Chapter 19

943 77 12
                                    

[19]

Nixen

Pagkatapos kong sabihin sa kanila ang lahat ng nalalaman ko, gumawa na agad ng plano si Xyriel. Kasama ako, si Marisa, Aubrey, Thirst, Kristoff, Xyriel, Zandre, at ang mga tauhan nila.

Bukas ay pupunta kaming Camiguin para makita si Julian Rothschild... at pasamahin sa kaniya si Marisa.

Halos mapunit na ang puso ko habang iniisip na mayro'n na lang talaga akong natitirang oras kasama ang babaeng pinakamamahal ko. Alam naming sa oras na tumapak kami roon ay magtatago na ulit si Julian at isasama niya ang apo niya.

Hindi rin pwedeng manatili rito si Marisa dahil araw-araw manganganib ang buhay niya. I can't risk it. I know I have to make her safe.

Even if it means leaving her.

No'ng una, ayaw din ni Marisa. Sabi niya papakiusapan niya ang lolo niya pero mukhang imposible. Isa lang ang hinahangad naming lahat, ang kaligtasan nilang dalawa. Alam iyon ni Marisa kaya pinilit ko siyang gawin ang nararapat.

Mom and Dad will hate me for this. But I know they will understand. After all, kaligtasan lang din ni Marisa ang iniisip nila.

Umalis sina Xyriel sa unit kaya kaming dalawa na lang ni Marisa ang natira. Alam kong nandito pa si Kristoff, pero nasa bedroom siya.

Naramdaman kong may umupo sa tabi ko sa sofa at yumakap sa akin si Marisa. Humarap din siya sa TV kung saan pinapalabas ang Avengers.

"Kuya, mga kalahi mo oh."

Natawa ako. "Silly." Naalala ko pa nung sinabi ko sa kaniya dati na avenger ako dahil pinaparusahan ko ang mga nambu-bully sa kaniya noon. "Marisa,"

"Po, kuya?"

"Don't call me kuya anymore."

Lumayo siya sa akin at nakita ko ang sakit na rumehistro sa mga mata niya. "Right. Maghihiwalay naman na tayo bukas kaya wala akong karapatan—"

"Call me by my name, Stella."

Nanlalaki ang mga mata na tumitig siya sa akin. First time ko siyang tinawag sa totoo niyang pangalan. And hell, I want to do it over and over again.

Just like how I told her many times that I love her.

Pero mukhang hindi na mangyayari.

"N-Nixen..."

Boses niya ang tumalo sa kaniya nang magsimula nang lumabas ang mga luha niya. Hinila ko siya at niyakap ng mahigpit.

"I'm here, baby."

"I d-don't want to leave." nanginginig na sabi niya. Ilang beses niya iyang sinabi kanina pero hindi magbabago ang desisyon ko. Kung hindi siya aalis, paano niya makikilala nang buo ang sarili niya? Paano siya magiging masaya kung hindi siya kumpleto?

Maybe we'll meet again. Or maybe I will never see her again. Who knows? I just want her to be happy because that's what she deserves.

"You have to. Magiging okay ako. Sina mom at dad, maiintindihan nila."

Umiiling-iling siya habang nakasasiksik sa dibdib ko. "Ayoko, Nix. N-Nagsisimula palang tayo. Hindi ako papayag na maghiwalay tayo. Please, Nix. Ayokong gawin 'to."

She's right. Nagsisimula pa lang kami. Ngayon ko palang naipapakita sa kaniya kung gaano ko siya kamahal. Siguro sa simula palang, ganito na talaga ang nakatadhana para sa 'min. Magkikita at magkakasama kami, pero hindi habambuhay.

I'm too scared to lose her but... "I want you to be safe. Always remember that you're the only girl I love. Nothing can change that."

Aubrey

Bad BrotherHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin