"Iba ka talaga bro! Nasa kwarto mo na agad? Kaya idol kita eh." sabat naman ni JC tapos nakipag-apir sakin at nag-wink sakin. Alam ko na balak nito, aasarin namin si Mama. HAHAHA!

"Napagod nga eh." naka-ngisi kong sabi sa kanya sabay tingin kay Mom na nanlaki yung mata sa narinig.

"Aba malakas." sabi naman ni JC.

"Ako pa ba?-----WAAAAAAA!" Sigaw namin habang papalayo sa kusina ng makita naming may dala ng kutsilyo si Mama.

"Huwag lang kayong dalawa magpapakita sakin kundi tatagain ko kayo!" rinig pa naming sigaw niya habang kami tumatakbo.

Dumiretso nalang kami sa entertainment room para magtago tapos ni-lock yung pinto. Pagpasok, inambagan ko kaagad si JC.

"G*go ka talaga bro!" tapos pasakal ko siyang inakbayan habang ginugulo yung buhok niya.

"HAHAHAHAHA! ARAY KUYA! TAMA NA!" Nagmamakaawang sabi niya kaya binitawan ko na.

"Ang dami mo ng kasalanan sakin ah!" sabi ko sabay upo sa couch tapos binuksan yung tv.

"Huh?..Ah eh ano yun? Sinakyan ko lang naman yung trip mo kay Mama kanina eh. HAHAHA!" sabay tabi niya rin sakin habang pumipili ng cd.

"Hindi lang yun." Kalmado kong sabi sabay lingon sa kanya.

"Eh ano?---ARAAY! KUYAAA! ISUSUMBONG NA TALAGA KITA KAY MAMA!"

"Pa-inosente ka pa ah?! Yan, yan bagay sayo yan." at dinaganan ko pa siya lalo habang pinapalo.

"Ang sweet naman ng magkapatid." napalingon kami sa nagsalita tapos tumayo na kami ng maayos. Bakit nandtio pa 'tong babaeng toh?

"Paano mo nabuksan yan? Naka-lock yan kanina ah?" tanong agad ni JC kay Ivy.

"Binigyan ako ni Mommy Kaye ng susi, bakit ba?" sabay upo sa may couch tapos lumapit lalo sakin.

"Ano ba? Lumayo ka nga sakin." sabi ko habang pinipilit tanggalin yung braso niya sa braso ko.

"Ang arte mo! Palibhasa may Chandria na. Hmp!" inalis niya na rin naman yung braso niya sakin tapos lumayo ng kaunti.

"Kaya nga eh, tapos nabugbog pa ko dahil pinakilala ko lang naman siya kanina sa banda." pangunguntsaba ni JC kaya tinignan ko lang siya ng masama. Naintindihan niya naman yun kaya nanahimik siya.

"Ang possessive naman, ang tanong sayo ba?" nakakaasar na tanong naman ni Ivy habang nakangiti ng nakakaloko.

"Pakielam mo? Umuwi ka na nga! Bakit ka ba kasi nandito? Bahay mo ba toh?" sabay higit sa braso niya para makatayo siya tapos hinila papalapit sa may pintuan.

"Ayokooooo! May sasabihin pa nga ko eh." pagpupumiglas niya habang hinaharang yung kamay niya sa may door knob.

"Ano ba yun?!" iritado kong sabi.

"Si Chandria at Angelo....."

"ANO?!"Sabay pa naming sabi ni JC kaya nagkatinginan kami.

"SILA NA."

And with that, biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Anong sila? Hindi pwede. Sabi niya AKO LANG di ba? Special naman daw ako sa kanya.

Pero kung iisipin hindi imposible ito kasi sila ang laging magkasama. SIla lagi nag-uusap. Sila lagi ang nag-aasaran o nagkukulitan. Nakikita ko namang lagi silang masaya sa isa't isa.

Tapos ako? Napapangiti ko naman siya pero madalas? Nasasaktan ko siya. Umiiyak lang siya kapag ako ang kasama niya. PERO SILA NA? HINDI PWEDE MANGYARI YUN KASI AKIN LANG SI CHANDRIA!

Si Mr.MP ?! (KathNiel)Where stories live. Discover now