Napangiti na lamang si Jiwon, dahil sa kalokohan ng kanyang tiyo. Then, suddenly, she remembered her cousin. "Kamusta na nga po pala si Kuya Ian? Ang sabi po ni papa, nakakamulat na siya ngayon."

Huminga muna ng malalim ang tiyo ni Jiwon, bago sumagot. "Medyo... malaki na nga ang improvement ni Ian, pero ang sabi ng doctor... kailangan ko pa rin ihanda ang sarili ko sa kung anuman' maaaring mangyari. Hindi ko daw dapat itaas ang expectation ko. Normal lamang daw sa case ng pinsan mo ang magmulat paminsan-minsan. He's still in a vegetative state."

"At least, lumalaban po talaga siya, uncle. He's a real fighter. After almost 12 years na unconscious, he's now awake. Sabi ko naman po sa inyo, hindi siya pababayaan ni God."

***

Pangalawang gabi na nasa stake out ang buong unit 1 ng Violent Crimes team. Patuloy nilang hinihintay ang pagdating ni Mamerto Punzal, isang notorious pedophile na halos sampung taon nang nagtatago sa batas. Kinagat nila ang tip ng isang informant. Ayon dito ay bumalik na sa Yonhwa ang naturang wanted na kriminal at sa isang abandonadong lumang bahay sa Barangay Canoonan ito nanunuluyan.

Kahalubilo ng mga kotse at van na nakaparada sa gilid ng kalsada ang tinted black van na sinasakyan at kasalukuyang pinagtataguan ng buong team. Tama lamang ang p'westo nito, upang makita ang kung sino man' tao na paparating at aalis sa street na iyon.

Sa loob ng halos 30 hours, tanging si Lieutenant Lim lamang ang hindi umiidlip at nananatiling nakafocus sa target location. Alerto at seryoso sa pagmamatyag ang batang lieutenant.

Samantala, ang mga matatandang detectives ay sitting pretty sa likurang bahagi ng sasakyan. Karamihan sa kanila ay mga kagagaling lamang sa isang malalim na pagkakaidlip.

10:13 pm, natanaw ni Lieutenant Lim ang isang kahinahinalang lalaki na naglalakad sa gilid ng kalsada. Dahil sa poste ng ilaw, kitang kita ng binata na kahulma ng katawan ng suspect ang lalaking paparating. Pansin niya rin ang paika-ikang paglalakad nito, dahil hindi magkapantay ang haba ng legs. Nakaitim itong sumbrero na bahagyang tumataklob sa kabuuan ng mukha niya. Old denim ang jacket at pantalon. Kumpirmado na si Mamerto Punzal nga iyon. Hindi na nagsayang pa ng oras at pagkakataon ang batang lieutenant. Inalarma niya ang mga kasamahan niya at naghanda sa gagawin nilang pagsugod.

Nang tuluyan ngang makapasok sa loob ng abandonadong bahay ang suspect na si Mamerto, mabilis na bumaba ng sasakyan ang buong team ng unit 1. Maingat at planado nilang nilapitan at pinasok ang bahay na pinagtataguan ng suspect. Everyone did what they're supposed to do sa misyon.

In the end, nacorner nila sa loob ng bahay si Mamerto.

He was surprised and helpless. Wala siyang ibang nagawa kung hindi ang sumama ng matiwasay sa mga pulis.

***

Umaga ng November 2, 2018, nagmamadaling bumaba sa living area si Kit Buendoza. Dederetso na sana siya palabas ng bahay nang mahagip ng mga mata niya ang kanyang ina na nanonood ng balita sa tv kasama ang kanyang ate. Dahil doon ay automatic siyang dinala ng kanyang mga paa sa harapan ng kanyang ina. "Ma, tinanggap akong apprentice ng isang professional pianist. Ngayon ang day 1 ng pagtuturo niya sa akin. Ayokong malate, alis na 'ko, ma." Pagkatapos ng isang masiglang halik sa pisngi, kumaripas ng takbo ang binata palabas ng bahay.

Naiwang tulala at nagtataka si Mrs. Buendoza. "Apprentice? Professional pianist?" Hindi siya makapaniwala sa sinabi ng kanyang inosenteng anak na lalaki. "Eliza..."

