Chapter 13

1.2K 101 4
                                    

[13]

Binatukan siya ni Paul. "Manahimik kang ulol ka."

"Daldal." tatawa-tawang sabi ni Kip.

Nang makalayo sila, hinarap ko si Marisa at tinanong kung walang masakit sa kanya. Malungkot lang ang mukha niya at nang tingalain niya ako ay nagbabadya na ang luha sa mga mata niya.

"Kuya... may dapat ba akong malaman?"

Natigilan ako. Halos lahat ng sistema ko ay tumigil sa paggalaw at napalunok ako ng ilang beses.

"Sabi ni Rave, hindi ko pa kilala ang sarili ko. Sabi niya tutulungan niya akong alamin ang lahat kung sasama ako sa kan'ya. Kuya... may tinatago ba kayo sa 'kin?"

Napayuko ako. Wala akong laban. Nawalan ako ng lakas nang titigan ko ang mga mata niya. Hindi. Ayoko pang malaman niya.

Pero sino ba ako? Sino ba ako... para pigilan siya?

"Sasabihin ko sa 'yo lahat. Pero ipangako mo muna sa 'kin na hindi mo 'ko iiwan." Nangarag ang boses ko, tanda na pilit kong tinatatagan ang loob ko. "Please, Marisa."

Ngumiti siya nang tipid saka tumingkayad at ginawaran ako ng halik sa labi. Sa sobrang biglaan ay hindi ko na naihanda ang sarili ko. Matagal niyang idinikit ang labi sa akin at nang lumayo siya ay pinagsaklob niya ang magkabilang kamay niya.

"Pangako. Hinding-hindi kita iiwan, kuya. Mahal na mahal kita."

Nixen

Bawat segundo na lumilipas ay mabigat sa pakiramdam. Nanghihina ako at parang bibigay na ang mga tuhod ko. Maski aircon ay hindi kayang palamigin ang sakit at init na nararamdaman ng katawan ko.

"I'm adopted?" hindi makapaniwalang tanong ni Marisa sa harap nila mom at dad.

Agad kaming bumiyahe papunta rito sa Lucena para makapag-usap nang masinsinan. Itinigil nila ang tripping at umuwi rito sa tinutuluyan nila para salubungin kami.

Tumango si mama habang naluluhang nakasandal kay dad na hawak ang balikat niya. Nakaharap din ako sa kanila, katabi ko si Marisa pero parang ang layo-layo niyang nakaupo. Hindi ko mabasa ang iniisip niya. At sa sobrang takot ko sa kung ano'ng gawin niya, hindi ko maalis ang tingin ko sa kaniya.

"Taong 1998 nang makilala namin si Sister Eva ng Sta. Rita Orphanage. Ipinakilala niya ako sa mga bata na nasa ampunan at ikaw ang nag-iisang match naming mag-asawa," kwento ni dad. "Ipinagbubuntis ng mommy mo si Nixen no'n at gusto naming ampunin ka. Mabilis lang ang naging proseso dahil isa kang sanggol na namatayan ng mga magulang, at wala nang ibang nagpakilalang kamag-anak mo."

Umagos ang luha sa mga mata ni Marisa at kahit gustuhin kong punasan ang mga iyon, hindi ko magagawa sa ngayon. Nagi-guilty ako dahil nagawa kong itago ang pinakamahalagang impormasyon sa buhay niya.

"B-Bakit hindi niyo sinabi sa 'kin?"

"Hindi kami handa sa maaari mong gawin kung sakaling malaman mo sa murang edad. Si Nix nga ay naglayas pa sa bahay nang malaman niya na ang totoo eh, ikaw pa kaya?" Teka, bakit ang paglayas ko ang nirarason nila? And that was just two days! "Kaya naghahanap kami ng tamang oras para maayos na ipaalam sa 'yo. At nang hindi ka mabigla."

Pinunasan ni Marisa ang luha niya at napayuko. "Maraming salamat, mom, dad. I won't go anywhere. Hindi ako magtatanim ng galit dahil mahal ko kayo. At utang ko sa inyo ang buhay at kinabukasan ko."

Gulat kaming tatlo na napatingin sa baby girl namin at dali-dali namin siyang dinaluhan at niyakap.

"Thank you, 'nak!"

"Sorry, baby girl!"

"Hahaha. Kayo talaga. Pakurot nga."

"Aray!" daing ko nang kurutin niya ako sa pisngi. "M-Marisa!"

Bad BrotherWhere stories live. Discover now