Chapter 12

1.3K 108 15
                                    

[12]

Pagkatapos kong maligo ay lumabas na 'ko ng kwarto para kumain ng almusal. Nadatnan ko si kuya na nakaupo na at nagbabasa ng magazine.

Natigilan ako at huminga nang malalim. Hinubad ko ang tsinelas ko, kinuha iyon at saka ko siya binato.

"Aray!"

"Ke aga-aga nagbabasa ka ng bold!"

"Kakabuklat ko lang!"

"Kahit na!" Hindi na siya nagbago!

Tinapon niya ang magazine sa sofa at umayos na siya ng upo. Umupo na rin ako at sinimulan na naming kumain.

Una kong napansin ang plato ko na may chocolate syrup at nakakorteng puso. Ganun din sa plato niya. Sunod ay tinusok ko ang isang hotcake na korteng puso rin. Nilagay ko iyon sa plato ko at sakto lang siyang nakapaloob sa chocolate syrup na puso.

Tinignan ko si kuya na parang wala lang na kumakain nang tahimik. Palihim akong napangiti. Sus. Kung ganito siya araw-araw baka mapaamin din ako sa kanya.

Pero hindi ako aamin. Ayoko pa! Natatakot ako sa magiging reaksyon nila mom at dad kapag nalaman nilang ganito kami ni kuya sa isa't-isa.

At si kuya... baka... patigilin ko na lang siya sa kung ano man ang nararamdaman niya ngayon para sa 'kin.

Siguro... hindi niya ako gano'n kamahal tulad ng pagmamahal ko sa kaniya. Siguro... ginagawa niya lang 'to dahil sa marami siyang pagkukulang sa 'kin.

Natatakot akong umasa na parehas kami ng nararamdaman. Paano kung, ako lang pala ang nagmamahal ng higit pa sa isang kapatid?

Habang nasa byahe kami papuntang school ay kinuwento sa 'kin ni kuya ang mga nangyari kagabi.

Mayroon daw tumulong sa kanila na mafia at pinagamit sila ng GPS device na tinatawag na Eagle Eye. Na-track daw nito si Aubrey sa isang abandonadong building na nakagapos ang kamay at paa. Wala raw ibang tao doon bukod sa kanila kaya madali lang nilang nailigtas si bessywaps.

"Nakakapagtaka naman na walang ibang tao? Ano iyon, pinagti-trip-an lang nila tayo?" naiinis kong tanong.

"Hindi. Alam namin na may mga nakamasid sa amin doon. Pero hindi sila kumilos." Nagkamot ng kilay si kuya. "More like titignan lang nila kung sino ang pupunta roon."

Napaisip ako sa sinabi niya. "Kung gano'n nga, posibleng may specific na tao silang hinihintay. Tapos nang kayo ang pumunta, hindi sila kumilos. Ibig sabihin, hindi kayo ang inaasahan nila roon? Sino naman kaya?"

"Ikaw."

Ngumuso ako. "Ako? Paano mo nasabi?"

"Walang malay ang kaibigan mo nang matagpuan namin siya. Tapos nang tignan ko ang phone niya, ikaw lang talaga ang hiningan niya ng tulong." Humigpit ang hawak niya sa manibela. "Ikaw ang pakay nila."

Teka. Wala naman akong maalala na nakipag-usap ako sa kahit sinong miyembro ng Black Spider. Mas lalong wala akong inaaway!

"'Wag ka nang makikipag-usap sa kahit sino. Maski kilala mo lang sa pangalan, bawal!"

"Opo."

"Lahat ng lalapit sa 'yo ngayon ay suspek!"

Galit na siya niyan? "Opo."

Kailangan kong makausap si Aub. Baka nakita niya ang mga mukha ng grupong kumuha sa kaniya. Once na malaman ko kung sino'ng puno't dulo nito, bugbog sarado siya sa 'kin.

Paghatid sa akin ni kuya si room ay agad kong tinawagan sa phone si bessywaps. Makalipas ang ilang ring ay may sumagot na.

"Ay, sino ho ito?" Boses matanda. Ito yata ang yaya ni Aub.

Bad BrotherWhere stories live. Discover now