"Yes, ma?"

"Sa wakas, may pangarap na ang kapatid mo." Hindi maitago ang kasiyahan sa ngiti niya.

"Ah.." Tila ba napilitan lamang na tumango si Eliza, ngunit sa loob-loob niya, 'Iba ang pakiramdam ko sa pinaplano ng batang 'yun. I'm pretty sure, may iba siyang motibo.' Sandali niyang sinulyapan ang hindi pa rin makapaniwalang mama niya. 'Ma, mukhang ako pa 'yung mas nakakakilala sa anak ni'yong 'yun. Kit and piano? Kahit baliktarin ko ang mundo, walang connection!'

***

Papunta na sana sa interrogation room si Lieutenant Jiho Lim nang makasalubong niya sa hallway si Captain Teodore. May hawak-hawak siyang dalawang folder sa kaliwang kamay.

"Lieutenant Lim..." Huminto sa gitna ng hallway si Captain Teodore.

Napahinto rin sa paglalakad ang batang lieutenant. Hinarap niya ang kanyang superior. "Yes, sir?"

"Good job sa pagkakahuli kay Punzal. Alam kong ikaw lang ang..." Nahinto sa pagsasalita ang matandang kapitan, dahil sa pagkakadako ng paningin niya sa folder na hawak-hawak ng binata.

May nakasulat na 'Water Pipe Serial Murder Case' sa unahang-bahagi ng folder.

"Sir?" Sinubukang agawin ni Lieutenant Lim ang atensyon ng matanda.

Sandaling tinitigan ni Captain Teodore ang mga mata ng nagtatakang binata. "Lieutenant Lim, since ikaw naman ang may pinakamalaking effort na ibinuhos para madakip si Punzal, iconsider mo ng day-off ka sa araw na 'to."

"Pero, sir, kailangan ko pang iinterrogate--"

"Ipaubaya mo na ang interrogation sa akin. Ako na ang bahala. Umuwi ka na muna ngayon at magpahinga. Ilang araw ka na nga bang walang tulog? Hindi ka p'wedeng isabak sa susunod na stake-out kung wala kang baon na tulog at pahinga!" Bahagya niyang tinapik ang braso ng binata, bago tuluyang umalis.

Naiwang tulala at disappointed ang batang lieutenant. Nagbuntong-hininga, bago sinulyapan ang folder na hawak niya. 'Isa si Mamerto Punzal sa pinaghihinalaan kong may koneksyon sa kasong 'to. Kung hindi ko siya makakausap ngayon, kailangan kong gumawa ng ibang paraan.'

***

Patuloy ang pagkaway ni Jiwon sa kanyang papa, hanggang sa tuluyang mawala sa paningin niya ang sasakyan nito. Masigla siyang bumalik sa loob ng kanilang bahay, pagkatapos. Excited siya sa freedom na mararanasan niya sa loob ng dalawang linggo, dahil sa assembly at seminar na pupuntahan ng kanyang papa sa main capital.

Aktong ililipat na ng kanyang Yaya Jing ang current channel ng television nang makita ni Jiwon ang kasalukuyang balita.

Isang malaking larawan ni Mamerto Punzal ang kasalukuyang nakaflash sa screen ng tv. Ang balita ay tungkol sa ginawang pagdakip ng mga pulis sa notorious pedophile na ito.

Jiwon's heart skipped a beat. Nagtatakbo siya paakyat sa kwarto niya at mabilis na hinawi ang kurtina sa ulunang bahagi ng kanyang kama. Lahat ng tungkol sa Water Pipe Serial Murder Case na pinaghirapan niyang halungkatin at ipunin ay nakadikit sa pader na nasa harapan niya ngayon. Nadako ang mga mata niya sa pangalan at litrato ng pang-limang suspect na nakadikit sa kanang bahagi ng pader. 'Mamerto Punzal...' Sandali niyang kinuha ang litrato at matamang tinitigan ang mukha nito. 'nagpakita ka na rin... sa wakas.'

OOO
Thank you for reading!

LOHIKA [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon