I held his hand. Mukhang natauhan siya roon. Bago pa siya makasagot ay tumunog na ang cellphone niya. The name registered there is Dr. Herera. I guess, the same Doctor he's talking to earlier.

Bumalik ang pag-aalala sa mukha niya na tila natauhan. Nang bumalik ang tingin niya sa akin ay may kung ano sa kaniyang mga mata na 'di ko mapangalanan. I smiled to assure him.

"Go," I muttered.

A small smile made a way to his lips. Hindi na siya nagsalita at niyakap ako bago kinintilan ng halik sa noo.

"I'll be back as soon as possible," he uttered.

Tango na lamang ang naging sagot ko. Pinanood ko siyang nagmamadaling tumalikod. When the door closed, napabuntong-hininga ako.

My eyes scanned the interior of his new bought penthouse. The spacious living room welcomed me with its manly accent wall. Sa tingin ko ay mamahaling klase ng batong itim ang mga iyon. Wala naman akong alam sa arkitektura o sa interior designing kaya hindi ko mapangalanan.

Magkahalong navy blue, white at black lang ang bawat gamit dito. Iyon ang tema ng interior. Maraming mga accessories at ilan pang mamahaling palamuti sa loob. Kahit di ako mahilig sa mga painting, I know the three piece that's hanging on the wall are from big-time painter.

After all, a Del Rico won't settle for less.

Lumabi ako sa naisip. I should value myself more than how I did way back since I married one, huh?

Dinala ako ng paa ko sa kusina. Isang buong bahay na iyon kung susumahin. Maganda at malinis ang kulay itim at mamahaling marmol sa sahig. Ganoon din ang ginamit sa kitchen sink at even sa center island.

Wala akong makitang nakalitaw na mga plato 'di tulad sa nakasanayan kong buhay. Maraming cabinet doon. There is also a spacious comfort room in the area.

Binuksan ko ang malaking refrigerator na halos hindi ko nahulaang ref dahil pareho ang kulay sa marmol sa kitchen sink. Samantalang sa aming mahihirap, iba ang itsura noon. Walang ganitong design.

Gusto kong matawa sa naisip kundi lang ako namangha at natakam sa dami ng laman noon. Triple ang laki ng loob at mga laman kaysa iyong nandoon sa amin sa Bulacan. Considering na mag-isa lang siya rito?

Kumuha ako ng isang chocolate bar na ang tatak ay hindi pamilyar sa akin. It might have been ordered across the country. Hindi ako na-disappoint sa lasa noon. Katamtaman lang ang pait at tamis.

I am chewing on it while I find my way to the master bedroom. This time, hindi na ako nagulat sa laki noon. Agad kong tinungo ang malawak na kama. King sized iyon. Lumundo iyon sa lambot ng tekstura.

Napapangiti akong humiga. This is the kind of life of a female lead on some of the novels I've proofread. Sinong mag-aakala na mararanasan ko rin 'to? Could there be more? Mas lalo akong nakakaramdam ng curiosity on how did I end up being a Del Rico?

Hindi ko namalayang dinalaw ako ng antok sa sobrang komportable ko sa pagkakahiga kahit pa nakalawit ang aking dalawang tuhod. Nagising na lamang ako nang makaramdam ng uhaw.

Bukas na bukas pa rin ang ilaw at katulad ng kung paano ko nadatnang nakasarado ang mga kurtina, ganoon pa rin iyon ngayon. Walang bakas na nakauwi na si Troi.

Bumuntong-hininga ako. Sinipat ko ang relo sa aking bisig at napagtantong alas siyete na ng umaga. Hindi mahahalata iyon dahil makakapal ang kurtinang nakaharang sa salaming nagsisilbing dingding ng halos kalahati ng silid.

Dahil hindi ako sanay na hindi nakakita ng natural na liwanag ay binuksan ko ang mga iyon. Halos malula ako sa nakita. This is a 40th floor penthouse and we're on the 38th one. Kahit alam ko iyon, nalulula pa rin ako dahil may fear of heights ako.

Del Rico Triplets #2: Retracing The StepsWhere stories live. Discover now