Chapter 21 - End

1.7K 93 15
                                    

[21]

Nakatanggap ng lubusang galit si Sir Marque kay Xyriel dahil sa paglilihim nito sa kaniya. Gusto ko ring magalit pero wala ako sa posisyon. Alam ko namang iniisip lang din ni Julian ang kaligtasan ng apo niya. Wala akong pakialam sa kayamanan basta ligtas lang ang mga mahal ko sa buhay.

Agad kong pinunasan ang luha ko na nagtatangka na namang lumabas. Ilang araw na ba akong ganito? Walo? Sampu? Wala na akong alam sa mga nangyayari sa paligid ko. Kung hindi ko pa titignan sa kalendaryo ay hindi ko malalaman na ngayong araw na ang graduation namin.

Wala na ring magagawa sina mom at dad sa sitwasyon ko. Dinamayan ko sila sa lungkot nang malaman nila ang mga nangyari. Pero pagkatapos no'n, ako na lang ang binibigyan nila ng lakas. 'Yong tao ba naman na buong buhay mong inalagaan at minahal, mawawala na lang bigla sa 'yo.

Marami pa sana kaming mabubuong alaala.

Marami pa sana kaming masasabi sa isa't-isa.

Huminga ako nang malalim. Pati itong bahay na 'to kung saan kami lumaki, inaasar ako araw-araw. Sa bawat sulok ng bahay na 'to, lagi ko siyang nakikita. Sobrang dami ng pinagsamahan namin dito kaya siguro hindi na 'ko makabangon sa lungkot.

I always find it hard to move on. Kase ayaw ko. Ayaw ko pa.

Hindi ko pa matanggap-

Napapikit ako nang biglang tumunog ang cell phone ko tanda na may tumatawag. Leche. Panira.

Kinuha ko agad ito at sinagot nang hindi tinitignan ang caller ID. "Hello?"

"Gising na, pare!"

Matik kong nilayo ang phone sa tenga ko at nang huminto ang sigaw ay binalik ko ito. "Zandre? Ano ba'ng problema mo?"

"Hahaha. Sungit talaga."

"Love, you're not supposed to call him." rinig kong sabi ni Xyriel. Ano'ng mayro'n?

"Saglit lang 'to, love. Pareng Nix! Congrats at good luck mamaya. Pupunta kami riyan para makikain ah."

"Sabi ni dad sa labas kami kakain."

"Nah. Change of plans. Diyan na lang daw sa bahay niyo."

"Sino'ng may sabi?"

"Mommy mo."

"Bakit hindi ko alam?"

"Sinabi na siguro sa 'yo. Hindi ka lang nakikinig."

"Yeah, right."

"Hahaha. 'Can't wait to see your face."

Kumunot ang noo ko kahit hindi niya makikita. "What the fuck are you talking about?" Biglang namatay ang tawag kahit rinig ko pa ang nakakaasar na tawa niya. "Yah!"

Napapailing na bumangon ako sa kama at dumiretso sa banyo. Kailangan ko lagi ng malamig na paligo para mabuhayan ako kahit papaano. Pero nitong mga nakaraang araw ay gising, kain, laro, tulog lang ang ginagawa ko.

Wala na 'kong pag-asa.

Tumingin ako sa salamin at tinitigan ang kabuuan ko na nakasuot ng three-piece suit. Inayos ko pa ang necktie ko at sinuklay ang buhok ko pataas.

Iisang tao lang ang gusto kong magsabi na gwapo ako. Kapag siya ang nagsabi, pakiramdam ko ako na ang pinakagwapong nilalang sa buong mundo.

Huminga na naman ako nang malalim at tahimik na naglakad palabas ng kwarto. Pero dahil nga masyadong tahimik ang nasa paligid ay nahinto ako nang marinig ang malakas na pag-iyak ni mommy.

Bakit siya umiiyak? May nangyari ba kay dad? May mga kalaban ba?

"M-Mom! What's wrong?"

Agad silang napalingon sa akin. Nakaupo si mom sa dining at inaalo siya ni dad na nakangiti sa akin pero mangiyak-ngiyak na rin.

Bad BrotherWhere stories live. Discover now