Prologue

1.2K 14 0
                                    

"Anak . . . . " 
Hana heard a soft whisper. Kasaba'y noo'y naramdaman niya ang marahang paghaplos ng kamay ng kanyang mama sa kanyang ulo.

She lifted up her head only to see her mom's pale face. Kahit na sobrang inaantok pa'y sinubukan niyang tuluyang imulat ang kanyang mga mata. Ilang oras pa lang ang nakakalipas mula nang makatulog siya dahil nag-overtime pa siya sa trabaho bago dumiretso sa hospital na kinaroroonan ng mama niya kaya naman antok na antok pa siya.

She's a call center agent. Twelve midnight to eight am ang shift niya kaya bumabawi na lang siya ng tulog sa umaga. Pero kadalasan ay hindi na niya iyon nagagawa dahil binabantayan niya ang may sakit niyang ina. 

Three years ago, the doctors found out that her mom has a brain tumor. She had already undergone several operations kaya naman akala ni Hana ay tuluyan nang gumaling ang mama niya but unfortunately, two months ago, napag-alaman nilang kumalat na pala ang cancer cells sa utak nito.

"Anak, magpahinga ka muna sa bahay. I'm sure you're really tired of your work pagkatapos ay dumidiretso ka pa rito para maalagaan lang ako," her mom uttered in a weak voice. Pinilit pa nitong ngumiti bagaman may tubong nakakonekta sa ilong nito.

Inabot niya ang kamay ng kanyang mama at hinaplos iyon.

It hurts seeing her mom in that kind of position. She was there lying on the hospital bed, weak and pale.

Malaki ang inihulog ng katawan nito simula nang ipasok ito sa ospital na iyon. Unti-unti na ring tinatakasan ng kulay ang mukha nito.

Sobrang nahihirapan na siyang makitang nasa ganoong posisyon ang kanyang ina. Kung pwede nga lang sana ay hiniling niya na sana'y siya na lang ang nasa kalagayan nito.

Pasimpleng pinahid niya ang luhang nag-uumpisang makaalpas sa kanyang mga mata.

"Okay lang po ako, Ma. I will never get tired of taking care of you." Sinubukan niyang ngumiti rito kahit na nga nagsisikip na ang dibdib niya dahil sa nakikitang kalagayan ng kanyang ina.  "Mama, mahal na mahal po kita at kahit na ano ay gagawin ko para lang gumaling ka."

Pilitin man niyang magpakatatag sa harap ng mama niya ay hindi niya magawa dahil hindi niya napigilan ang tuluyang maluha habang kausap ang ina.

Her mom met her gaze. That was when she saw that familiar tinge of sadness written in her eyes.

"Kung hindi lang sana-"

"Mom . . . "

She cut her off even before her mom could finish talking because she already knew what her mother was going to say.

Tungkol iyon sa papa niya. Sigurado siyang sasabihin nito na kung hindi lang daw sana nalulong sa sugal ang papa niya noon at hindi sila nagkandabaon-baon sa utang at iniwan pa sila ay hindi sila maghihirap ng ganito ngayon.

Pero nangyari na ang lahat ng iyon. Wala na siyang magagawa kundi tanggapin ang katotohanang matagal na silang iniwan at ipinagpalit ng papa niya sa ibang babae.

Napakuyom ang kamao niya nang sumagi sa alaala niya kung paano sila iniwan ng ama niya noon. Labing limang taong gulang pa lamang siya noon. Isang araw ay umuwi na lamang ang papa niya na sobrang galit ang nakalarawan sa mukha dahil natalo ito ng malaking halaga sa sugal at ang masama pa roo'y ang tuluyang pagbagsak ng kanilang negosyo.

Naghirap sila simula noon. Lahat ng ari-arian ng pamilya ay ipinagbili ng kanyang papa para ibayad sa mga taong pinagkakautangan nito pero hindi naging sapat iyon. Nagkapatong-patong na kasi ang interes ng mga utang nito.

Her dad's business partners even had to pull out all their investments in their company. Nawalan na kasi ang mga ito ng tiwala sa daddy niya dahil sa kapabayaan nito. Isa pa'y nahuli ng mga pulis ang kanyang ama at ang bagong kinakasama nito dahil sa paggamit at pagtutulak ng ipinagbabawal na gamot. Ang huling balita niya rito ay nakalaya na ito at doon na namumuhay sa probinsiya ng babaeng ipinagpalit nito sa mama niya.

Wanted: Perfect Nanny for the Heir's BabiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon