. Tinatakot mo ba ako? Alam mo, instead of whining, just move on! Lahat ng tao sa paligid mo, tanggap na yung nangyari and you are the only one that's kept on bringing back the past"

"You don't know how I feel Mika"

"She's dead KL. She will never come back except na lang kung may zombie apocalypse dito and that's the truth. Walang mangyayari sayo kung hindi mo bibitawan yung past. Remember that. I think I made myself clear and if you don't have any other concerns, you can go"

Kinuha ko na yung bag ko at tumayo saka ako lumapit sa pinto.

"May hihilingin lang sana ako aayo bago ako umalis" sabi ko

"What is it dear?"

"Iboyfriend mo na lahat ng gwapong lalaki pero wag si Gab dahil hindi ko matatanggap na kalevel ka ni Jin. She's way better than you and Gab's a good guy. You don't deserve him"

Pagkasabi ko nun, lumabas na ako ng unit niya at dumeretso sa CR dito. Inis na inis ako sa mga sinabe niya pero hindi ko magawang saktan siya.

Game of Love 2: Still in Love (PUBLISHED)Where stories live. Discover now