"Oo nga pala.." tinignan niya ko sa mata. Namumula ang mata niya. Dahil sa pag-iyak.

"Hindi ba sinabi mo na hindi mo naman ako mahal? Siguro nga kailangan ko ng lumayo." aalis na sana siya pero pinigilan ko siya. Niyakap ko siya at lumuhod ako.

"I'm sorry Jarren! Sorry! Please patawarin mo ko! Naging tanga ako Oo! Please. Naging mali ako,naging tanga ko please patawarin mo na ko." pero pinipilit lang niyang tanggalin ang kamay ko sa kanya.

"Pleasee." umiiyak na sabi ko.

Pero nung pagtanggal niya ng kamay ko,kinuha niya ang dalawang kamay ko at tinayo niya ko at dun niya ko niyakap. Naririnig ko ang iyak niya. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari.

"Suzzane please,wag mo na kong iwan ulit." narinig ko ang pagnginig nang boses niya.

Days passed by at madaming mga nangyari,namasyal kaming buong magkakaibigan. Nalaman na rin nila na ayos na kami.

Si David,kinausap ko na siya ng maayos at pinatawad sa pagsisinungaling niya.

Alam ko na ang lahat dahil sinabi sakin,at unti unti kong natatandaan dahil pamilyar na sakin ang mga bagay bagay.

Sinabi ng doktor na magiging okay na ang memory ko in months dahil sa test na pinagawa sakin.

Si Jarren? Ayun sinagot ko na siya.

Maraming nangyari at sa tingin ko,marami pang mangyayari samin na hindi namin aasahan..

"Hey sunshine,wake up.." naririnig ko ang isang pamilyar na boses na bumubulong sakin sa kama.

Dumilat na naman ako at tumingin na ko sa kanya at ngumiti. Dumeretso ako ng banyo dahil kagigising ko lang,nakakahiya naman kung magsasalita agad ako eh hindi pa nga ako nagtotoothbrush duh.

Dumeretso ako sa banyo at nagsipilyo at hilamos. Nandito ako sa bahay ni Jarren,dito ako natulog.

"Ano almusal natin?" Pagtatanong ko habang papunta sa kama at tumabi sa kanya.

"Hmmm ano ba gusto mong ulam? My lips? My biceps? My body? My pe--" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at di ko napigilan na sampalin siya ng mahina. Sorry nabigla.

"DON'T YOU EVER SAY IT! Bastos ka! Umagang-umaga! Magpapadeliver nalang ako!" tumayo na ko at pumunta sa telephone ni Jarren.. Oo,kabisado ko ang mga bagay bagay sa bahay niya.

Nagpadeliver na ko ng almusal at nagbihis na ko. Pero bago yun.

"Hoy Jarren! Labas muna,magbibihis ako." sinabi ko at nakapamewang pa.

"Edi dito ka magbihis. Dito sa harap,i will watch." Aba,talagang nagposture talaga siyang parang manonood siya ha.

"Hoy. Anong sinabi ko sayo? Pag sumunod sa mga sasabihin ko may...?"

"KISS!" Biglang tumayo si Jarren at lumabas ng kwarto.

Awkward,mukha kaming mag-asawa,pero sana someday maging mag-asawa nga kami.

Pero awkward talaga kasi nakasando at boxer lang siya nung natulog kami. Wala lang.. Ang hot lang ni--- hindi lang ako sanay.

Nagbihis na ko ng simpleng damit. At pagkatapos nun lumabas na ko at si Jarren naman daw ang magbibihis. Lumabas na ko sa kwarto,bumaba na ko sa may dining area nila Jarren at kukuha sana ko ng makakain sa ref ng magring ang telephone ni Jarren.

Ayoko naman sagutin dahil baka mamaya hindi naman para sakin at baka private ang pag-usapan.

Pero paano kung manghihingi ng tulong? Hayyy sagutin na nga.

Nang sasagutin ko ay hindi na siya nagring pero nagleave ng message..

Isang babae ang nagsalita sa telepono.

"Huy Jarren! Kung maririnig mo man ako,bakit di mo sinagot tawag ko? Huhu katampo ka naman. Anyway,sa December 23 ha? Miss mo na siguro ko? Hehe byee... Love Shailene."

Speechless. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Sino to? May love pa? May miss pa? Hindi kaya... Hindi pwede.

Nagulat ako nang makita ko si Jarren ..

"Heyy,ano ginagawa mo?" Pagtatanong niya..

"Wala,hinihintay ko lang yung delivery."

Pagkasabi ko nun,biglang nagring ang doorbell.

"I think that's our breakfast." Pumunta na si Jarren sa pinto at binukas. Ayun na nga,yung almusal.

Kumain na kami pero hanggang ngayon iniisip ko kung sino ang babaeng tumawag sa kanya..

Shailene? Nice name.. But mine is better.

My Jeje PrincessWhere stories live. Discover now