Chapter 1

5.5K 189 21
                                    

[1]

No'ng bata pa ako naniwala ako sa sabi ng guro at mga kaibigan ko na masaya ang magkaroon ng kapatid na lalaki.

"Marisa, kunin mo nga 'yong lighter sa table ni daddy."

Ako naman 'tong napaka-inosente at madaling maimpluwensyahan ng mga tao sa paligid ko, sumang-ayon na gano'n din ang mararamdaman ko sa kuya ko.

"Marisa, isampay mo nga 'tong towel ko sa labas. Ayokong mainitan."

Naniwala ako na ang mga ginagawa ni kuya ay pagpapakita ng pagmamahal sa isang kapatid.

"Marisa, kunin mo nga 'yong susi ng kotse kay manang."

Hanggang sa lumaki na ako at nagkaroon na ng matinong isip. Unti-unti na akong naliwanagan sa kasamaan ng mundo.

"Marisa, pakisabi kay mommy umalis na ako. Ang tagal mo kumain. Hindi na kita mahihintay."

Kasama na doon ang bad boy kong kuya!

"Paano ako matatapos kumain kung utos ka nang utos?!" Ni hindi ko pa nga nagagalaw ang pagkain ko pero ang plato niya simu't sarap na!

Para naman siyang bingi na nag-aayos ng kulay dark blue niyang buhok at kinindatan ako. "Paano ka matatapos kung reklamo ka nang reklamo riyan? Buahahaha! Bye, Marisa!" Patakbo pa siyang lumabas ng bahay!

"I hate you, kuya!"

"I love you, bunsoy!"

Grrrrr! Rinig ko pa ang malakas na makina ng Porsche niya at humarurot na ito papalabas. Iniwan na naman ako!

Lumapit sa akin si mommy na galing sa kusina. "'Nak, bakit ba palagi mo na lang inaaway ang kuya mo?"

"Mom?! Duh?! Siya kaya nang-aaway!"

Sumulpot naman si daddy sa likod ni mommy. "Hayaan mo na sila, hon. Magkakasundo rin silang dalawa."

Tinignan ko sila nang masama at mukhang nandidiri. "Never in a million years! Tsk."

Ako? Maganda, matalino, inosente at malinis na babae, makakasundo ang g-gwapo, pasaway sa school, ma-bisyo at bad influence kong kuya? No way!

Pagbaba ko ng school bus na sinakyan ko ay pinagpagan ko na agad ang uniform ko. Hindi naman talaga ako sumasakay diyan! Maingay, magulo, at wala akong sariling space. Hindi tulad sa kotse na maluwag, malamig, at nakakapag-soundtrip pa.

"Thanks ulit, manong!" kaway ko sa driver. Ilang beses na kasi niya akong natsetsempuhan kapag naglalakad ako sa kanto ng subdivision namin. Sa tuwing iniiwan ako ni kuya, school bus niya ang naghahatid sa akin sa school.

So technically, hindi ko nagagasta ang pera ko sa pamasahe. Buahahaha!

"Gusto mo ihatid na rin kita pauwi mamaya?" nakangiti niyang tanong.

Ehh? "Uhm. Hindi na, manong! May susundo na sa 'kin mamaya. Hehehe."

"O, sige. Next time na lang ulit, Ms. Stella."

"Sige po."

Malapad lang ang ngiti ko hanggang sa mawala sa parking lot ang school bus. Humarap na ako sa building ng Milestone University at huminga nang malalim.

Hahanapin ko si kuya at bibigyan ko siya ng flying kick bago magsimula ang first subject!

"Si Stellaaaaa!!"

"Kyaaaaa! Nandito na silang dalawa!"

"Ang ganda niya talaga, p're."

"Oo nga. Parang manika."

Bad BrotherWhere stories live. Discover now